32

188 15 6
                                    

vivien

"vien. vivien bangon na" napaungol naman ako at napatalukbong ng kumot

"vivien alas dose na" di ko pinansin yun at nagpatuloy sa pagtulog

"vivien utang na loob pag hindi ka bumangon diyan bubuhusan kita ng isang timbang tubig" ang aga aga! umikot ako ang tinakip sa ulo ko yung unan ko.

please lang lubayan mo na ako kung sino ka man!

"vivien hermosa isa!" napabangon naman ako sa inis

"ano ba yun?!" bumungad sakin ang nakasimangot na mukha ni raymund.

kung hindi ko lang kadugo to nabangasan ko na to

"bumaba ka na at kakain na" sabay walk out niya. gago yun ah

napalingon ako at napansing nandito na ako sa kwarto ko. teka pano ko nakapanik kagabi?

"rayms pano ko nakaakyat kagabi?" patanong kong sigaw sakaniya habang nag iipit ng buhok

"binuhat ka ni ely! lasing na lasing ka iniiyakan mo siya nagpapabuhat ka sakaniya!" putang ina. putang ina. putang ina!!

tang ina ka vivien!

tumakbo ako palabas at hinabol si raymund na pababa na ng hagdan

"gago ginawa ko yun?" pulang pula na yung mukha ko panigurado. ramdam na ramdam ko yung init at bilis ng tibok ng puso ko

"syempre hindi tanga. ako nagpanik sayo" nahampas ko naman siya sa inis

"tang ina mo kinabahan ako sayo!" tawa lang siya ng tawa sa ginawa niyang kagaguhan. tanginanto!

"bumaba ka na bilisan mo" pagkababa namin ay nakita ko agad si marcus na nakadapa sa sofa

"anyare sayo?" tanong ko agad ng may nakalagay na yelo sa batok niya.

"hangover" medyo garalgal niyang salita dahil nakasubsob yung mukha niya sa unan

"halika na kakain na!" sumilip ako sa kusina at nakita si buddy na may hawak na isang malaking mangkok ng ulam at naka apron pa siya

ay wow?

"kainan na kainan na kainan na" inunahan ako ni marcus papunta sa hapag kainan at pumwesto na

"rayms kuha ka na mga plato" utos ni buddy kay raymund na agad namang sinunod ng pinsan ko

wow pero pag ako mag uutos with reklamo pa?

uupo na dapat ako sa upuan ko ng nagsalita si buddy

"hep hep hep hija. gisingin mo muna si brother ely sa taas" napanguso naman ako at napatayo

"bibabalaan kita, masungit yun pag bagong gising" pag-warning pa sakin ni marcus

eh bakit hindi sila ang gumising?!

pumanik ulit ako sa taas at dahan dahang sumilip sa kwarto na tinutulugan nila.

"buendia?" agad kong namataan yung topless niyang likod sa kama

syet.

lumapit ako at naupo sa gilid ng kama saka siya sinundot sundot sa likod niya

"buendia." tawag ko ulit sakaniya pero no response. bato ata to eh.

"buendiaaaaaa" inalog ko siya ng konti

umungol lang siya at umikot ng pwesto. akala ko magigising na, di pa pala

back to pangungulit ulit

"buendia bangon na nagugutom na ako" hinawakan ko siya sa braso at inalog alog

"ano ba yun?" mahinang tanong niya dahil nakatakip yung ulo niya ng unan

syet ang hot ng morning voice-

magtigil ka bibyen!

"kakain na" medyo nauutal-utal ko pang sagot. pucha nalunok ko ata dila ko

"hmmm mamaya na ako" umikot ulit siya at kinalang yung braso niya sa bewang ko, dahilan para maestatwa ako.

fuck.

hindi ako nakagalaw at hinayaan siyang matulog sa ganung pwesto. ramdam ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang paglalaro ng mga paru-paro sa tiyan ko saka ang pag-init ng pisngi ko.

tinignan ko siya na mahimbing na natutulog at dahan dahang iniangat ang kamay ko para hawiin yung buhok niyang humaharang sa mukha niya.

tang ina, buendia. bakit ganito epekto mo sakin?

"ely, nak-" agad akong napalingon sa pinto at nanlaki ang mga mata ko

"tita!-" nagulat din siya at sinara yung pinto

putang ina!

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon