vivien
dalawang linggo, labing isang araw eksakto simula nung nakita ko sa perya. hindi man halata pero iniiwasan ko talaga muna ngayon yung heads
una sa lahat nakakakilabot yung naabutan ko
pagtapos kong maka recover sa nakita ko nun ay inaya ko nang umuwi si shirley. bigla akong nawalan ng gana sa nakita ko
maybe dahil di ko nasikmura yung nakita ko. aba pinsan ko yon tapos makikita ko siyang ganon
ngayon nakatambay ako sa isang karinderya habang iniintindi yung lesson ko kanina
"putangina wala akong maintindihan" bulong ko sa sarili ko saka nilipat lipat yung pahina ng binder ko
walang pumapasok sa isip ko, ang nasa isip ko lang yung nangyari two weeks ago
kinikilabutan ako kada masasagi sa isip ko yun
nagpatuloy ako sa pag browse ng mga notes ko hanggang sa halos makabisa ko na sila
"soft drinks, viv?" nginitian ko si aling nena
"sige po pahingi" si aling nena yung may ari ng karinderya na tinatambayan ko. nadiscover ko siya last sem nung naghahanap ako ng lutong ulam sa campus
ngayon halos kada free time ko ay dito ko tumatambay
tinatanggalan lang ako nila raymund ng free time
pinatong ni aling nena yung pop sa lamesa ko
"salamat po" ngumiti ako sa kaniya at inabot yung soft drinks at ininom yun
binalik ko ang atensyon ko sa inaaral kong lesson ngayon
bakit ko kasi tinulugan to kanina nung nilelecture samin ni sir rivero? nakaka antok kasi magturo si sir akala mo hinehele ka sa boses.
"yow wassup aling nena!" nagpintig yung mga tenga ko nung narinig ko yung boses na yun
"oh mga bata nandito na naman kayo. sa usual na pwesto niyo?" rinig kong sabi ni aling nena
hindi ako lumilingon kasi baka makita nila ako
dahan dahan kong binalik yung mga binder sa bag ko habang hindi pa nila ako napapansin
ngunit huli na ang lahat
"si vivi-gerl ba yun? uy oo nga!" sinilip pa ni marcus yung pilit kong tinatagong mukha
ayus
"hi bibyeeen!" kaway sa akin ni buddy
nag-hi lang din ako pabalik at ininom yung soft drinks ko
"dito karin pala nakain? bakit di tayo nagkakatagpo tagpo?" tanong ni marcus sa akin habang binabalik ko lahat ng gamit ko
"minsan lang" maikling sagot ko
"aling nena yung bayad ko sa soft drinks" inabutan ko si aling nena ng barya at isinukbit na sa balikat ko yung bag ko
"una na ako" paalam ko sa kanila.
ngumuso naman si marcus "agad agad?"
"oo may gagawin pa ako" nagpaalam ako sa kanila at lumabas na ng karinderya
sakto namang paglabas ko ay nasa entrance ang isa pang pares ng heads
"oh viena nandito ka pala" ginulo ni raymund yung buhok ko at dumaan lang
napakunot ako ng noo. wow parang walang nangyari? pagkalagpas niya sakin ay nakita ko naman yung kasama niya
tinignan ko lang yung impakto na may kaakbay na babae
napataas ako ng kilay at tinignan yung babae. maputi, makinis, kutis porselana, mahinhin, dalagang filipina ang peg. parang nahiya ako ng di oras ah
"hermosa" tango niya sakin
"buendia" tinignan ko lang siya at yung babae
"si toyang pala. toyang pinsan ni raymund" napairap naman ako
may pangalan ako di lang ako pinsan ni raymund no
inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko yun
"vivien" pagpapakilala ko sa sarili ko
"nice to meet you" ngiti niya sakin. mukha pa namang mabait to, kawawa to kay buendia.
"ge una na ako" iniwan ko sila dun at lumabas na sa karinderya
bago ako maglakad ay lumingon ulit ako sa likod ko
sakto namang nakita ko si buendia na nakatingin sakin
ningisian ko lang siya at naglakad na paalis
toyang pala ah.
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional