28

176 16 7
                                    

vivien

"viv penge tubig" inabutan ko si rayms ng isang basong tubig mula sa pitsel na nasa tapat ko

"ako din vienna sausage" sambit ni marcus kaya tumayo ako at nagsalin din para sakaniya

"bibs ako din" nagtaas pa ng kamay si buddy kaya umirap ako at pinagsalin din siya

"hermosa-"

"putang ina" kinuha ko yung buong jug sa sobrang inis at inilagay sa tapat nila

"ayan malunod kayong mga deputa kayo" padabog akong bumalik sa pwesto ko kanina. nasa tapat kasi sila ng bahay tumambay samantalang ako nasa salas, nakaupo sa sofa

eto ang buhay ko ngayon dito kila rayms. naging utusan ako ng 'heads. buti sana kung pinapasweldo nila ako eh

"ano ba kasing ginagawa mo diyan?" tanong sakin ni raymund nung sinilip niya ako sa pagkakaupo ko

"nanunuod ako tv" sagot ko ng padabog at naghalukipkip

ang init init na nga puro pa-kilos pa sila. bigwasan ko sila isa isa diyan e

"vivien walang kuryente" salita niya

putang ina oo nga pala

ayoko kasing lumapit sakanila dahil nakikita ko si buendia

naalala ko yung kahayupan niya nung isang araw

sa tuwing binabanggit ko pa nga lang yung pangalan bumibilis na tibok ng pusok ko

sabi na kinulam ako ng impaktong to eh

"dito ka na kasiiiii" pagpupumilit sakin ni marcus

"ayokooooo" sagot ko din pabalik, ginagaya siya

wag siyang magpacute diyan at malalamangan ko siya

"oh edi kami lilipat diyan" nagsilipatan naman silang apat sa pwesto ko at sa di minamalas na panahon,

tinabi pa talaga sa akin si buendia.

napapigil naman ako bigla ng hininga ng komportable siyang dumekwatro at ipinatong ang braso niya sa likod na parte ng sofa, kaya mukhang naka akbay siya sa akin

"ang init kainis" reklamo ni raymund sabay kuha ng kapiraso ng karton ng noodles sa tapat ko at pinamaypay

"kung pwede lang tayo magbabad sa cr eh kakaligo ko lang pinagpapawisan na naman ako" natigilan naman kaming lahat sa sinabi ni buddy

ng napansin niya na nakalingon kaming lahat sakaniya ay napakunot siya ng noo "may mali sa sinabi ko?" inosente niyang tanong

"alam mo buds, matalino ka sana, kung di ka. lang bobo" tapik ni marcus sa balikat ni buddy

"alam mo mark, pogi ka sana, kung di ka lang pangit" nasamid naman ako sa iniinom kong tubig sa sinabi ni buddy

"uy ok ka lang?" pag aalala ni buendia sabay tapik sa likod ko ng napa ubo ako

hayop talaga tong si buddy

tumango lang ako kay buendia at inubos na yung laman ng baso ko

"ano ba kasi yun bat nakatingin kayo sakin?" takang tanong parin ni buddy habang nagpapaypay

"may ilog dun sa likod sa may bundok. pwede tayong maligo" nagliwanag naman ang mood ko

swimming daw

"puta ka tatlong araw nang walang ilaw ngayon mo lang naisipang isuggest yan?" batok ni marcus sakaniya

"aba gago kada ibbring up ko diba sumasabat kayo?" may point siya

"oh ano pang hinihintay natin? dun na rin tayo mag merienda" tumayo kaming lahat para mag ayos ng dadalhin namin

pakshet na excite ako bigla

"viv ikaw magpaalam kay mama para payagan tayo" napataas ako ng kilay kay raymund

"ikaw yung anak?"

"ikaw naman yung favorite" napangisi naman ako. good buti alam niya

"olrayt" pumanik ako sa kwarto ni tita at nakita siyang naka upo sa may bintana niya habang naggagantsilyo

"hi tita! maliligo lang po kami sa ilog sa may bundok. magpapaalam lang po ako" agad kong sambit

"o sige. mag ingat kayo ha mabato yung daan dun" tumango naman ako at akmang lalabas na ng nagsalita ulit si tita

"hep hep vivien halika dito" lumapit naman ako kay tita at tinapik niya yung upuan sa tabi niya

"bakit po?" tanong ko agad kay tita ng naupo ako dun

una ay seryoso yung mukha niya kaya medyo kinakabahan ako pero bigla ding nabasag yun at napangiti siya

"syota mo si ely no?" nanlaki naman ang mga mata ko

"tita! hindi po!" todo deny ako pero si tita tawa lang ng tawa habang naggagantsilyo siya

"san niyo naman po narinig yung balitang yun?" tanong ko kay tita

ngumisi siya at tinuro yung view mula sa bintana niya

"may nakita akong dalaga at binata dun banda, naglalampungan, nagsusuyuan. dun banda oh" nanlaki na naman ang mga mata ko ng tinuro niya yung pinagtaguan ko nung isang araw nung nagkasalubong kami ni buendia

tangina! akala ko safe na ako dahil walang nakakita

"nako wala po yun tita! hindi ko po boyfriend si ely" pagdedeny ko parin

nakakahiya tang ina earth lamunin mo na ako please!!

kung nakakamatay lang ang hiya pinaglalamayan na ako ngayon

hayop kasi si buendia!!

tumawa lang si tita at tinusok tusok pa ang tagiliran ko

"sus! ganyan din kami ng tito mo nung araw. kunyari pa kami. eto wala pang bente dos anyos may anak na" pagkwento niya pa

"nako tita nagkakamali po kayo! di ko po trip yung tropa ni raymund" pagdedeny ko parin

ilang deny pa ba, vivien?

feeling ko sobrang pula na ng mukha ko dahil ramdam ko yung init niya. pwede kana magprito ng itlog

"o siya. humayo na kayo. mag iingat kayo ha? lalo ka na, bata ka pa. matutong gumamit ng proteksyon" omg tita!!!!

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon