vivien
isang linggo simula nung insidente sa dorm, at hindi na nagparamdam si buendia. kada pupunta ako sa dorm nila o sa pinagpapraktisan nila it's either wala siya don o late siya
"at bakit ngayon ka lang umuwi aber?" agad na bungad sakin ni charice nung kumatok ako sa kwarto
"masyado pang maaga para sa sermon mo" binato ko yung sarili ko sa kama at inilubog yung mukha ko sa mga unan ko
na-miss ko yung kama ko. ang sakit pati ng mga kasu-kasuan ko, puchang p.e kasi yan
"nako, dinaanan ka ni shirley dito kanina, hinahanap ka. may pupuntahan daw ata kayo sabi niya"napakunot naman ako ng noo. saan kami pupunta ni shirley?
saktong pag gulong ko naman nakita ko yung kalendaryo na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko
may naka bilog na pula sa friday, a-dyis.
nanlaki naman ang mga mata ko
shit
birthday ni shirley
napabangon ako ng di oras at kumuha ng tuwalya
pupunta dapat kami ng mall!!
tang ina ang tanga mo vivien birthday ng best friend mo nakalimutan mo!
tumakbo ako papunta sa paliguan at naligo ng mabilis
kung ano yung una kong nakuhang damit sa cabinet ko ay ayun yung sinuot ko
tyempo na bistida pa yung nakuha ko. badtrip!
"tanga tanga mo vivieeeen" paulit ulit na sinasabi ko habang sinusuklayan ko yung sarili ko
pagka suot ko ng sapatos ko ay kinuha ko na ang wallet ko at nagpaalam kay charice
"lock mo nalang yung pinto!" tumakbo ako papunta sa dorm ni shirley
tanga tanga talaga shit shit shit
pagkadating ko dun ay agad akong kumatok sa pinto nila pero yung ka dorm mate niya yung nagbukas
"hi christine nasan si shirley?" hinihingal na tanong ko
"sabi niya tatambay muna siya sa kalayaan?" confused na sagot ni christine
kalayaan? anong gagawin ni shirley dun! ni hindi nga siya dumadaan don dahil natatakot siyang maligaw!
agad kong hinarness lahat ng powers ko para tumakbo papuntang kalayaan
ayan antanga mo kasi vivien! sa sobrang galit sayo ni shirley nakarating siyang kalayaan!
saktong pagdating ko sa kalayaan ay nakita ko siya na pasakay ng jeep
"sherleh!!!!! sandale deputa ka!!!" habol kp sakaniya
balak na naman niya akong patakbuhin!
tinignan niya ako na parang nawe-weirdohan habang tumatakbo ako papalapit sakaniya
wala akong pake kahit pinagtitinginan kami ng mga pasahero ng jeep na pinara niya
anlayo ng tinakbo ko para sakaniya!
"oh anyare sayo?" kalmadong tanong sakin ni shirley
humawak naman ako sa magkabilang tuhod ko para habulin yung hininga ko
"alis na kuya!" pagtaboy ko sa jeep na naka abang parin
umalis naman si manong
"wait lang" habol ko parin sa hininga ko
bakit kasi tinakbo ko mula dorm namin hanggang kalayaan?
tinitignan niya lang ako ng para akong nababaliw
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfic+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional