CHAPTER [33]

222 11 0
                                    

Nanaig ang katahimikan sa buong kwarto dahil sa binalita ni Pierreous, bakit ngayon pa nangyari to? Hindi ko gusto na ayawan ang anak ko pero pagkakamali iyon dahil girlfriend ni Xander si Atasha.

"B-Baby?! Are you serious Pierreous?! Dahil kung hindi ay sasaksakin talaga kita ng injection at hihiwain ko yang katawan mo at kukuhanin ko ang—"

"Nakakatakot ka naman Astraea! Syempre seryoso ako noh!"

"Ilang weeks na akong buntis?"

"Anong buntis?" Tanong ni Pierreous na ipinagtaka namin ni Astraea.

"S-Sabi mo baby?"

"Sabi ko nga baby!"

"Eh bakit nagtatanong ka kung anong buntis?! Konti na lang talaga papaalisin na kita sa hospital na to!!!" Hayp tong Astraea na to, feeling may kapangyarihan! Ay oo nga meron?

"Sabi ko masama para kay Sun ang umiyak noh!"

"Sabi mo baby!!!!"

"Baby kasi cute si Sun parang baby!"

"Peste ka! Akala ko naman buntis na ako! Nakahinga ako ng maluwang, muntik ko ng masigaw na 'buntis ako!!!' hahaha."

"Pano mo nalamang buntis ka?" Bigla ay napatingin kami kay Keindler na nakapamulsa ang isang kamay at may hawak na papeles sa kabila, bakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Ano? Joke na naman ba yan? Akala mo maniniwala ako?" Inirapan ko siya dahil alam kong trip lang ako ng pinsan ko.

"Anong joke? Sabi ko na buntis ka dahil sa mga kinikilos mo nitong nakaraan—"

"ANONG BUNTIS?! BAWIIN MO YANG JOKE MO!!!!"

"I'm not joking Sun."

"B-Buntis si Sun?! Pero sabi mo Sun nafood poison ka ah?!?!" Gulat na sambit ni Pierreous at may pahawak epek pa sa mukha niya.

"Oo, hindi ka parin talaga sanay sa mga buntis, hindi mo kasi sineryoso ang tungkol diyan, dahil hospital niyo at alam mong hindi ka papupuntahin ni Mr Lee sa ganong sitwasyon, you're 3 weeks pregnant Sun, and you know what? I discovered something."

"A-Ano naman yon?"

"May ginawa nga kayo ni Xander bago ka puntahan ng killer, sharp shooter pala ang isang yon, mabuti at nabuo parin ang baby kahit na nasugatan ka, siguro ay dahil yon sa gamot."

Kung kelan inenjoy ko ang gabing yon ay tsaka may nabuong ganito, anong gagawin ko nito? Sasabihin ko ba to kay Xander? Pero ayoko ng makagulo pa sakanila ni Atasha!

"May ipapakiusap sana ako sainyong tatlo." Napatingin sila sakin at inabangan ang susunod kong sasabihin.

"Ano?/what?/sabihin mo."

"Gusto kong walang makaalam nitong pagbubuntis ko."

"Ha? Eh Pano si Xander?"

"Anong Pano siya Pierreous?"

"Siya ang ama niyan."

"Ang anak ko muna ang iisipin ko ngayon."

"Pero masakit para sa isang ama kung ilalayo sakanya ang anak niya Sun! At hindi mo alam ang pakiramdam na yon!!!"

"Anong alam mo diyan Pierreous?" Sarkastikong tanong ni Keindler.

"Mag-anak ka muna para true to life tayo." Sarkastikong sambit din ni Astraea.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now