CHAPTER [03]

1K 26 3
                                    

"ARAY!!! Dahan Dahan naman!!!" Rinig kong reklamo ng mga ina namin dahil sa pagkaladkad ng mga to,leche makahatak tong mga to! Parang hindi kami nagchikahan kanina ah?

Inupo nila kami at tinali ulit,hindi ko na marinig ang sigaw nila Mama,siguro ay sa ibang kwarto sila dinala,pinakiramdaman ko ang paligid, feeling ko ay madaming nanonood saamin ngayon. Bakit ba kasi ang higpit ng pesteng Piring na to! Mga wala silang puso!

"Sana naman patulugin niyo muna kami bago niyo kuhain ang puso namin noh?" Sarkastikong sambit ko.

"Na kay Xander na puso mo Diba Ma'am?" Kanina ko pang gustong sampalin tong lalaking salita ng salita eh,siya din yung nagsabing bitter pa daw ako!!!

"Ang tabil ng dila mong hayop ka ah?!"

"Pano mo ko nakilala?" At Doon ay tila may nabuong konklusyon sa isip ko,may nagutos ba sa mga Ito na kuhanin kami?

"Sikat na Sikat ka kaya Sir!"

"Isa siguro yung girlfriend nito sa mga nakafuck buddies mo noon." Sarkastikong sambit ko.

"Pag hindi ka pa tumigil diyan,malalagot ka sakin!" Sigaw niya, naramdaman ko ang hininga Banda sa tenga ko kaya feeling ko ay pinilit niyang lingunin ako.

"PAKTAY!"

"Wasak na nga!"

"Panong lagot?"

"Hoy kayo! Mga kidnappers ba talaga kayo?! Masyado naman ata kayong pakealamero sa lovelife namin!!"

"SeniorCitizenappers kami Ma'am,kasi mukha kayong matanda."

"Pag sinapak kita,gilagid lang matitira sayo." Madiing sambit ko.

"Anong lovelife Ma'am? Wala na kayo ni Sir remember?" Kotang kota na tong gunggong na to sakin ah? Kanina pa siya tang—.

"Hindi ko alam kung anong istura mo,pero sa oras na makawala ako dito! Paniguradong wawasakin ko yang mukha mo!"

"Paktay Pierre."

"Magtago ka na sa brief ng Lolo mo."

"Kawawang Pierreous."

"Hoy gunggong! Bat mo sinabi pangalan ko?!"

"Hala bobo kayo!"

"Wala na lagot na tayo!"

"Ang daldal niyo kasi!"

"Kulang ata sa sex life."

Wait? Pierreous? May kilala ba akong Pierreous? Yung bobo ba yon na prend namin? Ibang iba boses eh?

"Sino bang Boss niyo mga poging daks?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Xander,nang-uto pa nga.

"Si Keindler."

"Oy—"

"GUNGGONG!!!!"

Keindler.

Kein.

KEINDLER?!?!?!

"FUCK YOU KEINDLER! PAG NAKAWALA AKO DITO PANIGURADONG MABABAOG KANG HAYOP KANG TARANTADO KA!!!!"

"Sige ikukulong na lang muna kita hanggang sa makabuo na ako."

Napapikit ako nung tinanggal ang piring sa Mata ko,hindi ko alam kung ilang oras na dilim ang nakikita ko kaya sinanay ko muna ang mata ko sa liwanag bago kumuda.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now