CHAPTER [39]

246 9 0
                                    

"Alalahanin mo!!!!" Sigaw naming lahat sakanya dahil ngayon pa talaga siya nagulyanin kung kelan kailangan na.

"P-Parang naaalala ko na."  Naningkit ang mga mata niya habang animong may finifugure out na kung ano, kami naman tong mga mukhang tanga na palapit nang palapit sakanya. "Di ko maalala." Nagsibagsakan ang mga balikat namin.

"Mas ulyanin ka pa saming matatanda eh!!!" Sigaw ng matatandang naroon, kung nasaan ang mga tita ko ay hindi ko na alam.

"Kung inaalam niyo na kasi kung ano tong mga number na to baka mas makilala natin agad ang killer noh!" Iritadong sigaw niya samin.

"Mas mapapadali tayo sa bracelet noh, hindi natin alam kung anong ibig sabihin ng punyetang number na yan! Marami na akong problema, ayoko ng magsolve sa problem ng math! Problema niya yan kaya siya ang umayos!!!"

"Ano ba kasi yang number na yan?" Kinuha ni Keindler ang hawak na papel ni Xander at pilit tinitigan ang numerong nakasulat don, para kaming nasa ibang planeta na pilit inaalam kung anong salita ng mga alien na naroon.

"May kilala ako na pwedeng makapagsabi kung ano yan." Napatingin kaming lahat kay Rhonjay dahil sa sinabi niya, lmukhang wala namang sasabihing maganda ang isang to eh.

"Sino?" Tanong naming lahat.

"Si Sapphiro."

"Nagbibiro ka ba?" Gulat na tanong ni Kira at Khrisler na mukhang kilalang kilala ang kung sino mang binanggit ni Rhonjay, Sapphiro? Ang yummy ng name ah?

"Hindi ako nagbibiro, natest ko na ang batang yon, halos lahat ng tinatanong ko, mabilis niyang nasasagot, Malay natin alam niya kung anong number yan hindi ba?"

Bata pa yung Sapphiro? Naku pwedeng pwede! Fresh pa!! Naiimagine ko na tuloy kung gano siya katangkad at kakisig!

"Oh sige! Papuntahin niyo na!!!" Maligayang sambit ko at hindi na inalintana pa ang pagkakunot ng mga noo nila.

"You're not going to harot my inaanak right?" Bigla ay pagsingit ni Adriel, tahiin ko bunganga nito eh.

"Inaanak or anak?" Sarkastikong tanong ko naman.

"Anak yon ni ano."

"Huwat?!" Nagkandaubo ako dahil sa biglang pagsingit ni Rhonjay sa usapan.

"Uso kasi manood ng news." Singit naman ni Kleivan na hindi ko alam kung saan lupalop ng mansiyon nanggaling.

"Try mo manood ng news habang tulog." Sarkastikong sagot ko naman sakanya, kaninong anak yon? Imposibleng sa mga kaibigan ko dahil binata na yon, unless may nagkaanak dito nung 10 years old?

"Tinatawagan ko na si Clairebelle." Sambit ni Rhonjay habang may tinatawagan nga sa phone niya.

[Yes? Clairebelle speaking.] Ganda sa pandinig ng boses nitong ate ni Astraea, samantalang siya parang nagaaya ng sapakan sa kanto.

"Ah andyan ka ba ngayon sa hospital?"

[Yes, why?]

"Andyan ba si Ginno?"

[Yes, I saw him kanina, nahulog si Sapphire sa hagdan kaya pinapagamot niya ngayon kay Dwight.]

"Tinatawagan ko kasi si Dwight and he's not answering he's phone, siguro busy kay Sapphire." Mukhang hindi alam ni Rhonjay kung paano makikiusap kay Clairebelle na tawagin si Ginno, may hiya rin pala ang isang to?

[Yes, it's kinda busy in this hospital now, all of our doctors is busy with their kalandian.] Nagtawanan kaming lahat dahil sa bitterness na naririnig namin sa tinig niya.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now