vivien
tatlong araw na ang lumilipas simula ng na-trap ako sa kwarto nila rayms kasama ang demonyo
di muna ako nagpakita sakanila dahil kailangan kong magrecharge ng pagititimpi dahil naubos nung na-stuck ako kasama si buendia
nakatambay ako ngayon sa sunken dahil kapag nagstay pa ako sa dorm ng isa pang minuto mapupuruhan ko na yung kasama ko dun
"oy hermosa!" napalingon ako sa likod ko at nakita si luke, dati kong ka-banda
"oh musta tukayo" nakipag apir ako sa kaniya at naupo siya sa tabi ko
parehas kami ni luke ng apelyido kaya madalas napagkakamalan na magpinsan kami
"samahan moko sa club dredd mamaya?" aya niya sakin
napakunot naman ako ng noo
monday na monday aayain ako ng club dredd?
"ano meron?" tanong ko
"wala bibista kasi si anne" napatango na lang ako
si anne yung girl friend niyang taga probinsiya, at kapag bumibisita yun sa cd sila nagmemeet
at lagi akong third wheel
"kasama si ano?" sana hindi sana hindi
"oo" nanuklam naman ang mukha ko
kasama na naman si jovet, yung pinsan ni anne na highschool na patay na patay sakin
di naman sa pagmamaganda
pero crush na crush ako non may 'autograph' ako sa wallet niya
"luke naman" pagmamaktol ko. aba lagi akong ginagawang chaperone ng dalawa tapos ibebaby sit ko pa si jovet?l
"dali naaaa anniv na namin ngayon e" ayan na naman siya sa pa-inosente look niya
napabuntong hininga ako
"may kapalit to ah" ngumiti naman siya at inapiran lang ako saka nagpaalam na aalis na
tumayo narin ako at nagbabalak ng umuwi ng may tumawag na naman sakin
"bibyen!" paglingon ko ay may nakita akong tumatakbong marcus. anong kailangan nito?
"bat?" tanong ko habang hinahabol niya yung hininga niya
konti nalang parang kakalas na yung lungs niya
"natanong ni raymund kung sasama ka daw ba mamaya may gig kami" saad niya ng may kasamang ngiti na kita yung 32 niyang pearly white teeth
pwede nang endorser ng colgate
"di ako pwede mamaya may lakad ako" bumagkasak naman yung balikat niya at napasimangot
"nubayan. okey alis na ako dadaan pa ako kila aling nena" nagbabye siya sakin at tumakbo na ulit paalis
san kaya gig ng mga yon?
nakasanayan na ni raymund na imbitahin ako tuwing may gig sila dahil sakaniya ako dati nagpapaturo mag drums
noong nagkaroon kami ng sari sariling banda ay nahinto yung pag aya niya sakin pero dahil buwag na kami, sinisimulan narin niya ulit akong imbitahan
ayus. libre na ulit ako ng chicharon bulaklak lagi kada gig sa mga bar
-------
bumalik na ako sa dorm namin at nagpalit ng damit
tshirt na di ko alam kung malinis pa saka pantalon lang, at kupas kong chucks
kada lalabas ako kasama si luke ay sinusundo niya ako sa dorm kaya hihintayin ko nalang siya
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional