CHAPTER [34]

220 10 0
                                    

"Itagay mo yan Sun." Bulong sakin ni Khrisler na mukhang balak din maglasing ngayong gabi.

"Ayokong uminom."

"Uminom ka na dami pang arte." Iritang bulong naman ni Keindler.

"Bobo ka baka mapano ang baby."

"Anong baby?" Sabay na kumunot ang noo namin dahil sa sinabi niya.

"Sabi mo buntis ako diba?"

"Charot lang yon, cinareer mo naman masyado, dahil inakala mong buntis ka, may ginawa talaga kayo ni Xander."

"ASSHOLE!!!" Iritang sigaw ko at binuhusan siya ng alak, lahat sila ay napatingin samin dahil sa biglang pagtayo ko at binuhusan ko pa si Keindler ng alak.

Nakakairita talaga, paniwalang paniwala ako sa kasinungalingan niya, tumulo ang luha ko dahil sa frustration na nararamdaman ko, nagsabay sabay ang mga nangyayari kaya hindi ko na kaya pang pigilan ang pag-iyak ko sa harapan nila, iritadong nagwalkout ako at dumeresto sa CR.

Paniwalang paniwala ako kasi tumataba ako, nagsusuka at aburido palagi sa mukha ni Rhonjay, shet bat ko ba nakalimutan na palagi naman talaga akong asar sa mukha ng Rhonjay na yon? Wala rin palang reason kung bakit ganito na ang taste ko sa damit?

Punyeta akala ko talaga may baby na eh! Paasa talaga silang lahat, pinunasan ko ang luha sa mata ko at iritadong lumabas ng CR, naabutan ko ang nagtatalong si Keindler at Astraea, kung anong pinagtatalunan nila ay hindi ko alam at wala na akong pakealam.

"SUN!!!" Tumakbo si Astraea palapit sakin at nakasunod naman si Keindler na mukhang guilty sa isang Krimen.

"Sorry..." Mahinahong sambit ni Keindler.

"Sorry? Masaya ka ba sa ginawa mo? Sinabi mo ba yon para mapaamin ako na may ginawa nga kami ni Xander?"

"Sorry Sun, kailangan kasi naming malaman yon."

"At bakit kailangan Keindler? Kailangan lokohin ako?"

"Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sayo."

"Alam mo ba to Astraea?" Tumingin ako sakanya at napayuko siya, means guilty siya, alam niya rin ang totoo.

"Kailangan naming gawin to Sun—"

"Alam niyo? Nakakainis na kayong dalawa! Palagi na lang kayo nagdedesisyon, paladesisyon kayo sa buhay namin! Lahat ng nangyayari naaayon palagi sa plano niyo!"

"I'm sorry Sun." Sabay na sambit nila.

"May nangyari na samin, Keindler! Inamin ko na! Masaya na kayo? May nangyari samin! Tawagin niyo na akong tanga, haliparot at kung ano ano pa! Wala eh! Mahal ko kasi! May nangyari na samin, nakuha na niya ako, kahit malaman niyo wala namang magbabago!"

"Hindi naman namin gustong baguhin ang nangyari, hindi naman kami tanga na iniisip na kapag nalaman namin ang totoo ay virgin ka na ulit noh!!!" Parang baklang sigaw ni Keindler.

"Eh kung ganon ano nga ang gusto niyong malaman?!?!?!"

"Hindi mo nga pwedeng malaman ang gusto naming malaman, tong haliparot na to hindi makaintindi!?" Kung wala lang girlfriend si Keindler ay iisipin kong bumigay na nga siya, binatukan ni Astraea si Keindler para pahintuhin sa pagsasalita.

"Hindi mo pwedeng malaman, alam mo yon? Confidentiality, privacy and secrecy! Or whatsoever!!!"

"Wala akong pakealam sa confidentiality, privacy and secrecy! Niloko niyo ako kaya karapatan kong malaman ang totoo!!!!"

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now