23

190 14 9
                                    

vivien

nakatambay ako ngayon sa sunken kasama yung heads dahil kailanhan daw nila ng 'inspiration' para makapag compose ng kanta

inshort kailangan nila makakita ng magandang babae.

natatamaan ako dun ah

"try mo gumamit ng down down down imbis na down up down" kinuha ni buddy yung gitara kay marcus at inumpisahang iistrum yung kaisa-isang acoustic na meron sila

partida hiram pa

"ayan tama na" inilista yon ni raymund sa lukot lukot na papel na hawak niya

"so bali ang pasok ng intro four counts" pinasa naman ni buddy yung gitara kay buendia

"one...two...three...four...bam intro" pagbibilang niya

tumango tango naman yung tatlo

"break muna tayo natutuyot na utak ko" reklamo ni marcus sabay kamot ng ulo

"kakasimula niyo palang break na kagad?" kunot noong tanong ko sakanya

"di kinakaya ng katawang lupa ko yung sampung minutong tuloy tuloy na pag iisip" sagot naman niya pabalik na nagpatawa samin

tarantado talaga

"jijingle muna ako" paalam ni raymund saka nagmamadaling tumakbo papalayo

napangiwi nalang ako at naupo sa pwesto niya kanina, which is sa gitna ni buddy at buendia

"peram nga" kinuha ko sakanila yung gitara at sinubukang kantahin yung pyesa nila

Wag nang malumbay
ang pag-ibig ko ay tunay
sabihin man ng 'yung nanay na
wala akong silbi sa buhay

pinanood lang ako ng tatlo habang tinitipa ko yung chords ng kanta nila

"ayos ka palang vocalist vienna-chin eh. ely goodbye pinapalaya ka na namin" tinapik pa ni marcus si buendia sa likod kaya naman pinakitaan siya ng daliri nito

Kung ako ang papipiliin
ay nag Amsterdam na ako
wag mo lang akong pipilitin
na wag gumamit ng gaheto

"gawin mong b-minor to imbis na d" turo ni buendia sa isang part ng kanta

tumango naman ako at tinugtog yun

Buksan mo ang yung bintana
dungawin ang humahanga
bitbit ko ang gitara
at handa ng mang-harana

"wait dito dapat naka a/c# siya tapos double beat na yung strumming" turo ni buendia sa isang part

napaka perfectionist naman nito

"di ko nga alam yung chord na yun gago ka ba" sa ilang buwan ko nang di nakakahawak ng gitara di ko na maalala mga chords

saka di naman ako gitarista sa banda ko dati eh

"ganto oh" nanigas ang mga katawan ko ng inilagay niya yung kanang kamay niya sa kanang kamay ko, at yung kaliwang kamay niya sa kaliwang kamay ko

bali para siyang naka-akbay sakin habang gina-guide niya ako sa gitara

"yung hintuturo mo dito" pinosisyon niya yung mga daliri ko sa strings ng gitara at yung kanang kamay ko naman, hinawakan niya "tapos ang strumming ganto" sinabay niya yung kamay ko sa pagstrum niya habang kinakanta niya yung part na sinasabi niya

parang wala ako sa wisyo nung tinuturo niya yun, ang nasa isip ko lang yung init ng katawan niyang nakadikit sakin

damang dama ko yung bawat paggalaw niya dahil sa lapit ng katawan namin sa isa't isa

napalunok ako

shit ka vivien

"oy ano yan eleandre" bumitaw naman si buendia sakin ng binato siya ni marcus ng damo na pinaglalaruan niya

umubo lang siya "may idea ako sa chorus" saka kinuha yung gusot na papel

inabot ko naman kay buddy yung gitara at tumingin sa malayo para itago yung nag iinit kong mga pisngi

eto na naman yung mga ansamaligno sa tiyan ko, kala mo may fiesta

bakit ganto epekto mo sakin, buendia?

"hi guys i'm back anong na-miss ko?" umupo si raymund sa tapat namin

"si ely saka si-" pinutol naman ni buendia yung sinasabi ni marcus

"may naisip akong pwedeng idagdag na texture sa kanta" pag-iiba niya ng topic

tinignan lang kami ni marcus ng nakangisi saka dinugtungan yung sinasabi ni buendia

"masyadong inspired si elyboy ngayon, rayms. mukhang makakabuo na tayo ng album" ngisi ni marcus

tumayo naman si buddy at lumipat sa tapat ni marcus "tuloy tayo sa kanta may idadagdag akong bassline para sa bridge"

pinanuod ko lang sila na magbrainstorm para sa kanta nila

minsan nakikita ko yung mapang asar na mata ni marcus minsan naman napapansin ko rin sa gilid ng mga mata ko yung pagsulyap ni buendia

di ako assuming, pero alam kong tumitingin siya

kasi tinitignan ko rin siya

"aaaaand harana is now born!" tinaas ni raymund yung papel na sobrang dugyot ng itsura, mabasa basa pa.

aba may pasmado sa kanila

nagcheer naman sila at nakipalakpak na rin ako sa tuwa. sana malayo ang mararating ng mga gagong to.

ang hindi ko lang alam habang nakangiti ako sa tagumpay na nagawa nila, may isang myembro na nakangiti rin, pero nasa akin ang atensyon niya.

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon