vivien
"viv, viv.." napakunot ako ng noo ng naalimpungatan ako ng may kumakalabit sakin
"hmmm?" tanging nasagot ko lang dahil kalahati palang ng kaluluwa ko ang gising yung kabila nakikipaghabulan pa sa mga lumilipad na rabbit
"may kumakatok pagbuksan mo nga" tinalikuran ko lang si marcus at sumiksik sa kung sino mang katabi ko. wala na akong pake antok na antok pa ako
hindi rin kami nakatapos sa ginagawa namin kanina dahil tinamaan kami ng katamaran at antok
so nagsiesta time kami sa lapag
"pintoooo!" napairap nalang ako ng narinig ko yung iritableng boses ni raymund mula sa sofa
"eto na eto na" napakamot ako sa mata ko para mawala ang antok ko kahit papaano
naglakad ako papunta sa pinto habang nagkakamot pa ng dibdib ko. binuksan ko ang pinto at napahikab ako bago ko pa makita kung sino yung tao
"sino sila?" tanong ko habang nakapikit ang mga mata ko dahil sa biglang liwanag na nanggaling sa labas
"sino kumatok!" rinig kong sigaw ng isa sa mga nagsisiesta
"...si victoria" tumango lang ako
"victoria daw!" sigaw ko pabalik at humikab ulit
"sino yon!" sigaw pabalik ni marcus
"sino ka daw?" tanong ko ulit sa babaeng nasa harap ko
"uh, si toyang." medyo nahihiyang sagot niya
"toyang daw!" sagot ko kay marcus
"ano, nandiyan ba si ely?" tanong niya ng medyo nahihiya pa. tumalikod ulit ako
"andiyan daw ba si ely!" tanong ko sa likod
walang sumagot ng una hanggang sa nagsalita si marcus "wala daw! nasa kalayaan daw!"
humarap ulit ako sa toyang na nasa tapat ko "wala daw nasa kalayaan daw siya" tumango naman siya at ngumiti
"sige. pagbalik pakisabi hihintayin ko siya, alam niya na kung nasaan ako" tumango lang ako at tumalikod na siya at naglakad paalis
luh. nang istorbo ng tulog para don.
nilock ko yung pinto at naglakad pabalik sa pwesto namin. napakunot ang noo ko ng binilang ko ang mga lalaking nakahilata
isa...dalawa....tatlo.....apat.
si raymund nasa sofa, si buddy sa paanan ni marcus, si marcus sa tabi ng lamesa, tapos may isang lalaking nakatalikod
yung sinisiksik ko kanina
......
"ano sabi ni toyang?" tanong ni mark at ninakaw yung unan ni buddy para gawing yakapan
"sabihin daw kay ely hihintayin siya ni toyang. alam na daw niya kung saan yon" hikab ko at dahan dahang naglakad sa pwesto ko para umidlip pa
"shit!" nagulat naman kaming dalawa ni marcus ng biglang bumangon si buendia
"anong oras na?" tanong niya samin
napatingin ako sa suot kong relo "pasado alas singko. bakit?" nagmamadali siyang tumayo at pumasok sa kwarto nila
paglabas niya ay nakapag palit na siya ng pantalon at magkanda dulas dulas pa siya habang nagsusuot ng sapatos
"inaya ko siyang mamamasyal kami ngayon tang ina nakalimutan ko" naramdaman kong parang lumubog ng konti ang puso ko at nawala narin ang antok ko sa sinabi niya
"teka... akala ko ba break na kayo?" mahinang tanong ko habang pinapanood ko siyang pagmukhaing presentable ang buhok niya
"kaya nga. balak kong makipagbalikan" humarap siya samin at tinuro ang buhok niya "ayos ba?"
hindi ako umimik at napatango lang ako. yumuko lang ako hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.
kanina lang akala mo may namamagitan samin dahil sa mga inisan at lampungan namin
hala, akala ko rin eh
"pst, bib. ays ka lang?" lumingon ako kay mark at ngumiti ng mapait, pilit na itinatago ang pagkadismaya ko
"ays na ays."
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfic+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional