CHAPTER [21]

297 10 0
                                    


Ilang beses akong lumunok at kumurap pero hindi parin nagsisink in sa utak ko ang nangyayari! Gusto niya ako?! Gusto niya talaga ako! Feeling ko ay ako na ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo dahil gusto ako ni Sun.

"Sabihin mo nga sakin Xander? May laban ba ako sakanya?"

Kinagat ko ang labi ko at shit! Masakit nga! Totoo to! Hindi ako nananaginip.

"Simple lang naman ang tanong ko pero bakit hindi mo masagot?"

"Sun..." Nabigkas ko ang pangalan niya dahil sa luha niyang walang sawang umaagos mula sa mata niya, nasasaktan ko siya.

"Sabihin mo nga Xander may laban ba ako?" Pinunasan niya ang luha sa mata niya. "Kasi kung meron itutuloy ko to, pero kung wala kahit na ayoko ay ititigil ko itong kahibangan ko."

"Please continue your feelings..." Ang boses ko ay puno ng pagmamakaawa na kapag hindi niya tinuloy iyon ay para bang hindi ko kakayanin.

"Ayoko yung pakiramdam na nahuhulog ako sayo." Lumapit ako sakanya dahil ayokong ayawan niya ang pagkagusto niya saakin, pinilit kong hawakan ang kamay niya kahit na pilit niya din iyong tinatanggal.

"Just let me lay my hands on you, hayaan mong hawakan kita habang nahuhulog ka, sasabayan kita't mamahalin ng tama."

"Aalis na ako." Bigla akong naalarma dahil naglakad na siya palayo saakin, hindi ko kayang iwanan si Atasha pero hindi ko rin kayang isipin na mawawala saakin si Sun! Agad ko siyang hinila at hinalikan, hinawakan ko ang pisngi niya para mapadiin pa iyon. Lumipat ako sa kabila para mahalikan ko pa siya ng tama.

"Xander...." Lalo akong ginustong ituloy ito dahil sa lambing ng boses niya, hinawakan ko ang bewang niya para mabuhat siya papunta sa lamesa. Lalo akong ginanahan ng iyakap niya sa mga batok ko ang dalawang kamay niya. Hinawak ko ang kamay ko sa dalawang gilid niya pagtapos ng halik na iyon.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo hinalikan si Atasha, kundi pipilipitin ko yang leeg mo." Natawa ako dahil sa sinabi niya, sobrang saya sa feeling na ganito kami kalapit sa isa't isa. Muli kong dinampian ng halik ang labi niya.

"OH MY GOD?!?!" Narindi ako dahil sa gulat na sigaw ng kung sino but I am so damn busy with the angel of my life.

"May nakakita ata saatin."

"Hayaan mo sila." Muli kong dinampian ng halik ang mga labi niya.

"Nakakaadik ka Sun."

"Ano? Hinalikan mo ba si Atasha? Pumapatay ako."

"Napaka-sadista naman ng babyloves ko."

"Babyloves? That was so corny."

"But I want to call you my Babyloves."

"But it's sweet." Shems napatameme ako dahil sa sinabi niya! Daig pa ako ng babae.

"Then let me be your babyloves."

"Binabago mo ang usapan Xander, hinalikan mo si Atasha?"

"Iniisip kita kanina, nag-aalala ako eh." I kissed her forehead.

"Totoo ba yan? Di ako mabilis maloko eh."

"Totoo yon."

"Bumalik na tayo doon." Bigla ay yaya niya sakin.

"Bigyan mo ako ng oras, Sun." Tinitigan niya rin ako sa mata, siguro ay nagtatanong kung ano ang sinasabi ko.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now