47

172 13 7
                                    

vivien

“x≠0 sagot sa 3. anong nakuha mong sagot?” tanong ko kay marcus habang patuloy akong nagsasagot

“uhh, mitochondria??” napakunot naman ako ng noo at napalingon sakaniya

“putangina mo?” napamura ako ng nakitang bio ang hawak niyang libro

“putangina bakit science hawak mo?” turo ko sa libro niya

“eh tinatanong kita kung math ba o science sagot mo oo!” reklamo niya

“shh! ingay!” pinakyuhan ko si raymund na sumitsit dahil umiidlip siya

bakit ba ako pumayag dito?

dapat matutulog ako maghapon pero pinuntahan ako ni marcus sa dorm para tulungan siya sa mock exams nila

mas ahead siya sakin ng year level!

“nakita ko na pucha” binagsak ni buddy sa lamesa yung mga librong kanina niya pa hinahanap

“ok, gulliver's travels, oedipus rex, playboy magazine, at don quixote” umupo siya sa tapat namin at ngumiti

“tip: basahin mo tong magazine ng naka 3d glasses. worth it” nag ok sign pa siya at inabot kay marcus yung libro

magbibigay nalang ng tip yung hindi pa konektado sa mga librong ipapabasa niya kay marcus

gago amputa

“tanginaaaaaaaaa ayoko na mag aral” naglumpasay si marcus sa sahig at naging isang pancake nalang

“amen” pagsagot ko habang di umaangat ng tingin

masyado akong nakababad sa sinosolve kong word problem na hindi ko napansin na bumukas pala ang pinto

“yow.” hindi ko pinansin yung nagsalita at nagpatuloy sa pagcacancel ng variables

“bumili ka ulam? wala tayong ulam mamaya” pagpapaalala ni buddy at binrowse yung magasin niya

“manok nalang binili ko” tang ina bakit hindi ko mabalance?!

hindi parin nagtutugma ang sagot ko kaya nilagyan ko yon ng malaking ekis at lumipat sa panibagong page ng scratch ko

“isubstitue mo muna to bago ka magtranspose” napahinto ako ng may nagsalita sa likod ko at tinuro yung equation sa libro ko

“hi viv. ganda ng gupit mo” unti unti kong naramdaman ang pag init ng mukha ko kaya dahan dahan akong napayuko

putang ina kinilabutan ako sa boses niya.

“halaaaa! oo nga nagpagupit si bibyen!!” napaupo ulit si marcus at tumingin sa buhok ko

di naman masyadong mahaba pinagupit ko, yung dating hanggang bewang kong buhok nasa hanggang gitnang braso ko nalang

nasunog ko kasi yung dulo nung nagluto ako nung nakaraan

“bagay sayo ganyang buhok” puri pa sakin ni buddy

“wag mo kong mapuri puri diyan may kasalanan ka pa sakin” napanguso nalang siya at ibinaba yung magasin niya

“malay ko ba na iyo yon!” pagdedepensa niya sa sarili niya

“bakit may iba pa ba kayong kilalang vivien hermosa?” sagot ko pabalik

pinadalan si raymund ni tito ng mga nirequest namin galing dubai, at isa na sa request ko ay ang vinyl album ng sex pistols at rolling stones

nabagsak niya yung box.

nabasag pareho.

“kamusta ang vivien namin? tagal mong nag awol ah” naramdaman kong nag init ang pisngi ko ng naupo si buendia sa tabi ko at umakbay sakin

mag iisang buwan din akong di nagpakita dahil thesis month na namin. neto nalang ako naging free dahil pagpapabookbind nalang ang iniisip namin

“bakit namiss mo ko?” insert initial face palm

tangina mo vivien san mo nakukuha kakapalan ng mukha mo?!

“siyempre naman tagal kong walang binubully e” hinigpitan niya yung pagkaakbay sa akin at ginawang bear hug kaya naman pumiglas ako

“ahh! bitawan moko tanginamo! nakikiliti ako!” napatili ako ng bigla niyang tinusok yung tagiliran ko

putangina lahat na wag lang kiliti!

nagpumilit akong pumiglas kahit pa nanghihina na ako kakatawa at saka wala ring panama ang katawan ko sa katawan ng lalaking to

“langgam. daming langgam. buddy check mo nga baka naiwang nakabukas yung asukal” salita ni marcus kaya napahinto kaming dalawa sa pag aasaran

napayuko naman ako para itago ang namumula kong mukha at inayos yung buhok ko

“balik tayo sa topic kamusta na yung nireport mo sa admin?” napairap lang ako at sinuklay palikod ang buhok ko

“napaka kapal na mukha. kokopya nalang ng thesis di manlang nag iba ng topic” kaya rin natagalan ang pagka-m.i.a ko ay dahil nakipag labanan ka kami ng mga kagroup ko sa dean's office dahil sa punyetang kumopya ng thesis namin

hindi rin namin alam kung paano nakopya dahil hindi pa nga kami nakakapagpa-book bind. turns out naiwan ng isang ka groupmate ko yung concept notes namim sa class room at nabasa nila

pero nakakainis parin. pinag effortan namin yung amin tapos kokopyahin lang nila?

“anong sanction nila?” tanong ni buddy

“uulit ata sila sem. ewan ko di naman ako yung nakipag usap e” kumibit balikat lang ako at sumandal kay buendia

“ay wow ang kapal ng mukha ginawa akong sandalan” pagiinarte ng nasa likod ko

tumawa lang ako at tumalbog talbog pa “ang fluffy mo kasi hehehe” pagsandal ko ulit sakaniya ay bigla niyang nilingkis yung braso niya sakin kaya napatili ako sa gulat

“kulit kulit mong bata ka” kiniliti niya ulit ako kaya napatawa ulit ako at nagpumilit na pumiglas sa pagkakalingkis niya pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkapit niya sakin at mas kiniliti pa ako

“tang inang yan. lika na nga buds nauumay ako sa tapat pa ng single naglampungan” hindi ko napansin na umalis na pala yung dalawa dahil naka focus ako sa pagtakas sa braso ni buendia

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon