vivien
simula nung gabing nun ay naging awkward na ang lahat. di ko na matignan si buendia ng matino at nabawasan narin ang palitan namin ng mga masasamang words
walang nagbbring up ng kung anong nangyari nung gabing yon. wala narin naman akong balak. dala lang yon ng bugso ng damdamin. oo, yun nga
"i'm telling you marcus may mali talaga sa pagtugtog mo" rinig kong sabi ni raymund
"anong mali? sabi mo tininiw tiw tiw ginawa ko naman ah?" sagot naman pabalik ni marcus
"kaya nga! tininiw tiw tiw pagkatapos ng tinininiw tiniw tiw tiw! di mo ginagawa yung sa 12th fret na tinininiw!" napakunot naman ako ng noo
pinag uusapan ng mga to?
"gago yung sa 7th muna kasi bago yung sa 12!" sinilip ko sila at nakitang nag aaway sila sa lead solo ni marcus
ahh okay
"asan na ba si ely? late na naman ang gago" tanong ni raymund kay buddy na busy sa pagbuo ng bass line niya
sakto namang may nagbukas ng pinto at nag entrance si buendia na akala mo aattend ng red carpet
"nabuo na si ligaya" entrance niya papasok habang may hawak na notebook
anong ligaya pinagsasabi nito?
tinaas niya yung suot niyang shades at naupo sa isang amp saka binuksan yung notebook niya at pinabasa sa kanila
napakunot naman ng noo si marcus habang binabasa yun
"scam to. thesis mo nga di mo gagawin thesis pa niya" napairap lang si buendia at nagpatuloy na sila sa pag analyze ng kanta
"ok errbody listen to my masterpiece" kinuha niya yung acoustic na naka kalat sa lapag at tinugtog yung kanta na kinompose niya
ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
tatlong oras na akong nagpapa-cute sayo
'di mo manlang napapansin ang bagong t-shirt konapatawa naman ako sa lyrics niya sabay napa tingin na rin sa tshirt niya
bago nga. bagong plantsa
ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?
ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
wag mo lang ipagkait ang hinahanap konapansin ko na habang tumutugtog siya ay di siya nakatingin sa notebook niya o sa mga kabanda niya
nakatingin siya sa gawi ko.
sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya
at asahang iibigin ka
sa tanghali sa gabi at umaga
'wag ka sanang magtanong at magduda
dahil ang puso ko'y walang pangamba
lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong
ligaya.hanggang dun lang ang kinanta niya habang nakatingin sa gawi ko. tinignan ko lang din siya at ngumisi siya bago niya kantahin yung susunod na linya.
hanggang sa natapos ang kanta, pasulyap-sulyap si buendia. minsan ngingisi, minsan kunyaring napadaan lang ang mata niya
"ayos yang kantang yan ah. ilang araw mong ginawa yan?" tanong ni buddy
"actually habang nasa histo ko. 13 minutes before bell saktong sakto" napataas naman ako ng kilay
gaano siya ka inspired at nakagawa siya mg kanta in a few minutes during a class?
"wow. mukhang inspired na inspired kay toyangs ah" tinapik ni marcus yung likod ni buendia at saka sinukbit yung strap niya.
napangisi naman ang gago at may binulong na di ko mawari pero parang ang sabi niya 'baka si toyang'
"tara na tugtog na"
"tanga di ka naka drop e"
"sapakin kita drumset to"
"joke lang eh"
napatingin lang ako kay buendia na tinotono yung gitara niya
ang weird, hindi na inis at di na kumukulo ang dugo ko tuwing tinitignan ko siya
kaya ko na siyang tignan ng hindi ginugustong pugutan siya ng ulo, natitiis ko na rin na kasama siya
pero pag nakikita ko siya para akong nakakaramdam ng kulo sa tiyan ko. hindi parang gutom, iba. parang mga mahahaharot na bulate. kailangan ko na ba magpapurga?
bakit ganto ang nararamdaman ko pag malapit sayo, buendia?
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional