vivien
tanga.
yan lang masasabi ko sa sarili ko.
tanga.
"oi, vivien isang bagsak naman diyan!"
napakatanga mo.
"oh ayan dali may beat na!"
pero hanga ako sayo, ang tibay ng puso mo.
"ely bakit ayaw mo pa simulan?"
napahinto ako at napangisi
"oo nga pre, bakit wala ka sa ulirat? may nakaka distract ba?"
hanga ako sa lakas ng loob mo.
biruin mo, kaka-amin mo lang sa bokalista ng banda ng pinsan mo kahapon, at kakatapos mo lang din mareject
ngayon, ikaw pumalit sa pinsan mo bilang drummer nila dahil may sakit siya?
hanga ako sayo.
"tangina isa pa nga ulit" napa iling lang si buendia at hinawakang mabuti ang mic, bago ulit ako nagbilang
"one, two, three, go!" unang bagsak palang ng mga drumsticks ko sa mga tambol, ay napapikit na ako.
kada tama ng mga to, iniisip ko na sana mukha nilang dalawa ng shota niya ang pinapalo ko
I dream of all the years decaying
I dream of bitter endings
Street smiles
Hateful goodbyes
Demented liestanginamo buendia.
I dream of guns with red round triggers
And bullets that won't ever misstanginamo buendia.
And wounds that won't heal
Hands that won't feelnapahinto kaming lahat ng biglang tumipa ng maling chords si buendia dahilan para mawala kami sa beat
"puta" napamura si marcus dahil na rin sa matinis na feedback ng mic
"ulit isa pa" inulit ni buendia ang chord progression pati strumming ng part na kinamalian niya bago ulitin ang intro
"teka nga muna ely mukhang iba ata nasa isip mo eh" pag-awat ni buddy sakaniya dahilan para magpangalumbaba lang ako, pinapanood siya na pagpawisan kahit pa halos ginawin na kami sa mga bentelador na nakatutok sa amin
magdusa ka, buendia.
"oo nga. naghiwalay na naman ba kayo ni toyang?" mapang-asar na tanong ko pa
anong pakiramdam, buendia?
"wag kang sumawsaw sa usapan ng iba" napataas lang ako ng kilay sa sagot niya
aba, napipikon na ang hari
"tol wag mo naman ibaling kay vivien init ng ulo mo" pag-awat pa ni marcus
at dahil dakilang gago ako, pinainit ko pa lalo ang ulo niya
"oh? akala ko ba tropa tayo? diba kahapon sabi mo sakin kaibigan mo ko?" diniinan ko ang salitang 'kaibigan' dahilan para mamula ang tenga niya at humigpit ang igting ng panga niya
tangina, di pwedeng ako lang nasasaktan sa mga ginawa mo.
"vivien." awat sakin ni buddy
"bakit? wala naman akong sinabing mali diba?" pagtatanggol ko pa sa sarili ko sabay de-kwatro
"totoo naman. kaibigan niyo ko, fill-in ni raymund ngayon sa drums." kibit balikat ko pa habang pinapaikot-ikot sa daliri ko ang drumstick na hawak ko.
"tangina tama na vivien!" nagulat kaming tatlo ng biglang tinanggal ni buendia ang suot niyang gitara at lumabas ng kwarto
wow. arte.
napatingin lang ang dalawa sakin at napakibit balikat lang ako
"anong nangyari sainyong dalawa?" napakunot ako ng noo sa tanong ni marcus
"wala, gago ka ba?" tanong ko pabalik sakaniya
wala naman talaga, wala ngang naging salitang 'kami' para sa kanya eh.
"eh bakit bumalik na naman kayo tulad sa dati? mas lumala pa nga?" tanong pa ni buddy
"tanungin mo siya, wag ako. nadamay lang ako dito" binaba ko sa drumset ang mga hawak kong drumsticks at sinukbit sa balikat ko ang bag kong nakapatong sa isang ampli
"sabihan niyo yang kaibigan niyo na ayusin niya mga ginagawa niya sa buhay. di niya alam nakakasakit na siya sa ginagawa niyang mga katarantaduhang desisyon." salita ko bago lumabas ng kwarto
totoo nga sabi nila.
kahit anong talino mo, bobo ka pagdating sa pag-ibig.

BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfic+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional