CHAPTER [22]

208 11 1
                                    

Hays! Bakit ba hindi siya nagrereply? Palagi na lang antagal niyang magreply, konti na lang talaga ay iisipin ko ng marami nga siyang jowa eh! ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil secret lang ang meron kami at palagi akong inaaya ni Atasha sa kung ano ano, kaya text na lang kami tapos ambagal pa magreply!

To: My babyloves
Ano bang ginagawa mo?

To: My babyloves
I miss youuuu.

Tumayo din ako sa huli at ginulo ang buhok ko, sabi niya maguusap kami magdamag kasi hindi kami nakapagusap buong araw tapos ganito?! Dumeretso ako sa walk in closet ko at kumuha ng jacket, hindi ka nagrereply ah! Pupuntahan kita kala mo ah!

Sa sobrang pagmamadali ko ay napalakas ang pagbukas ko ng pinto at may tumalsik na kung ano. Pagsilip ko ay nakabulagta ang pamilya ko, anong ginagawa nila sa labas ng kwarto ko ng ganito kaaga?

"Oh my god!" Sigaw ni Mama habang nakahawak sa ilong niyang dumudugo.

"She's bleeding!!!" Sigaw naman ni Papa at nilapitan si Mama.

"Ano ba naman yan! Malay ko ba kasing andyan kayo sa may pinto! Ano ba naman kasing ginagawa niyo diyan?!" Inis na bulalas ko.

"Eh kanina ka pa salita ng salita diyan sa kwarto mo noh!!!" Inis na sambit ni Mama habang may nakalagay na cold compress sa ilong niya.

"Buong araw kayong magkasama ni Atasha, bakit nagaantay ka parin sa text niya?" Bigla ay tanong ni Koder.

"Wala kang pake." Sambit ko at naglakad na.

"At saan ka naman pupunta ng ganitong oras?" Tanong naman ni Papa.

"Babalik din ako agad." Nginitian ko sila at agad na tumakbo papunta sa kotse ko at pinaandar na ito. Mabilis ang pagpapaandar na ginawa ko dahil buong araw kaming hindi nagkita ni Sun, I really miss her.

Pinarada ko ang kotse sa kanto lang nila dahil mahirap na at baka makilala iyon nila Tita at magwar na naman sila ni Mama. Bumwelo ako para matalon ang malaking pader sa bahay nila. After ng ilang beses na Subok ay naabot ko na iyon, kumapit ako sa puno at doon na bumaba. Oh shit! Ngayon lang ako nakapunta dito paano ko malalaman kung nasaan ang kwarto ni Sun? Baka hindi pa ako nakakalabas dito ay nalagutan na ako ng hininga.

"Miniminimaynimopwetngkabayo— hays! Sa kaliwa!" Tumingin tingin ako sa paligid habang dahan dahang naglalakad, hindi ko alam na may talent pala ako pagdating sa akyat bahay, atleast bago ako mamatay nalaman kong may talent pala ako.

Bawat pinto ay binuksan at sinilip ko, mukhang aabutin ako ng umaga dito kung iisahin ko ang napakaraming kwarto. Kailangan makaisip ako ng paraan!

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan pero agad ko rin yong natalon dahil may katulog bigla na lumabas! Napunta tuloy ako sa gilid ng hagdan, napunta ako sa salas, nakakaligaw ang bahay nila sa totoo lang, kung hindi ko ba siya namiss maliligaw ba ako dito ngayon?

Bigla ay nakaramdam ulit ako ng tao, kaya wala akong nagawa kundi gumulong at magtago sa may sofa. Nanlaki ang mata ko dahil may CCTV at nakatutok iyon saakin ngayon! Ipinapanalangin ko na lang na sana ay walang nagbabantay doon ngayon.

Agad kong tinawagan si Adriel dahil sa lahat ng pinsan ko ay siya lang ang pinakamagaling pagdating sa pagcontrol ng ganon at bukod don siya lang ang mapagkakatiwalaan.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now