2

225 13 4
                                    

vivien

"puta naman raymund di ako assistant" reklamo ko sa pinsan ko na nagpapacute ngayon sakin

"dali na vieeen minsan lang ako mag utos sayo oh" emote niya with nguso pa

ipitin ko kaya ng capo nguso nito nakakainis e mukhang hito

napa buntong hininga nalang ako

"san nakalagay?" napangiti naman siya. pasalamat siya kadugo ko siya

"sa cabinet ko sa lalagyan ng brip" nangasim naman mukha ko

"bakit dun mo nilalagay yung extra mong pedal?" nakakadiri naman tong lalaking to!

"hiram lang kasi yon baka ma- misplace ko na naman" kadiri parin kahit anong explain niya

kinuha ko yung susi mula sa kaniya at lumabas na ng pinagpa-practice-an nila

si marcus at buddy ay wala pa dahil may klase pa sila at wag nang hanapin si buendia ayos nang wala siya

pagbalik ko sa dorm nila na isang kanto lang ang layo ay agad akong nanlumo sa nakita ko

ang kalat

kakaligpit ko lang last week

may nakita pa akong mga nakasampay ma boxer sa sofa na di ko mawari kung malinis o hindi

pumasok ako sa kwarto nila raymund at pumunta sa cabinet niya at binuksan ang drawer niya ng mga brip

sa ilang beses na ako nagpunta dito normal nalang sakin to. kadalasan rin kasi dito ako nakatambay

syempre pag wala lang yung nirereglang bokalista nila

which is most of the time

"pedal na green... distortion...." may apat na pedal sa drawer niya at hinahanap ko yung pang distortion

naningkit yung mata ko at napamura

nakalimutan ko color blind nga pala ako.

hinanap ko sa dalawang magkakulay na pedal yung maliit na label na nakalagay na 'distort' pero mukhang kupas na ata

pucha naman

dadalhin ko na sana yung dalawang magkakulay na pedal ng pagtalikod ko ay may isang lalaking nakatayo sa pinto

"ay deputa ka!" napatalon ako sa gulat muntikan ko na mabato yung hawak ko

speak of the devil and he shall come

"anong ginagawa mo dito?" aniya

"bakit kwarto mo ba to?" tanong ko pabalik

naku nakikita ko palang yung kulot niyang buhok nandidilim na paningin ko saka kumukulo na dugo ko

"hindi bakit kwarto mo rin ba to?" napairap naman ako. pilosopo

"tabi nga" di naman siya umalis dun at nakatingin lang sa hawak ko

"ano yan?" turo niya sa hawak ko

"pedal bobo" napaka obvious na tinanong pa

"tanga alam ko. para san?" daming tanong naman nito nang iinterview

"pinapakuha ni raymund. dami mong tanong" hinawi ko siya at akmang hahawakan na yung doorknob ng may narealize ako

walang doorknob

kumunot naman ang noo ko. nasaan na yung doorknob nila na maingay?

"oh? alis na" napaharap ulit ako kay buendia

"nasaan yung kalahati ng door knob niyo?" napataas din siya ng kilay at sinilip yung silver na hawakan sa likod ko

nan laki naman ang mata niya at napamura

"puta" gulat na gulat naman to

"pano buksan to?" medyo naiinis na ako kasi ang init dito sa kwarto sira kasi bintana di nabubuksan

"yun yung problema" napatingin naman ako sakaniya

"sa labas lang nabubuksan yan"

"buendia ayusin mo di ako natutuwa" pagbabanta ko sakaniya

"bat ko naman gugustuhing ma-stuck sayo dito?" inis na sagot niya sabay kamot sa ulo

"bakit kasi sinara mo yung pinto?!"

"ako pa sinisi mo ikaw nagsara niyan!"

"eh pano ka nakapasok?"

"kumukuha ako ng amplifier ayan o!"

"tanga tanga talaga!"

"sisihin mo pa ako sa kasalanan mo"

di na ako sumagot dahil baka ano pa masabi ko dito sa lalaking to

binaba ko muna yung hawak ko na pedals at naupo sa kama ni rayms tutal matatagalan pa bago niya marealize na na-lock ako sa kwarto niyang amoy sapatos

kasama ng demonyo niyang kabanda

"bat ang init lagi ng ulo mo sakin"

napabalik ako sa ulirat nung nagsalita si buendia

di ko napansin ansama na pala ng tingin ko sakanya

buti naman

"wow kala mo siya hindi" irap ko pa

"kala mo laging merom amp" bulong niya

bulong ba tawag mo don? rinig ng kabilang kanto na yon e

"bulong ka pa diyan kala mo bingi ako"

"tawag don nagpaparinig"

"sino mas mainit ulo satin ngayon?" di na siya sumagot at lumapit sa pinto para siguro kalikutin

sarap niyang iumpog don sa door knob na kalahati

"ngina kasi bakit nagsasara ng pinto" napaka sensitive ng taong to jusko

"anong oras pa ba dating nila buddy?" iritang tanong ko. konti nalang mababato ko na to ng lamesa e

"dun na sa kabila deretso non" sagot niya pabalik habang ginagalaw galaw yung door knob

sana kagatin siya non

nahiga ako sa kama at bumuntong hininga

ang init naman sa kwarto nila raymund para kang pinipirito

pano sila nakakatiis ng ganto?

"alam mo maghanap ka ng pwedeng pambukas dito kesa mahiga ka diyan" puta-

"kunin mo yung lanyard na nakasabit sa sabitan" tinuro ko yung nasa kanan niya

kinuha naman niya

"oh tapos?"

"pulupot mo sa leeg mong puta ka" nakakainis konti nalang talaga papalunukin ko na ng granada tong lalaking to

di ko na siya pinansin sa kakadada niya diyan at pumikit muna ako

anong oras narin kasi kami natapos magligpit sa venue namin kahapon at ang aga kong nagising dahil sa ka dorm mate ko

naalimpungatan nalang ako nung may nagbukas na ng pinto dahil ang ingay

pagbangon ko sila buddy pala

"sabi sayo na-trap tong dalawa e" turo niya samin

"ilang minuto kong natiis tong dyablo?" hikab ko sabay turo sa mukhang cocoon na natutulog sa paanan ng kama

napakunot naman ng noo si marcus

"dalawang oras kayong wala" napatingin ako sa orasan na nasa likod nila

alas kwatro na

dawalang oras nagkukukuda si buendia

tinulugan ko lang siya

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon