CHAPTER [31]

236 12 0
                                    

Back to you Sun!!!

Dahan Dahan kong dinilat ang mga mata ko at agad na nasilaw sa paligid, puro puti! Wait? Patay na ba ako? Omo!!! Pano na yung pangarap kong maging ina? Mabuti at hindi ako virgin na namatay kundi ay talagang magluluksa ako!

"Ikaw na ba yan San Pedro?" Sambit ko habang nakatingin sa matandang nasa tabi ng kama ko.

"Anong San Pedro ang sinasabi mo diyan?!"

"Nakalagay ho ba ako sa ako sa aklat ng buhay?"

"Gusto mo bang tanggalin kita sa aklat ng mga lawyer?" Bigla ay napantig ang tenga ko at agad akong napatayo.

"Syempre Chairman Lee ay ayoko po hehe."

"Puro ka kalokohang bata ka, mabuti at malakas ka sakin at hindi kita tinanggal sa ilang araw na hindi mo pagpasok!"

"Sorry na ho! Marami lang talagang nangyayaring kung ano ngayon eh! Tsaka mahina pa ang katawan ko, pwede pa ho bang humingi ng isang buwang pahinga?"

"Isang buwan lang?"

"Ay pwede ho bang dalawa?"

"Magpahinga ka na habang buhay! Nahiya ka pa eh!"

"Sabi ko nga ho na pagkalabas ko dito ay gagalingan kong magtrabaho!!!" Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako, ito talagang matandang to, mabuti at may pera siya! Kahit matanda na ay pinapayagan paring magtrabaho. Napatahimik ako ng maalala kung ano ang napanaginipan ko, andami daming pwedeng mapanaginipan bakit yung samin pa ni Xander? Feeling ko tuloy ay nasa isa akong movie na bumalik sa nakaraan, napanaginipan ko yung pagluhod ko! It's kadiri! Napangiwi ako at naayos ng wala sa oras ang bangs ko. Sabay na pumasok si Kira at Pierreous na nakasuot ngayon ng uniform, infairness kay Kira ah? Hindi na ata nagtatrabaho sa madaldal na si Sheira?

"Mamamatay na ba ako?"

"What the hell? May nararamdaman ka bang sintomas na malapit ka ng mamatay?" Sarkastikong tanong ni Pierreous at tinulak ang cart papunta sakin, marami akong nakitang kung ano ano na nakalagay don. Nakita kong may ituturok siya sakin kaya agad kong nalayo ang katawan ko.

"Hoy!!! Sigurado ka ba diyan?"

"Malamang!!!"

"Martilyo nga hindi mo alam pinagkaiba yang injection pa kaya!?"

"Malamang kasi hindi naman ako karpintero!!!"

"Naku Pierreous! Ayus-ayusin mo lang at baka mataga kita!!!"

"Haynako antagal! Ako na nga!!!" Sigaw ni Kira.

"Okay na ako kay Pierreous! Pierreous my loves!"

"Nagsawa ka na siguro kay Xander." Umirap si Kira at humalukipkip sa gilid.

"Ano bang gagawin mo Pierreous?"

"Kukuhanan ka ulit ng dugo para sa bagong examination." Pinanood ko siyang gawin iyon, at nakahinga ako ng maluwang dahil naisagawa niya iyon ng maayos at humihinga pa naman ako.

"Nga pala Doc Pierreous okay na ba ako?"

"Temperature: 36°"

"Ah? Okay?"

"Pulse...." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at tumungin sa wrist watch niya. "65 beats per minute."

"Ha? Gege."

"Respirations: 15 breaths per minu—"

"Teka nga Pierreous!!! Tinatanong ko kung okay na ako! Bakit iba yang sinasagot mo?!"

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now