46

152 14 7
                                    

vivien

pito.

pitong araw na akong hindi nagpapakita sa 'heads dahil sa katangahan ko

“....hi ely”

“crush mo pala ako viv ah.” tumawa lang siya at ginulo yung buhok ko

“'di pwede yon magagalit si toyang”

argh tangina mo vivien bobo!ibinaon ko ang mukha kong pulang pula sa unan ko at nagtalukbong ako sa kahihiyan

kung sino man available diyan, ilibing niyo na ho ako ng buhay. di ako pipiglas pramis

tanginang toyang kasi yan porket hindi siya mukhang janitor fish pag nagpapacute!

nahinto ako at paupo sa kama ko

diba nagbreak na daw sila bago pa mag sembreak?

ahh ewan!

“huy mukha kang multo sa mga horror movie” lumingon ako kay charice na busyng busy sa pagsasagot ng mga requirements niya

sana all masipag

“ayoko na chariiiceeeee hiyang hiya ako punyeta” naglupasay ulit ako at pumadyak padyak pa

“di mo naman masisisi sarili mo na ma-attract kay ely. duh, kahit nga ako patay na patay don.” uminom siya sa bote ng pop na nasa paanan niya at tumingin sa akin

“di ko naman siya gusto napopogian lang ako!” tinakpan ko ulit ang nag iinit kong mukha ng naalala ko na naman yung nangyari

putanginang puso to ayaw kumalma

“hmm, nagagandahan ka ba sa itim niyang mata?” sinamaan ko siya ng tingin

“dark brown mata niya, hazel pag tumapat sa araw” hindi siya kumibo pabalik at dun ko lang na-realize ang sinabi ko. nanlaki ang mga mata ko at napangisi lang si charice

“putang ina mo mangkukulam ka ata eh!” tumawa lang siya at bumalik sa ginagawa niya

“mas maganda lang si toyang sayo, mas kilala mo naman si ely kesa sa kaniya. alam mo kung paano pihitin mga turnilyo niya”

“tang ina mo sinasabi mo bang pangit ako?”

“oo pero no offense”

“gago!”

-------

“bebeeeee!!!!! tangina mo dalawang linggo kitang hindi nakita!” sinalubong agad ako ng yakap ni shirley pero napa atras siya at tinignan ako ng buo

kumunot ang noo niya at sinapo ako sa leeg “nilalagnat ka ba vivien?”

“bakit naman?” nagpatuloy lang ako sa paglalakad at di siya pinansin

tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa at pabalik

saka hinampas ang batok ko

“aray!”

“putang ina mo naka dress ka!” napairap lang ako

“napansin mo?” nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa klase namin at napayuko lang ako

di ako sanay na dinadaanan ako ng tingin ng mga ibang tao

“anong nangyayari mag eend of the world na ba? si vivien ‘never akong magpapalda kahit mamatay pa ako’ hermosa binawi ang sinabi niya?” pinitik ko lang siya sa pisngi dahil ang lakas ng bunganga niya

“wala na akong masuot kasi nasa labahan na lahat ng pantalon ko. di ako naglaba last week remember?” tinamad akong maglaba kasi akala ko aabot pa nga damit ko this week, eh kaso nalagyan ng pintura yung huli kong pantalon

baka sabihin nila ang dugyot ko kapag sinuot ko ulit yun

“kahit na! may ganyan ka sa damitan mo!” pag e-exaggerate naman niya

sus. parang bistida lang. as if naman may magandang mangyayari kapag nagpakita ako ng konting balat

“oh putangina tubig! hinay hinay lang kase!” napalingon kami sa bench area at agad naman akong napapikit.

speaking of.

“vivien— dress— shit!!!” nabilaukan si buendia sa gulat.

“oy hello!” binigyan ni shirley ng side-hug si buddy kaya napataas ako ng kilay pero di ko na masyadong pinansin

gusto kong magpalamon sa lupa. yung mata ng lalaking tinataguan ko naglalakbay sa suot ko

napalunok ako at hinawi ang buhok ko

“hi” mahinhin na kaway ko

“bibeeeeeeeee!!!!! naka dress kaaaa!!! ganda ganda ng bibe na yan eeee” kulang na lang ay sambahin ako ni marcus dahil nagsuot ako ng bistida

“yan pa ba yung regalo ni mama sayo last year?” tumango lang ako sa sinabi ni raymund

“mukha kang tae” pinakyuhan ko lang siya at umirap “mukha kang tinapang sunog gago” sagot ko pabalik

“cute mo viv” bati sakin ni buddy at nginitian ko lang siya “hehe tenks”

tumahimik kaming lahat ng napaubo yung isang kanina pa di kumikubo

“bagay... ano— uhmm, bagay yung... bagay yung tela sa balat mo” napa-facepalm ang apat

“putanginang compliment yan eleandre” bulong pa ni marcus

“salamat” nginitian ko lang siya at hinawi ulit ang buhok ko

jusko huhuhu ang hirap magpanggap na kalmado tangina gusto kong mag bartikal sa quadrangle tangina lamunin na sana ako ng lupa huhuhuhu

“orayt lez g!” inakbayan kami ni marcus at nagsimula na kaming maglakad ulit

bakit kahit pambata yung compliment ni buendia dun bumilis tibok ng puso ko?

gusto ko nalang pumanaw asap

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon