vivien
"the problem here ms. hermosa is you. ang rason ng dalawa ay masyado daw revealing ang suot mo." kalmadong sambit ng pulis na kumakausap sa amin ngayon.
it's been three days simula ng nangyari sa akin sa club dredd. turns out yung dalawang lalaking yun ay may kapit sa mayor, and the police are asking me kung itutuloy ko ang demanda.
hindi na raw ako tulad ng dati, sabi nila raymund. maybe because ayokong matulog dahil kada pipikit ako, mukha ng dalawang taong yun ang nakikita ko at di ko mapigilang mandiri sa sarili ko
kahit anong kuskos ko pa, di ko mapigilan na isipin na di na maaalis ang marka nila
"tang inang palusot yan chief. revealing? putang ina ganon ba sila kababa at di nila mapigilan yung mga burat nila sa pantalon nila?!" gigil na sigaw ni buendia kaya naman hinawakan siya sa balikat ni raymund para kumalma
nagpumilit siya na sumama sa presinto dahil daw siya yung naka witness
at bumasag sa mukha ng dalawa.
"hindi naman sa ganon sir-"
"ano pang palusot nila? lasing? isisisi sa alak? isisisi sa biktima? eh putang ina pala nila kapag sila sinapak ko sasabihin ko mukha kasing punching bag mga mukha nila" dagdag pa ni buendia kaya napabuntong hininga nalang ako at tumingin kay raymund
"with all due respect chief putangina mo. 1990 na ganyan parin mindset mong hayop ka" humabol pa siya kaya napatago nalang ako ng mukha.
"rayms ilabas mo nga muna si ely. ako nang bahala dito." tumango naman siya at pilit na kinaladkad palabas ang lalaking di parin maubusan ng salita
"ano po bang dahilan nila bakit daw po nila naisip na gawin yun chief?" nanginginig pa ang boses ko habang pinipigilan ko ang pag agos ng mga luha ko
"ayun nga miss hermosa. what im implying here is kung magsusuot naman ng maayos ang mga babae, walang magiging gantong kaso. kasi di naman nila kasalanan dahil lasing sila diba?" napapikit ako at pinilit na pakalmahin ang sarili ko kahit kulong kulo na ang dugo ko
tinignan ko lang siya at ngumiti. "sige po chief. pag iisipan ko nalang muna yung demanda."
tumayo ako at kinuha ang jacket ko na nakasabit sa likod ng upuan at umalis na ako sa presintong yun
tinawag ko sila rayms na nakaabang sa labas at naglakad sa sakayan ng jeep para makauwi na.
nang nakarating kami sa dorm ay dumeretso na ako sa sarili kong dorm at naabutan si charice na kausap si shirley
ng nakita ako ni shirley ay napasimangot nalang din siya at napayakap sa akin
doon na tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, sa presinto palang.
"tang ina mo naman vivien eh" iyak ni shirley habang nakayakap sa akin
humiwalay ako at pinunasan ang luha ko saka tumawa
"ano bang nangyari? sinabi lang sakin ni buddy tapos nung pinuntahan kita dito sabi ni charice gusto mo daw munang mapag isa" naupo ako sa kama ng hindi umiimik. nasa isip ko parin ang mga sinabi ni chief kanina. maybe he's right, maybe he's wrong. hindi ko na alam ang tama sa mali.
siguro nga kasalanan ko naman talaga. kasi hindi naman kasalanan ng dalawa na lasing sila diba?
siguro nga.
"viv? okay ka lang?" napabalik ako sa realidad ng hinawakan ni shirley ang kamay ko
nginitian ko lang siya ng mapait bago nagsalita
"oo, nag overreact lang ako."
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional