CHAPTER [23]

188 10 2
                                    

Maganda ang gising ko ngayon dahil hindi ko parin malimutan ang nangyari kagabi, kung hindi lang talaga kumatok si Tita Sushine ay baka nagtagal pa ako roon.

"~Mahal niya ako
    Mahal niya ako
    Mahal niya ako~"

Kumakanta at sumasayaw ako mula kanina hanggang dito sa hapag kainan namin, nakikita ko ang mga nagtataka nilang tingin dahil kahapon ay mukha akong problemado tapos ngayon ay mukha akong masaya.

"May lagnat ka ba?" My Dad suddenly asked me.

"The Question is wrong, May sapak ka ba?" I winced because of my Mom Question, pag masaya may sapak agad? Hindi ba pwedeng masaya lang talaga?

"I'm just happy, I didn't know that it's bad for me to be happy huh?" I asked sarcastically.

"It's not like that Anak, tignan mo kasi tong kinikilos mo." My Dad explained.

"Kung ako kasi ang tatanungin, tingin ko ay parang nanalo ka sa Lotto." Koder Interrupted.

"Tingin ko mas maganda pa ito kesa sa pagkapanalo sa Lotto." Nginitian ko sila bago sila iniwan na nagiisip sa hapag kung ano nga bang nangyayari saakin.

Pinili ko ang pinaka maganda at paborito kong damit dahil espesyal na araw ito dahil ngayon ang pinakaunang date namin ni Sun simula ng naging kami, hindi pa kami naghihiwalay ni Atasha dahil humahanap pa ako ng magandang tiyempo para doon at mabuti ay naiintindihan naman iyon ni Sun.

********

Pagpasok namin sa Mall ay maraming lalaking tumitingin kay Sun, hays! Nakakainis naman! Bakit kasi napakasexy ng damit niya ngayon eh.

"Ayoko ng ganyang klaseng damit! Nakikita ko na yang cleavage mo oh!"

"Bakit hindi ba bagay sakin?" Malungkot niyang tanong kaya medyo nakonsensya ako, parang nagiging mahigpit na ako sakanya.

"Bagay naman kaya lang masyadong showy ayoko ng ganon."

"Sige magpapalit na ako." Nginitian niya ako at hinila papunta sa bilihan ng mga damit. Hinatak ko siya kaya nauntog siya sa dibdib ko.

"Sayang pera, wag ka ng magpalit." Nginitian ko siya at ginulo buhok niya bago hinatak sa food court.

"Pero sabi mo ayaw mo ng ganito." Bigla ay sambit niya habang namimili kami ng pagkain.

"Ayoko lang kasi na baka mabastos ka."

"Kaya nga magpapalit na." Nakangusong sagot niya, hinalikan ko ng mabilisan ang tungki ng ilong niya.

"Dapat suportahan kita sa bagay na komportable ka."

"Pero baka mabastos nga ako." I grabbed her waist and pulled her closer to me.

"Kaya ko namang makipagsapakan."

"Baliw hahaha." Hinampas niya ng mahina ang dibdib ko at lumayo na saakin, sana lang talaga walang makakita saamin ngayon.

"HULI KA BALBON!!!!"

"WAAAHHH—!!!" Sa sobrang gulat ko ay nakapagtago ako agad sa likod ni Sun at doon ay nakita ko ang may sapak na si Lola Lolita.

"Ano ka ba naman Lolita, pati ba naman mga bata tinatakot mo." Sabat naman ni Lola Thalia.

"Sino pong kasama niyo ngayon?" Tanong ni Sun, makikipagchikahan pa ata ang isang to.

"Kasama namin si Kira at Constancia." Umatake ang kaba sa dibdib ko, may kadaldalan si Kira at Manang, baka madaldal nila sa iba na magkasama kami ngayon ni Sun ng kaming dalawa lang! Hays ang malas!

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now