CHAPTER [37]

229 10 0
                                    

Hindi ako makatulog sa tuwing naaalala ko ang halik niya sa ilong ko, sobrang lapit ng mukha niya non sakin, nakadungaw ang mga mata niya sakin habang ginagawa yon.

*Lunoook*

Napatayo ako at natanggal ang kaninang tinaklob kong kumot sakin, akala ko hindi ko na siya mahal pero ganito parin ang epekto niya sakin, kagaya parin ng dati ang kilig na nararamdaman ko, hindi nagbago at parang mas lumalala pa sa paglipas ng panahon!

Nakagat ko ang labi ko at tinignan ang pinto ng kwarto ko, andyan parin kaya siya sa labas? Alam kong sinipa ko siya palayo dahil sa sinabi niya at pati ako ay nasaktan dahil nasaktan siya. Ang rupok mo selp!

Tumayo ako at dahan dahang naglakad papunta doon, pagbukas ko ay andon siya sa may pader nakaupo at natutulog, kaninang umaga pa nung pinaalis ko siya, gabi na, dito ba siya matutulog? Hays bahala na nga!

Lumakad ako papunta sakanya at naupo rin sa harap niya upang magpantay kaming dalawa, kinalabit ko siya at makalipas ang ilang segundo ay nagising narin siya, nagulat siya dahil andito ako sa harap niya.

"Anong ginagawa mo dito?..." Tumingin siya sa wrist watch niya, "Anong oras na bakit hindi ka pa natutulog?"

"Pano ako makakatulog baka mamatay ka dito, makonsensya pa ako buong buhay ko, bat hindi ka pa ba umuuwi? Dapat sumabay ka kila Tito."

"Okay lang ako dito matulog ka na."

"Dito ka matutulog? Andami daming kwarto, si mama talaga—"

"Gusto ko dito, babantayan kita."

"Bakit tatakas ba ako? Hindi naman ako tatakas magpapakasal naman ako sayo."

"Hindi ko sinabing tatakas ka, gusto lang kitang bantayan, mahirap na at baka makipagkita ka pa sa Joash na yon at maudlot ang kasal natin."

"At bakit naman mauudlot ang kasal natin dahil kay Joash? Unless ititigil mo rin ang kasal natin para kay Sheira?"

"At bakit napasok si Sheira sa usapan?" Hinarap niya ako at nakataas na ang kilay niya ngayon.

"At bakit din napasok si Joash sa usapan."

"Malay ko ba kung kayo non or may past kayo." Humalukipkip siya na parang bata.

"Malay ko rin ba kung kayo ni Sheira or may past kayo."

"Wag mo nga siyang isali, kaibigan ko lang yon."

"Exactly, kaibigan ko lang din si Joash kaya wag mo siyang isali." Tumayo ako, kaya tiningala niya ako na may nagtatakang tingin. "Ano pang tinatanga mo diyan? Tara na sa kwarto ko."

"Anong gagawin natin sa kwarto mo?"

"Malamang matutulog, may iba ka bang naiisip na gawin?"

"W-Wala ah! Okay na ako, dito na lang ako."

"Tara na, wag ka ngang maarte diyan!" Pumasok na ako at napangiti ako dahil sumunod siya, nays napapasunod ko si Xander.

"M-Magharang tayo ng unan." Hinarap ko siya dahil sa sinabi niya.

"Tingin mo ba pagsasamantalahan kita? Don't worry hindi ko gagawin." Nagpusit ako ng pabango para hindi naman ako mabaho pag naamoy niya ako.

"Dito na lang ako sa sofa."

"Bakit sa sofa? Pwede naman tayong dalawa sa kama, laki laki oh!" Nakita kong nagpanic siya dahil sa sinabi ko.

"H-Hindi na! Okay lang talaga ako sa sofa!!!" Natawa ako dahil nabubulol na siya sa pananalita niya dahil sa sobrang kaba, naglakad at nahiga na siya agad sa sofa.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now