CHAPTER [40]

326 11 0
                                    

Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko habang andito ako sa hotel room na ito, suot ang magarbong gown para sa kasal namin ni Xander, parang dati lang ay gigil na gigil ako sakanya tapos ngayon ay talagang matatali na kami sa isa't isa.

Napadiin ang hawak ko sa bulaklak dahil sa pinaghalong kaba at takot, ewan ko kung excited ba akong pakasalan siya gayong hindi ko pa naman napapatawad ang pananakit niya.

"Can you please calm down? Hindi kita maayusan eh!!!" Bigla ay sigaw ni Katara saakin, lihim lang ang kasalang magaganap sa pagitan namin ni Xander kaya halos lahat kaming magkakaibigan lang ang narito at ang mga magulang namin, si Katara ang mag-aayos sa make-up ko at si Three na hindi maintindihan ang mukha naman ang sa buhok ko.

"Wow ah? Hiyang hiya naman ako sayo mas kabado ka pa nga sakin nung naging fiancé mo ang pinsan ko." Inirapan ko siya.

"Please ilang oras na lang ay kasal na, magkaron naman sana ng kapayapaan dito." Walang emosyong sambit ni Three, bakas ang eyebags sa ilalim ng mata niya malapit na siyang maging isang panda.

"Maganda ba pagkakaarrange ng flowers ate?" Nakangiting sambit ni Acey saakin.

"Oo maganda, taga gawa ka yata ng flower ng isang patay." Nginusuan lang ako nito at umalis na agad.

"Three bakit parang may nag-iba sayo?" Bigla ay pumasok si Clairebelle na maladyosa ang ganda dahil sa pink dress at pink din na flower crown, inusyoso nila si Three habang ako ay tamang chill lang na inaayusan nila, kung ano mang nangyayari kay Three, hindi ako ang dapat na magsabi.

******

"Bat ikaw driver?" Taas kilay kong tanong kay Pierreous, mahirap na at baka kidnapper na naman ang peg ng isang to.

"Nagpresinta akong maging driver mo." Walang ganang sagot niya.

"At bakit naman?"

"Ayoko ng mapaglihian ng babaeng yon!!!" Bigla ay sumigaw siya hindi ko na siya kinausap pa ulit mahirap na at baka ako ang mapagbuntunan niya ng galit niya.

Pagbaba ko ng sasakyan ay sumalubong sakin ang magarbong simabahan kung saan ikinasal ang aking mga magulang, parang dati lang ay pinapangarap kong dito ikasal, ngayon ay narito na ako papalapit sa papa ko upang ihatid niya sa lalaking pakakasalan ko.

"Pagpasensyahan mo na si papa ah?" Lumuluhang sambit niya ayokong umiyak dahil sayang ang pagod ni Katara sa make up ko.

"Thankyou papa." Hinalikan niya ang noo ko at konti konting bumubukas ang pinto ng simbahan, sobrang ganda ng santuario de san antonio church, dito kinasal ang magulang ko at ngayon ay narito narin ako, ginala ko ang paningin ko, hindi nakakasawang pagmasdan, sumalubong samin ang maraming dugo at walang buhay na mga tao, agad kong pinadapo ang mata ko sa altar kung saan dapat magaantay si Xander.

May dugo sa dibdib niya at nakangiti siya sakin habang konti konting bumabagsak ang katawan niya sa lupa.

CHAROT, PRANK TIME MUNA TAYO.

Di pa pala ako papasok mga flower girl muna pala hehe, pagkahakbang ko papasok ng simbahan ay lahat sila nakatingin sakin malamang ang ganda ko kaya, char may takip pa pala mukha ko.

"Ingatan mo tong anak ko ah?" Sambit ni Papa kay Xander na tumango naman sakanya.

"It's my pleasure na ingatan ang prinsesa niyo na magiging reyna ko na." Tumalbog puso ko dahil sa sinabi niya, nagsigalawan ang mga paro-paro sa tiyan ko nang hawakan niya ang kamay ko at igiya ako paharap sa altar. Napatingin ako sa likod ko at agad na nangunot ang noo ko dahil ang nagaayos ng gown ko ay hindi pamilyar sakin.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now