vivien
"they really stopped, huh? ang tatapang ng mga to"
napatango lang ako sa salita ni shirley habang pinapanood magperform ang apat na lalaki
pinili nila ang rak en rol.
"well, they'll reach the high peak. sigurado ako diyan" sambit ko saka tumayo dahil tapos na rin naman yung kanta
i have somewhere else to be
"oh? aalis ka na? di ka manlang magpapakita sa pinsan mo? tapos na sila oh!" umiling lang ako at ngumiti
"di na, may tatapusin pa ako!" tumalikod lang ako at nagsimula na maglakad papalayo sa venue nila
to be honest, meron naman talaga akong gagawin pa since malapit nang mag pre-lims
pero hindi yun yung pinunta ko ngayon dito
tumakbo ako papunta sa napag-usapan naming tagpuan.
pagdating ko, ay agad ko siyang nakita dun na kumakain ng chichirya.
nilapitan ko agad siya at nagtago sa likod niya, saka tinakpan ang mga mata niya
"hulaan mo kung sino ko" binago ko pa ang boses ko para lang di niya ko makilala, pero napairap ako ng tumawa lang siya
"vivien liit" aba tarantado to ah!
"tanginamo!" hinampas ko siya sa braso kaya napatawa lang ulit siya saka humarap
"oh, gusto mo?" dumakot naman ako sa hawak niyang chichirya at kinain yon ng nakasimangot.
tanginanto tinawag pa akong bansot, ilang linggo na nga kaming di nagkita.
"luh simangot kagad. kiss kita jan e" napairap lang ako sa sagot niya at tumalikod para itago yung namumula kong mukha
oo na! ako na marupok! hayop kasi tong siraulong to lakas mambola
"joke lang baby! to naman di mabiro sabunutan kita jan e" naramdaman ko bigla ang mga braso niya na pumulupot sakin at isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko
lord i'm not your strongest soldier po tangina
"h-hoy eleandre ano yan!" nanlambot bigla ang tuhod ko ng naramdaman ko ang labi niya sa balikat ko
putangina!
"wala, namiss ko bebe ko eh. masama bang ikiss kita?" bulong niya habang nag-iiwan ng maliit na mga halik sa balikat ko
bakit ba kasi ako nag-spaghetti strap ngayon?!
"tanginamo! tara na sabi mo ililibre mo ko pares!" umalis ako sa bisig niya at padabog na kinuha yung hawak niyang palamig saka inubos yon
nadadagdagan ako ng puting buhok sa pinaggagagawa ng lalaking to!
"sabi na nga ba gusto mo lang ako para sa pera ko. ouch </3" humawak pa siya sa dibdib na na animo sinaksak ko
"oa mo tara na!" nagpahila naman siya sakin patungo sa lagi naming kinakainan na paresan. unli-rice kasi dito saka unli sabaw hehehe
ilang buwan na rin kaming nagkikita ng ganto ni eleandre. pero sa totoo lang, hindi ko alam kung anong kami.
hindi niya ko tinanong kung gusto ko bang maging shota niya, at hindi rin siya pumanik ng ligaw
pero uso pa ba yun sa panahon ngayon? basta ang alam ko masaya ako sa kanya ngayon
kahit daig niya pa babaeng may regla pag nagpalit ng mood.
pagdating namin sa kinakainan namin ay agad kaming umorder ng dalawa, saka naupo sa lagi naming pinupwestuhan.
mabilis lang ang paghain dito kaya maya-maya lang, dumating na ang order namin kaya nagsimula na kami kumain.
"nga pala, maghahanap kami ng record label mamaya. sama ka?" tanong sakin ni eleandre habang ngumunguya
napaisip naman ako.
should i?
"try ko. lapit na pre-lims kailangan ko na magreview." tumango lang siya bilang sagot
"buti ka pa no, walang iniisip na exams" dagdag ko pa bago itaas ang kamay ko para humingi ng extra rice
"yare naman ako kay mama pag di gumana rak en rol" sagot niya kaya napatawa lang ako
"kaya niyo yan, kayo pa ba? magiging best band of all times kaya kayo. tapos marami kayong mapupuntahang lugar, daming alak, dami ring babae,-" di pa ko tapos magsalita ay pinasakan niya na ako sa bibig ng kanin kaya napatikhom ako ng bibig para ngumuya. o diba siraulo talaga?
"dumadaldal ka na kulang ka lang sa kain" napairap nalang ako at nagsimula nang maground two sa kanin
"babe, last mo na yan ha? nagiging tabachingching ka na oh!" narinig kong reklamo ng lalake sa likod ko
"okay babe, last na to. i love you!" sagot naman ng girlfriend niya sakanya
bigla tuloy akong na-concious.
napayuko ako at lihim na inipit yung tiyan ko
sa totoo lang, simula ng kung anong meron man samin ni eleandre, puro kain lang ginawa namin kaya di rin maiwasan na sumikip sakin yung damit ko at madagdagan ako ng timbang
dagdag mo pa yung stress sa acads, kaya napapa-stress eating nalang ako. kahit si shirley nababanggit sakin na lumalaki ako
"hm? ano yon?" napansin ni eleandre na huminto ako sa pagkain kaya napahinto rin siya at tumingin sakin.
umiling lang ako at iniabot sakanya ang mangkok ko na may bagong sandok pa ng kanin
"yoko na pala, iyo nalang" mahinang sambit ko
napakunot naman siya ng noo
"bakit? himala naka isa ka lang?" natatawang sambit niya pa kaya mas lalo akong na-concious
wag mo kong tawanan diyan baka tusukin kita ng toothpick tang ina mo.
"nagd-dieta na ako, di na kasya sakin mga damit ko" pinisil pisil ko pa yung tiyan ko na kapag hindi ko iniipit, bumabakat sa suot kong t-shirt
"damit dapat ang magkakasiya sayo, hindi baliktad. saka bakit mo ba inaaway yan mo e yan nga favorite kong tulugan" marahan niyang tinusok ang tiyan ko kaya agad ko itong hinampas at naramdaman ko na naman yung init na pumanik sa mukha ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.
sa simpleng salita, kayang kaya niyang pagaanin yung loob ko
alam niya yung mga salitang dapat bitawan kapag nako-concious ako sa sarili ko
halatang magaling mambola. expert.
tang ina mo talaga buendia!
natawa naman siya sa reaksyon ko kaya inusog niya ulit yung pagkain na iniabot ko sakanya
"oh, ubusin mo yan, sayang yung unli" ngumuso lang ako at saka sinimulang kainin yung lumamig nang kanin
hindi ko napansin na nakatingin lang pala siya sakin, nakangiti, bago umiling at nagpatuloy na sa pagkain.
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfikce+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional