CHAPTER [24]

194 11 2
                                    

Pagkatapos kong isigaw iyon ay nakaramdam ako ng hiya, bakit ba naman kasi ayon ang lumabas sa labi ko, hindi ko napigilan!

Nakagat ko ang sariling labi at ginulo ang buhok ko pero nagulat ako dahil may malamig na metal akong naramdaman at pagkakita ko sa palapulsuhan ko ay nakakita ako ng posas.

"A-Ano yan?!" Gulat kong tanong. Napatingin ako kila Lola at Sun na ngayon ay nakaposas narin ano ba namang katarantaduhan to.

"Pag nakawala ako dito! Kukulamin ko kayo!!!" Halos mabingi ako sa sigaw na iyon ni Lola Lolita.

Tahimik kaming lahat na nakaposas sa loob ng opisina dito sa Adriano mall, andaming pagkakataon na pwede kaming makulong, bakit ngayon pa na first date namin. Asar naman!

"Bawal ho dito sa mall ang pagbabaraha."

"Pero hindi naman pagsusugal yung ginawa namin!" Inis na sambit ko.

"Pero hindi nga yon pwede."

"Bakit kailangan nakaposas kami? Sa tingin niyo masasaktan namin kayo? Masasaktan ba kayo sa kagat niya?" Tinignan ko si Lola Lolita. "Eh puro gilagid na lang yan."

"Gusto mo bang matanggal yung posas or nilalait mo lang tong gilagid ko?"

"Parehas daw ho Lola."

"Ayaw niyo sa walang ngipin? Walang sayad! Deretso sagad—"

"Lola Lolita will you please shut up? Nakakadiri ka eh!" Inis na sambit ko.

"Madami ding nagreklamo sainyo dahil sa pagiingay niyo."

"Ano bang problema sa pagsasabing Mahal niya itong isa?" Bigla ay nahiya ako sa sarili ko dahil sa tanong ni Lola Thalia, sobrang cheezy naman ata ng ginawa ko.

"Nakakapahamak talaga yung sobrang kalandian." Kung hindi lang ako nakaposas ay sinapak ko na ang lalaking to. "Papunta na ang lawyer." Dugtong niya.

"Anong lawyer lawyer? Magiging lawyer ako at ang pinsan ko! Ang pinsan kong isa ang may Ari ng mall na to, kung hindi mo kami papakawalan, mawawalan ka ng trabaho!!" Inis na sigaw ko.

"Hindi mo ako matatakot sa ganyan mo, madadagdagan ang kaso mo kung gagamitin mo ang amo ko."

"Tama na, hayaan mo na." Tinignan ko si Sun.

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman!"

"Hindi ba nasasaktan ang kamay mo sa posas?"

"Okay nga lang ako."

"Baka magkapasa ka."

"Wag kang mag-alala." Hinalikan ko ang noo niya at hinintay na dumating ang pinsan ko.

"I'm so sorry for the pinsala." Nakangiting sambit ni Adriel, muli kong tinapunan ng tingin ang lalaki bago kami lumabas.

"Thanks." Sambit ko sakanya.

"It's ayos lang naman, but lesson learned don't be so maharot." Tinitigan ko ng masama si Adriel pero tumawa lang siya at umalis na.

"Xander?" Napakurap ako dahil ay tinawag ako ni Sun, hindi ko namalayan na iniisip ko na naman pala ang about sa kung sino nga ba ang manok ni Lola Lolita, pero imbes na si Sun ang makita ko ay nakita ko ang nakakatakot na ngisi ni Lola Lolita, geez feeling ko kukulamin niya ako!

"Masama ba ang pakiramdam mo???" Bakas sa boses ni Sun ang pagaalala kaya nakonsensya ako dahil masaya dapat kami sa first date namin pero lumilipad ang utak ko.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now