CHAPTER [25]

181 12 0
                                    

"Sinasabi ko na nga ba!!!" May marahas na naghiwalay saaming dalawa ni Sun. At Doon ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni Atasha. Feeling ko ay ito na ang katapusan naming dalawa.

"Malandi kang babae ka!!!!" I don't know what to do, hindi ko alam kung paano ihihiwalay ang kamay ni Atasha sa buhok ni Sun, pinagtitinginan na kami dito sa gitna ng fountain, nasa center kami ngayon.

"Nakikita niyo tong babaeng to?! Nilalandi niya ang boyfriend ko!!!!"

"Atasha ano ba?! Itigil mo na to!!!" Binitawan niya si Sun at pumunta saakin para sampalin ako.

"Ikaw ang tumigil Xander!!!!" Niyakap ko siya para hindi na siya ulit makasugod pang muli kay Sun, hindi lumalaban si Sun dahil alam niyang mali kaming dalawa at nasasaktan namin si Atasha.

"Anong nangyayari dito?!?!" Napatingin ako kila Lola dahil bigla silang dumating, nagpapasalamat ako dahil ngayon sila dumating. Tumakbo papalapit si Lola Thalia kay Sun na nakaupo at sabog sabog ang buhok. Gusto ko siyang lapitan pero kapag binitawan ko si Atasha ay paniguradong sasaktan niya na naman si Sun.

"Hoy ikaw babae!!! Kala mo maganda ka?!?!" Galit na sigaw ni Lola Lolita, syete naman! Ang gusto ko makiawat siya, hindi sumali sa away nung dalawa.

"Maganda talaga ako!!!" Inis na sigaw naman ni Atasha sakanya.

"Maganda ka pala eh bakit mas mahal siya?!?!"

"Lola Lolita! Hindi ka nakakatulong!!!" Inis na sigaw ko at hinila pa si Atasha, pero dahil sa pagpupumiglas niya ay nakalmot niya ako at tuluyan ng nakawala. Bakit ba ang hirap nilang awatin?! Hinablot niya ulit si Sun at nakakainis kasi hindi siya lumalaban.

"Tama na Atasha please...." Tumulo na ang mga luha sa mata ko, at sa wakas ay nahiwalay ko na rin ang kamay niya sa buhok ni Sun.

*PAK!*

Hindi ko inaasahan na sasampalin ni Sun ng ganong kalakas si Atasha! Agad akong lumapit kay Atasha at tinignan kung okay lang siya.

"Okay ka lang ba?"

"Huwaa!!! Sinampal niya ako!!!" Ang hirap pa naman patahanin ng isang to.

"Napakaarte mo!!!!" Inis na sigaw ni Lola Lolita.

"Lolita wag ka ng makisali sa away ng mga bata." Saway namin Lola Thalia. Nakita kong sasampalin na naman ni Sun si Atasha kaya pikit mata kong hinarang ang sarili ko, pero makalipas ang ilang Segundo ay wala namang tumamang palad saakin kaya unti unti kong dinilat ang mga mata ko at doon ay may nakita akong lalaki na na nakahawak sa kamay ni Sun.

"Itigil mo na to." Mariing sambit nung lalaking nagtanong ng pangalan niya kanina, at bakit naman siya Nandito?!

"Look at you Sun, nakakaawa ka." Bigla ay tinabi ako ni Atasha para puntahan at asarin si Sun, hinawakan ko ang braso niya pero tinanggal niya lang ang pagkakatanggal niyon. Nakita ko ng taliman ni Sun ng tingin si Atasha pero hindi magawang sumugod dahil hawak nga nung lalaki yung kamay niya.

Alam kong maling magselos sa mga oras na Ito pero gustong gusto kong putulin ang kamay ng lalaking ito!

"May dalawang prinsipe na nagproprotekta saakin, samantalang ikaw, parausan ka lang." Nakita ko ang namumuong luha sa mata ni Sun dahil sa galit na nararamdaman niya.

"Umalis na tayo Atasha." Hahatakin ko na dapat siya pero tinanggal niya ulit  ang pagkakahawak ko sakanya.

"Hindi ka ba nahihiya? Naaalala ka lang kapag wala ang number one." Nakita kong sasampalin niya si Sun pero masyadong mabilis ang pangyayari, mabilis na umikot ang lalaki paharap saamin para salagin ang kamay ni Atasha.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now