CHAPTER [20]

230 14 0
                                    

Paulit-ulit akong naglakad paikot sa bahay namin, I don't know what to do! I feel that I'm going crazy because of what I'm feeling!

"Ano ba yang ginagawa mo? Hindi ko kakayanin kung mababaliw ang isa sa mga anak ko."

"Stop being OA mom." Singit ni Koder.

"Yung isa may imaginary jowa tapos yung isa kanina pa lakad nang lakad! Ano ba naman tong mga anak mo Xoder?!"

"Inlove lang mga iyan!"

"Normal bang inlove sa wala?"

"I don't get you love."

"Wala namang ibang babae na nakikita yan si Koder—"

"Ano bang ginagawa niyo dito Mom? Panggulo kayo." Iritadong sambit ko.

"Kasi magulang mo kami, magsabi ka kung may problema ka."

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Mama ang nilalaman ng utak ko ngayon, paniguradong matutuwa siya at ipagkakalat niya na may kasalang magaganap kung si Sun ang sasabihin kong nagpapagulo ngayon sa isip ko.

Pero paano kung sabihin ko lang na someone pero hindi ko imemention ang pangalan? Tama! Paniguradong mas maraming alam si Mama kaya hindi dapat ako bumase sa kung ano mang sinabi ni Sun! Paniguradong mas maraming alam si Mama dahil napagdaanan niya na din naman ata tong pinagdadaanan ko.

"Normal po bang magkagusto ka sa iba habang may karelasyon ka?" Shet bakit normal naman ang natanong ko.

"Bakit? Iniisip mo bang abnormal ka dahil dalawa ang nagugustuhan mo?"

"H-Hindi ako! yung friend ko."

"Pero masaya ang lovelife ng mga kaibigan natin, don't tell me meron ka pang kaibigan na hindi ko kilala?" Batukan ko kaya tong Koder na to! Ipapahamak pa ang technic ko!

"Meron pa akong kaibigan at hindi mo na kailangan pa silang makilala."

"Oh bakit galit ka?" Tatamaan na talaga to sakin! Nakakalimutan niya atang mas matanda ako ng 11 months sakanya!

Cute Author: Pwede po yon kung masipag ang magulang HAHAHAHA

"Hindi porket dalawa ang mahal mo eh abnormal na tao ka na, pwede namang mapagmahal ka lang talaga." Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Mama kasama na ang mga katulong doon, mga wala silang kwenta kausap, dapat talaga hindi ako sakanya kumunsulta eh.

"Aalis na ako." Tatayo na dapat ako pero hinawakan ni Mama ang kamay ko at hinila ulit paupo.

"Normal naman yun, tignan mo ako, tatlo kayong Mahal ko kasama ang mga kaibigan ko."

"Pero hindi po iyon ang ibig kong sabihin, yung sabay mo na mamahalin sila bilang babae or lalaki." Ilang beses akong lumunok habang sinasambit ang mga salita, kailangan maging maingat ako kundi ay katapusan ko na.

"Kung normal ba na magmahal ako ng iba habang kami ng Papa mo?"

"G-Ganun nga ho."

"That's normal."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mama, salamat naman at hindi pa pala ako nababaliw.

"But that's not love." Kunot noo akong napatingin kay Mama.

"Ano iyon kung ganoon?" Takang singit ni Koder.

"Ang pagmamahal kahit mapagod kayong dalawa or mawalan ng oras sa isa't isa, kayong dalawa parin hanggang sa dulo."

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now