CHAPTER [15]

232 13 0
                                    

Patuloy kami sa pagiyak ni Acey habang nasa operating room si Jeyden, samantalang si Spam naman ay tahimik na nakasandal lang sa mga pader. Hindi Gaya namin ay Hindi halata sa mga mukha niya ang pagaalala.

Bakit ba antagal nila sa loob? Ano na bang nangyari kay Jeyden? Okay lang kaya siya? Hindi kakayanin ng konsensya ko kung sakaling may mangyari ngang masama sakanya.

"Hindi siya mamamatay,may tiwala ako sakanya,Hindi niya ako iiwan." Narinig ko ang bulong ni Spam,kung Sana ay Hindi siya nakatali edi sana ay natalo namin ang lalaking iyon. Kasalanan ko ang lahat ng Ito,dati ng madaming binibigay na clue si Spam ngunit pinagdudahan ko parin siya.

"Kasalanan ko to,kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay Hindi na Sana kita tinali pa." Umiiyak na sambit ko.

"Wag mong sisihin ang sarili mo,hindi matutuwa ang kapatid mo kapag nalaman niya Ito." Napatingin ako sakanya habang tumutulo ang mga luha sa Mata ko.

"Mahal ba ako ng kapatid ko?" Bigla ay tanong ko.

"Kung hindi ka niya mahal,dapat ay hinayaan ka niya ngayon."

"Pero bakit hindi siya nagpapakita?"

"Dahil hindi naman dapat."

"Bakit wala siya dito ngayong umiiyak ako?"

"Hindi siya basta kapatid mo, kailangan niyang isipin ang kaligtasan mo."

"Kung kaligtasan ko ang iniisip niya bakit nadamay ako ng killer?"

"Dahil may utang ka sa Killer."

"At bakit ako nagkaroon ng utang sakanya?"

"Hindi, mali. Naiinggit siya sayo."

Napatahimik ako dahil sa sinabi niya,naiingit sakin ang killer? Naiinggit sakin ang nasa likod nito? Pero bakit? Anong meron ako para kainggitan niya? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko,Hindi mo kakayanin kasi sobrang sakit.

"Anong nangyari?" Bigla ay dumating si Lola Thalia,yung matanda sa shop. Kasama niya si Manang at Kira. Kahit ayoko ay naiyak na naman ako,kelan ba mauubos ang mga luha ko?

"Anong nangyari sa apo ko?" Tanong ni Lola.

Bigla ay lumabas na ang doctor kaya napatingin kami sakanya,pamilyar ang mga Mata niya,pero hindi ko maalala kung saan ko iyon nakita.

"Ehem. Wala na siya."

Tuloy Tuloy na tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig,kasalanan ko tong lahat,ako ang may kasalanan! Kung Sana ay nilabanan ko na lang ang lalaking yon at Hindi na lang basta hinarang ang sarili ko,edi sana ay buhay pa siya ngayon. Lalo pa akong nakonsensya noong marinig ko ang hagulgol ni Acey,masakit talagang mamatayan ng first love.

*PAK!*

Naramdaman ko ang pamamanhid ng pisngi ko dahil sa sampal na dumapo sa pisngi ko,gusto kong mamanhid,kulang pa yung isang sampal.

"Hindi niya kasalanan yon Acey!!!" Bigla ay sigaw ni Spam.

Napatingin ako kay Lola dahil humagulgol siya,ang sakit! Sana ay hindi ko siya pinagbintangan na killer,ang Sama ko! Hanggang kelan ko ba sasaktan ang mga tao sa paligid ko?

"I'm sorry,I'm sorry,I'm sorry..." Paulit-ulit ko iyong sinabi habang tumutulo ang mga luha sa Mata ko.

"Pwede ba naming Makita ang bangkay niya?" Tanong ni Manang.

"Ahhh...." Napatingin yung Nurse sa Doctor na para bang nanghihingi ng sagot or ng Sign?

"Bago siya mamatay sinabi niyang ayaw niyang ipakita sainyo ang bangkay niya." Sagot ng Doctor.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now