vivien
"you're such a disappointment"
"di mo deserve yan"
"wala kang karapatang gamitin ang apelyido ko"
"i'm sorry papa"
"i'm sorry papa!" napabalikwas ako ng bangon at hinabol ang hininga ko
"ok ka lang ba?" napatingin ako kay charice na mukhang nagising din sa pagbangon ko
napatingin ako sa orasan at nakitang alas dose na ng madaling araw
bumuntong hininga lang ako bago sumagot
"ayos lang ako" ngiti ko sakaniya
tumango naman siya at bumalik na sa pagtulog
nahiga nalang ako at tumingin sa kisame
antagal na simula ng nanaginip ako ng ganon
bumabalik na naman lahat, lalo na ngayong sinabayan pa ng prelims. mas stressed at pagod ako at tyumempo pa talaga siya
tinignan ko si charice at nang napansin ko na malalim na ang tulog niya, ay dahan dahan akong tumayo at kinuha ang jacket na nakasampay sa paanan ng kama ko
binulsa ko yung lighter at kaha ko saka ako nagsapatos at dahan dahan na lumabas ng kwarto
luminga linga ako bago tahimik na lumabas ng building patungo sa lagi kong tinatambayan
ng nakarating ako dun ay sumandal ako sa pader at bumuntong hininga
kinuha ko yung nasa bulsa ko at naglabas ng isang stick at sinindihan yun
"masama yan" napatalon naman ako at napalingon sa nagsalita
napakunot naman ako ng noo
"anong ginagawa mo dito sa dorm namin buendia?" mahinang tanong ko ng naainang ko yung mukha niya mula sa ilaw na nanggagaling sa buwan
saktong sakto yung pagtama ng liwanag sa mukha niya, mukha siyang ano
mukha siyang bakulaw.
"wala ba akong karapatan?" sumandal siya sa tabi ko "penge"
umirap ako at inabot sakaniya yung kaha ko. kumuha siya ng isa at sinindihan yun gamit yung lighter ko rin, siyempre
"ano ngang ginagawa mo dito?" tanong ko ulit sakanya
"galing ako kela toyang" sagot niya sabay buga ng usok. napangiwi naman ako
"ikaw bat nandito ka?" lingon niya sakin
iniwasan ko naman yung mga mata niya na nakatingin sakin at tumingin sa buwan saka inilapit sa mga labi ko yung cancer stick na hawak ko
"naalimpungatan lang" sagot ko
tumango lang siya at di na nagsalita
nagpatuloy sa pagtakbo sa isipan ko lahat ng nangyari nung araw na yon. what could i have done different?
tinignan ko yung katabi ko saka bumuntong hininga bago magsalita
"have you ever experienced the moment of disappointment from your parents?" tanong ko out of nowhere
napakunot naman siya ng noo habang humihithit sa yosi niya
"i guess not. siguro mahal na mahal ka ng magulang mo no?" pagtutuloy ko pa
nanatili lang siyang tahimik at nakikinig sa mga sinasabi ko
"if yung present na ako yung nandon sa sitwasyon na yun, i would've done it different. i would've answered him, i would've told him to fuck off" tawa ko sa sarili ko.
"do you know why hermosa ang gamit kong apelyido at hindi marasigan?" lingon ko sakaniya
"bakit?" tanong niya sakin
"you see hindi maganda yung relationship ko sa tatay ko. and i swore to myself hinding hindi ko gagamitin ang marasigan not unless he apologised for being the worst dad ever" naramdaman ko na naninikip na ang dibdib ko at nangingilid na ang mga luha ko
"and isa pa hindi sila kasal ni mama. i guess yun yung dahilan kung bakit ganun nalang kadali sakaniya pakasalan si tita jeanette, yung kapatid ni mama" napatawa ako pag iniisip ko yun
"nung bata ako tinatanong ko si mama bakit kay tita jeanette umuuwi si papa. she never told me why until i realised it on my own" dahan dahang bumagsak ang maiinit na luha mula sa aking mata kaya dali dali ko iyong pinunasan para itago sa lalaking nasa tabi ko
"naniwala ako na superhero ko siya, but he was just actually a manipulative fucker. he made me believe it's my fault kung bakit hindi si mama ang pinili niya. for years naniwala ako don" tinapon ko yung upos ko at huminga ng malalim bago ko tinignan si buendia
"but that's the problem. kahit gaano siya kasakit magsalita mahal ko siya kasi tatay ko siya" tinignan lang ako ni buendia at dahan dahang inangat yung kamay niya
napapikit ako ng naramdaman kong dumampi iyon sa mga pisngi ko. pinunasan niya ang mga luha na umaagos sa mga mata ko
"it's his death anniversary today" and with that, i finally broke down and sobbed. niyakap ako ni buendia at hindi na ako pumiglas
this is what i need right now
"condolence" narinig kong bulong niya habang humihikbi ako sa balikat niya
"i never got to say i love him" piyok kong sambit at mas isinubsob pa ang mukha ko sa damit niya
"shh. alam kong alam niya na yun" hinaplos niya ang buhok ko ng marahan habang pinapatahan ako
kahit papaano, gumaan ang loob ko nabawasan ang pagsisisi na nararamdaman ko sa loob ng limang taon simula ng pagpanaw ng ama ko.
salamat, ely.
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional