vivien
"anita!" niyakap ni raymund si anne pagkakita niya dito
"oy remong!" niyakap siya pabalik ni anne
"kabanda ko nga pala" nagpakilala isa isa sila marcus kay anne
"oy men musta" nakipag apir sila kay luke at humanap ng kaniya kaniyang pwesto
medyo sumikip kami kaya nasiksik ako sa gitna ni marcus at jovet
si buddy nasa tabi ni luke, si raymund puno ng lamesa at si buendia sa kabila
"diba naging kabanda ka din ni luke noon?" turo ni anne kay marcus
"ah oo nung baguhan palang kami nun" tawa naman ni marcus
may lumapit sa amin na waiter at naglapat ng apat na bote ng beer
"ay di kami umorder ng beer tol" pag-iling ni raymund at sinubukang ibalik yung mga bote
"sa management po yan sir. nagustuhan po kasi ng mga costumer yung kinanta niyo" tumango naman si rayms at nagpasalamat nalang
"ayus pala dito eh. libreng beer" pinag tig isahan nila yung mga bote at uminom na
umubo ng konti yung bata sa kanan ko.
syet nakalimutan ko
"so vivien, kailan tayo ikakasal?" napataas naman ako ng kilay sakaniya
"di ka pa nga ata tuli eh" inis ko na nagpatawa sa iba
nanlaki naman ang mata ni jovet at tinakpan ang zipper ng pantalon niya
"grabe ka sakin mahal, pero kahit ganoon ikaw ang itinadhana para sakin" saad niya with actions pa
napatawa naman si buendia at napa iling
"di ka uubra diyan boy. tibo yan" pinakitaan ko ng daliri si buendia
tarantado talaga to
"tibo? as in, t-i-b-o? oh my love so sweet hindi maaari" hinaplos niya yung kamay ko na nakapatong sa lamesa na nagpangiwi sakin
"tantanan moko jovet nako" tumayo ako at pinausog si marcus dahil lalabas muna ako para magpahangin
ano pa magawa ko sa batang to
isang taon lang agwat niya sakin at oo, legal age na siya pero aba
mas bata parin siya sakin
"pahangin lang ako saglit" paalam ko at lumabas
----
tumambay ako sa gilid at sumandal sa pader saka bumuntong hininga
bakit kasi hindi ako nagdala ng bag di ko tuloy nadala yung yosi ko
sa mga nagtatanong
oo nagyoyosi ako pero di madalas
pero di alam ng pinsan ko yun dahil over protective yon
saka baka madulas siya tapos masabi niya kila mommy
mapapagalitan na naman ako
kaya napabuntong hininga nalang ulit ako
"lalim non ah"
"ay puta ka!" paglingon ko isang nakangising buendia ang bumungad sakin
"anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko at naghalukipkip
"bakit pagmamay ari mo ba to?" diyan ako naiinis sakaniyang deputa siya
magtatanong ako sasagutin niya rin ng tanong
napaka galing
"alam mo masasapak na kita" pagsasabi ko ng totoo sakaniya
"wag naman, sayang gerls" dumukot siya sa bulsa niya at naglabas ng isang kaha ng hinahanap ko at lighter
kumuha siya ng isa don at sinindihan
napansin niyang nakatingin ako kaya naman inoffer-an niya ako
"yosi? marlboro yan" tinignan ko lang yung box
tapos siya
tapos yung box
tapos siya ulit
"nangangalay na ako hermosa kukuha ka ba o hindi?" inis na tanong niya kaya naman kumuha na ako ng isa at inabot niya yung lighter niya sakin
pagkasindi ko ay sinoli ko sakaniya yun at hininga palabas yung usok
"pano mo nalaman na nagyoyosi ako?" tanong ko sakaniya
ngumisi naman siya at nilapit sa bibig niya yung yosi
"a magician never reveals his secrets"
"gago"
"joke nakita kita nung frat party" napatango nalang ako
di nalang ako nagsalita at inenjoy nalang yung moment
minsan lang kami maging two feet apart tapos di nagtatanggalan ng litid
"bakit ang init ng ulo mo sakin lagi?" salita niya sabay hithit sa yosi niya
"nakakainit ka naman kasi talaga ng ulo" sagot ko
"baka inggit ka lang dahil natabunan ng banda ko yung banda mo" umirap ako at tinignan ko siya
"alam mo buendia, eraserheads o hindi, gago ka lang talaga" tinapon ko yung upos ko at tumalikod na para umalis
"haharap ka kay raymund ganyan amoy mo?"
"nasa club dredd tayo. kahit di ka umiinom mag aamoy alak ka"
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfic+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional