38

174 15 6
                                    

vivien

"nasa owner na ba lahat? yung kahon ng saging? yung bag mo?"

"yes ma, nandun na. ako nalang kulang." pag iinarte ni raymund dahil binebaby pa siya ni tita

"mag-iingat kayo, anak ha. at sa awa ng panginoon raymund wag mo nang itatago ang laptop ng professor mo at lagi akong nakakareceive ng tawag" nasamid naman ako sa iniinom kong buko juice sa sinabi ni tita

kilala ko kung sinong teacher yon ah. nakakaramdam ako na panot at teacher ko sa stats yon

"hinidi nga ako nagtatago nun" pagnguso naman niya. luh sagwa

"o siya. mag iingat kayo ha." hinalikan kami ni tita sa pisngi at pina-hayo na. medyo madilim pa dahil alas kwatro palang ng madaling araw ngayon.

sinong bangag at walang tulog? hindi ako.

tang ina kasi mag aaya sila ng puyatan tapos tutulugan ako pagkatapos kong tumungga ng isang basong kape.

"mark ikaw muna magdrive!" binato ni rayms kay marcus yung susi at pumwesto na sa passenger.

"tinatamad ako ikaw na. saka di ko dala lisensiya ko" binalik ni marcus kay raymund yung susi kaya napakamot naman ito ng ulo

"magppresinta sana ako e" saad naman ni buddy at humalukipkip nalang sa likod.

sumampa na ako sa owner at ang bakanteng pwesto lang ay sa likod, sa gitna nila buendia at hector. naupo naman ako dun at humikab

"kape? mainit-init pa" umiling nalang ako sa alok ni buddy at inuyuko sa tuhod ko ang ulo ko

"okay, gumaca here we go!" inignite na ni raymund ang makina at sinimulang paandarin ang sasakyan.

mahaba-habang byahe 'to.

-----------

pa-hapon na ng nakarating kami sa gumaca dahil nagkanda ligaw ligaw pa kami dahil sa maling nilikuan ni raymund

"tita rosa????" sigaw ni raymund mula sa pinto

buti nalang at sa village nakatira sila tita at di na namin kailangan iwan sa labas ng iskinita yung sasakyan

"give me a green light papanikin ko yan" inip na hikab ni buddy at tumingin sa rehas nila tita na kahit ata ako kaya kong talunin kahit maliit lang ako

"nahiya pa sila di pa nila in-open for all nalang yung gate nila" reklamo ni buendia

"ano yan ikaw? open 24/7?" binato ni buendia ng plastic bottle si marcus sa sinabi niya at may pahabol pang 'tarantado putanginamo'

maya maya pa ay nagbukas na ang gate at bumungad si rose, anak ni tita rosa

ang pinaka maarteng babae sa balat ng lupa

"ano ba yun?" iritang tanong nito kay raymund

ng nakita naman nila marcus kung sino yun ay agad silang nagpatiuna sa pagbaba ng sasakyan

muntik pang mangudngod si buddy dahil tinulak siya ni marcus tapos sinabunutan pa siya ni buendia

napairap nalang ako.

mga hayok sa suso amputa

"hi miss. marcus nga pala" hinawi ni marcus si raymund paalis at pumalit sa pwesto niya

tinulak naman siya ni buendia at inayos ang kwelyo niya bago nakipagkamay

"ely, babe nalang for short" luh gago amputa.

bigla namang napa-aray si buendia ng piningot siya ni buddy at ipinamalas ang pinakamaliwanag na ngiti niyang bubuhay sa mundo

"hector, a running for salutatorian student at up diliman" aba'y umeenglish ang gago

umubo naman si raymund at binatukan si buddy paalis

"si tita rosa?" tanong ni raymund kay rose na busy sa pagmamata kay buendia

hoy bruha ka may pila dun ka sa likod.

di naman sumagot si rose at busy ata hubadan si buendia gamit ang mata niya

ang tarantado naman tuwang tuwa

kapag nasagasaan si buendia ng owner wag niyo kong hanapin dahil malamang sa malamang ako yung nagddrive non

"rose!" sigaw ni raymund para matigilan si rose sa imagination niya

"hm?" pagtingin niya ulit kay rayms

"si tita kako nasaan? nandito na yung pinapadala niya kay mama" inis na saad ni raymund

"ah nasa loob. pasok kayo" ngumiti siya at 'inalalayan' pa si buendia papasok

putang ina anong akala niya kay buendia lumpo?

pumasok kami at naiwan si rayms ss labas pars ipark ng maayos yung sasakyan

"mommy! nandito na sila raymund!" sigaw niya at pinaupo kami sa salas nila

"nandiyan na ba ang pinapadala ko?" lumabas si tita mula sa kusina at ngumiti ng nakita ako

plastik amputa. pinalo mo nga ako ng bawiin ko yung laruan ko mula sa anak mo nung bata pa kami

"hija nandito ka pala" nakipag beso siya sakin

kung may choice po ako tita hindi po ako pupunta

maya maya pa ay dumating na si rayms "tita pinalagay ko na po sa garahe niyo yung mga box" nakipagbeso rin si rayms at naupo sa tabi ko

"okay sige. by the way gutom na ba kayo? nagluto ako ng kare kare kain muna kayo bago bumyahe ulit"

napakamot naman ng ulo si raymund "eh baka po gabihin na kami-"

"-pero may oras pa naman po kami hehe" pagpigil ni marcus kay raymund

ay hayop ang kapal ng apog.

"ay ganun ba? sige mag-dine na kayo sa kusina para maaga kayong maka byahe"

naglakad kami papunta sa kusina at naupo sa kaniya kaniyang pwestong napili

paupo na sana ako ng umubo si rose

"hi pinsan, diyan kasi ako lagi umuupo eh. baka naman?" napa irap naman ako at ngumiti nalang ng pilit saka binigay sakaniya yung pwesto

saksak mo sa baga mo.

lumipat ako sa tabi ni marcus at naupo na

inabutan kami ni tita ng kanin at nagkaniya kaniya na kaming sandok

pagkatapos ay pinaikot niya ang ulam samin

"hi ely, you eat gulay ba or you just want the meat?" pagsandok pa ni rose ng ulam sa plato ng gagong tuwang tuwa

"kumakain naman ako ng gulay" sinandukan siya ni rose ng gulay at iniabot samin ng pabalang yung lalagyan pagtapos

abay deputa to kung wala lang nanay nito dito binato ko na to ng palayok.

"how about shrimp paste? what's the tagalog of this ba? ay bagoong, yes i remember. sorry lumaki kasi me sa states im not sanay masyado sa filipino words" napakunot naman ako ng noo at napatingin kay raymund

tang ina sabay sabay kaming gumraduate sa iisang school at magkaklase kami from kinder hanggang 2nd year highschool?

putangina how?

ng nagsimula na kami kumain ay nagsimula na ang mga tanungan portion tulad ng 'vivien, kamusta na nanay mo? may bago na bang boyfriend ulit?' 'so buddy anong course ang kinukuha mo? i heard top ka' and 'baby-este ely may girlfriend ka ba?'

dun ako nasamid sa huli

tinignan ko siya para tignan ang magiging reaksyon niya at nakitang nakatingin rin siya sakin saka siya ngumisi

"wala pero may nagugustuhan ako ngayon eh."

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon