CHAPTER [27]

190 11 1
                                    

Buong araw akong nakahilata sa kama dahil sa nangyari kagabi, maghahapon na pero andito parin ako at nakatulala, hindi ko na alam kung ano ng next na gagawin ko, tapos naman na siguro dahil tapos na akong pumili diba?

*KRING!!!*

Wala ulit akong balak sagutin ang tawag gaya ng kanina ko pang ginagawa, Ewan ko ba kung bakit tamad na tamad akong tumayo ngayon.

*KRING!!!*

Nanatili paring pikit ang mata ko kahit na ilang beses na iyong tumutunog, pero mukhang desidido ata ang kung sino mang tumatawag dahil hindi parin iyon tumitigil, kaya sinagot ko na.

"Xander???" I opened my eyes when I heard Atasha's voice.

"Why?"

"Magdate tayo!!!" Nalayo ko ang cellphone ko sa sariling tenga dahil sa sigaw niya.

"I'm tired..."

"Please???"

"Susunduin kita, give me 1 hour." Alam ko na matatagalan ako dahil kada galaw ko ay may maaalala ako. Naligo na ako agad at pilit na tinanggal ang kung ano mang bumabangabag saakin.

*******
Andami daming pwedeng puntahan bakit dito pa sa Restaurant nila Sheira? Oo alam kong masarap pagkain dito, pero damn! Tambay dito sila Sun! Pwede namang sa Restaurant na lang na pag-aari ng Monterde hindi ba?

"May I take your order Ma'am and Sir?" Nakangiting sambit saamin ni Kira, good mood ata ang isang to.

"Gusto ko ng specialty ninyo." Nawala ang ngiti sa labi ni Kira at tumingin sa kisame na tila iniisip kung ano bang specialty nila.

"Mabuti at dumating kayo!"

"Bakit?" Takang tanong ni Jeyden.

"Ano ba ang specialty natin???"

"Ay nako!" Napatalon ako sa upuan ko dahil biglang may ulong lumabas sa lamesa, palagi na lang akong nagugulat sa ganito.

"Ano ba ang ibig sabihin ng specialty?" Nakapangalumbabang tanong ni Acey.

"Kung hindi mo alam may WiFi ang resto magsearch ka." Jeyden said and then walked out.

"O-Oy teka lang! Hindi ko alam ang order nila!!!"

"Ano bang kaingayan yan?!?!" Lumabas si Sheira sa opisina niya, ang sarap kaltukan ng Kira na to, nagwaitress pa hindi naman pala alam ang specialty nila.

"Hindi ko alam kung anong inoorder nila eh."

"Ikaw talaga!" Tumakbo na ng mabilis si Kira  dahil inambahan na siya ng boss niya.

"Ano bang specialty niyo?" Ako na ang nagtanong dahil nakikita kong naiirita na si Atasha sa nangyayari.

"Special Mami."

"Sige paorder kami, dalawa." Aalis na Sana si Sheira pero napatingin siya sa kung sino mang pumasok sa pinto.

"Oy Sun!!!" Nanigas ako sa kinauupuan nang malaman ko kung sino ang pumasok, bakit ngayon pa kasi?!

"Hi Sheira!!!" Kahit malamig sa loob ng Restaurant ay pinagpapawisan parin ako dahil sa boses niya.

"Oy sino yang kasama mo?!" Ang tono ni Sheira ay tono ng pangaasar or should I say pangiisyu?

"Friend ko!!!"

"Oy Sun! Mabuti at napadalaw ka?!" Narinig ko ang boses ni Manang.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now