CHAPTER [36]

248 10 0
                                    

"Sa kaso mong yan sa tingin mo ba deserve mo ang second chance? Second chance ba talaga? Andami ko ng binigay na chance sayo Xander, pero tinatapon mo yon para sakanya, tapos ngayong okay na ako andito ka na namang tarantado ka."

"Pero mahal kita! Ikaw lang mag-isa, hindi mo ko binigyan ng chance na piliin ka dahil iniwan mo ako at nangibang bansa ka, ngayon tatanungin kita, masaya bang iwan ako ha? Masaya ka na ba dahil nasasaktan ako? Masaya ka ba dahil nakakaganti ka na? Masaya ka ba dahil ako na ang naghahabol ngayon?" Pinatama ko ang malakas na sampal ko sa mukha niya.

"Oo masaya ako! Dahil sa wakas nararamdaman mo na yung nararamdaman ko nung mga panahong balewala ako! Sobrang saya ko dahil nararanasan mo na yung naranasan ko na ipinaramdam ng taong mahal mo na hindi ka kawalan sakanya!" Tumulo ang luha ko at hinampas ang dibdib niya habang siya ay patuloy na tinatanggap ang mga iyon. "Masaya ako Xander na hinabol mo ako noon at dahil tanga ako ay binalikan kita, pero pagbalik ko ikaw na at si Atasha, sabi mo mahal mo ako, nasaan ba ako? Ang hirap umasa na mamahalin mo ako kahit hindi naman talaga!"

"B-Bumalik ka?" Bakas ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Binalikan kita kasi mahal kita, pero hindi na healthy eh, nakakasama ka na sakin! Mahal kita kaya naniniwala ako sayo, pero ang isang kriminal na paulit-ulit na ginagawa ang isang krimen hindi na magbabago kahit kailan, kasi nakasanayan niya na yon, parang ikaw nakasanayan mo ng saktan ako, sa sobrang sanay mo inulit-ulit mo na parang hindi ako tao kaya mo ako sinasaktan ng ganito."

Bakit ba hindi ko maturuan ang puso ko na magmahal ng iba? Bakit kasi siya pa? Bakit siya parin pagtapos ng lahat ng sakit? Bakit hindi nagbago? Bakit ako apektado?

******
Hindi na kami muli pang nagpansinan ni Xander pagtapos ng confrontation namin kanina, awkward din para sa iba kaya tahimik lang din sila.

Andito kami sa hapag para mag-agahan dito na pala silang lahat natulog dahil balak nilang pag-usapan ang tungkol sa kasal namin ni Xander.

"Hindi ba ija gusto mo yung may ribbon?" Andito rin pala sila Tita Alex hindi ko manlang napansin na dumating sila, tumango na lang ako sakanya, ayoko ring tignan siya dahil nakakaramdam ako ng pangit na presensya banda sakanya.

"Sa simbahan kung saan kami kinasal ni Haxwell sila magpapakasal ha?" Bakit parang ang lumanay ng boses nito ni Mama ha? Wag mo sabihing prend na sila ni Tita?

"Sure!!!! Pagandahin natin yung reception!"

Nagkwentuhan sila ng kung ano anong mga bagay, samantalang kami ni Xander ay tahimik lang, edi sila na may prend, ang mga pinsan naman namin ay nasa labas kumain, naiwan kami rito para makasama ang family namin.

"Kayo anong masasabi niyo?" Nagkatinginan kami ni Xander at agad na nag-iwasan dahil sa tanong na binato saamin ng pamilya namin.

"Sa tingin ko ay masaya nga ho yon! Ha-ha-ha!!!" Nakagat ko ang labi ko dahil pati sila ay naging awkward sa paraan ng pagtawa ko. Tumingin ako kay Xander at pinandilatan siya ng mata upang sakyan niya ang kung ano mang sinabi ko.

"Ah oo! Tingin ko nga ay masaya iyon! Ha-ha-ha." Sa tingin ko ay pinapahalata ng isang to na hindi niya gusto ang sinasabi niya.

"Ha? Anong masaya? Masaya kayo na maraming namamatay ngayon?" Kunot noong tanong nila, bakit ba naman kasi napunta sa ganon topic nila eh nasa kasal lang sila kanina ah?

"I mean masaya ako kung mahuhuli na nga ang killer." Tinitigan ko ulit si Xander, malakas siyang napabuntong hininga.

"Masaya nga po talaga kung ganon." Seriously hindi siya mukhang masaya, kahit kailan talaga hindi marunong umacting with feelings ang isang to.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now