CHAPTER [16]

236 11 0
                                    

Flashback

Back to you Xander!!!

*BLAG!*

Agad akong napatayo at napamulagat ng wala sa oras dahil ang panirang si Rhonjay ay biglang kinalampag ang lamesa ko.

"What the fuck Rhonjay?" I asked him with annoying voice.

"You should gising na Xander, parating na ang mga newbies." Sambit naman ni Hershey.

"Inaantok pa ako." Sambit ko at tumungo ulit para hanapin ulit ang tulog ko.

"May maganda at sexy doon!!!" Hershey shouted with all her strength!

"Kung ako sayo ay tatakpan ko ang mata ni Rhonjay." Sarkastikong tugon ko sakanya, sinamaan ako ng tingin ni Rhonjay dahil bigla ay nagwalkout ang nililigawan niya.

"Gumising ka na Pinsan! Ang sexy nung babaeng Madrigal!!!" Kleivan interrupted and then sit on my table.

"Mas sexy si Atasha." Nasambit ko habang iniisip siya, I really miss her! I didn't see her for almost 2 weeks! I miss her angelic face and her soft voice!

"Lahat ng Seniors! Sumunod kayo sakin!" Biglang sambit ni Keindler at umalis na,tsk bakit ba ang bossy ng isang iyon? Hindi porke paborito siya ni Mr Lee. Sinuklay ko ang mahaba at bagsak kong buhok, ginulo ko Ito ng bahagya dahil mas gwapo ako sa ganong paraan. Tinupi ko ang manggas ng itim kong polo hanggang siko at dumeresto na sa room kung nasaan sila.

Maangas akong naupo at kinuha ang mga papeles tungkol sa mga newbies, habang nagbabasa ay tinaas ko ang paa ko at nilagay sa lamesa. Habang tinitignan ko yon ay may isang babaeng nakapukaw ng atensiyon ko. Maganda siya pero dahil bawal ngumiti sa 1 by 1 pic ay nakafierce siya dito, mukha siyang maarte at matapobre. Hindi ko namalayan na isa isa na palang nagsisipasok ang mga newbies, masyado akong naging busy sa pagtitig sakanya.

Nagsisimula ng magpaliwanag si Keindler nong biglang bumukas ng napakalakas ang pinto at doon ay niluwa nito ang maganda, makinis, at maputing babae.

*DUGDUGDUG!*

Oh shit! Why am I so fucking nervous!? Why is my heart beating so damn fast!? Wooo! Nakagat ko ang labi ko dahil bigla ay nabahala ako sa presensya niya.

"Sunshine Lux!!!!" Galit na sigaw ni Keindler at tinitigan ng masama ang magandang babae.

"Eh!! Sorry na! Taeng Tae na kasi ako!!!"

Wtf?! Babae ba talaga ang isang to?! Ni hindi siya nahiyang sabihin yan saming lahat! Nakakaturn off! Sayang at ang ganda pa naman niya!

"Umupo ka na!!!" Sigaw naman ni Astraea. Hindi ko na sila pinansin at nagfocus na lang sa pagtetext kay Atasha.

"Hi!!! I'm Sunshine Lux!!!" Bigla ay may nagsalita sa gilid ko, napaangat ako ng tingin sa kung sino mang nagaabot ng kamay saakin.

*DUGDUGDUG!*

Bigla na naman ay kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko, perpekto ang ngipin niya kaya napakaganda niya pag ngumiti, dumadag pa ang malalim na dimple sa pisngi niya, shit bakit ang Ganda niya?

"Ah sige." Sambit ko na dahilan siguro ng pagkapahiya niya, nagtawanan ang lahat sa paligid dahil sa pambabalewalang natamo niya mula sakin. Nag-angat muli ako ng tingin sakanya dahil may inabot siyang inumin sakin.

"Anong gagawin ko diyan?" I asked curiously.

"Kung may commonsense ka hindi mo kakainin ang inumin."

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now