CHAPTER [35]

247 10 0
                                    

Hindi ko na naabutan pa ang lasing na si Koder at ang misteryosang babae, naiinis parin ako dahil kung makaasta si Xander ay parang pag-aari niya ako, kahit kailan talaga ay hindi parin siya marunong makuntento sa isa.

Iritado akong bumalik sa lamesa namin kanina, busy silang lahat sa kung ano anong bagay at ako ngayon dito ay nakatunganga lang.

"Mauuna na akong umuwi." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila, tumayo na ako agad at dumeretso na sa elevator. Papasok palang ako don ay nakita ko na ang taas kilay na si Atasha, ang galeng.

Pumasok na ako, naiwan kaming dalawa sa loob dahil mukhang sa second floor ang punta ng mga nakasabay niya. Sana talaga naghagdan na lang ako eh, exercise rin yon.

"Layo na nga nang layo tapos lapit parin ng lapit..." Sarkastiko akong natawa dahil sa sinabi niya. "Madami pang tao sa mundo."

"Kausap mo ba ako?" Tinignan ko siya ng may natatawang mukha.

"Tinatanong pa ba yon?"

"Akala ko si Xander kausap mo, I'm confuse, siya kasi yung lapit nang lapit eh."

"Hanggang ngayon ba naman ay pilingera ka parin?!" Konting Konti na lang ay sasabog na yata ang isang to, naglakad na agad ako palabas nang bumukas ang pinto. "Bat ba andaming pilingera sa paligid?"

"May salamin ba dito?" Tanong ko sakanya.

"Anong pake ko sa salamin?"

"Baka lang may salamin, parang kausap mo kasi yung sarili mo, pilingera ka diba? Feeling mo maganda ka."

"Hindi naman ako pipiliin kung hindi ako maganda." Nangaasar ang tono niya.

"Wala akong panahon sa kayabangan mo, hindi ko gusto ang mga aso, kaya pwede ilayo mo yang mukha mo?" Hindi ko na siya pinansin pa at pumara na agad ako ng taxi. Beat that bitch! Medj sumaya ako dahil mukhang naapektuhan yata ang gaga sa sinabi ko.

"Manong sa Dowell nga."

"Saan pong Dowell?"

"Malamang sa Makati, anong gusto mo pumunta tayo sa maynila para sa Dowell Village?" Sarkastikong tanong ko, my gosh! Sinisira niya ang napakaganda kong gabi.

"Lilinawin niyo kasi Ma'am, hindi ko alam na hindi na pala pwedeng magtanong ngayon."

"Wala ka kasing commonsense!!! Wag ka ng magsalita!!!!" Nagsaksak ako ng earphones para hindi ko na marinig pa ang nakakairitang boses niya.

Pagbaba ko sa taxi ay agad na akong dumeretso sa loob, agad na nangunot ang noo ko dahil andito na lahat ng mga pinsan ko, kanina lang ay mas nauna akong umalis sakanila sa bar, pero narito na sila ngayon, siguro nauna sila dito dahil ambagal nagmaneho ni Manong!

"Kasal." Kunot noo kong tinignan si Stanley dahil sa sinabi niya, anong kasal ang pinagshashabu nitong lalaking to?

"Ikakasal ka na? Congrats."

"Ikaw ang ikakasal." Sambit naman ni Kleivan.

"Anong kalokohan na naman yang nasa isip niyo?" Iritang tanong ko, dahil sa pesteng kasal sa papel na yon ay nagulo na naman ang maayos kong buhay sa loob ng sampung taon!

"Ikakasal ka kay Xander." Sunod na pumasok si Keindler na respetadong tignan dahil sa salamin na suot niya.

"Kasal na ako kay Xander, wag nga kayong ano diyan."

"We're talking about kasal in simbahan." Pinukol ko ng masamang tingin si Adriel dahil sa sinabi niya.

"Nagpapatawa ka ba?"

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now