24

184 13 3
                                    

vivien

"shuta ka shirley di ka talaga marunong magkwento" hampas ko kay shirlengtot habang nagkkwentuhan kami ngayon aa karinderya nila aling nena

di na daw kami nakakapag date kaya inaya niya ako ng merienda. pumayag naman ako, libre daw niya eh

"eh gaga ka kahit nga ako di pa sure sa kung anong meron kami" namumulang sagot naman niya sabay higop ng sopas niya

"ano nga ba kayo?" masinsinang tanong ko sakaniya habang pinapalamig yung lugaw ko

napatingin naman siya sa sopas niya at napaisip "friends. special friends"

kumibit-balikat siya

"ewan ko. basta gusto ko siya yun yung importante" sagot niya sakin saka humigop ulit

napatango nalang ako habang binabalatan ko yung nilagang itlog ko. di ko sila masisisi, basta ako parin yung president ng loveteam nila

"nga pala anong plano mo sa sembreak?" tanong niya sakin saka nangumit ng tokwa ko

anak talaga ng tokwa siya na umubos

"di ko alam. baka kila raymund ako tumuloy" sagot ko naman

"bakit ayaw mo sainyo?" tinignan ko lang siya ng parang nagtatanong ng 'seryoso ka ba?'

"ay oo nga pala. hehehe"

bumuntong hininga nalang ako

"alam mo namang kada sembreak di ako umuuwi samin nagtatanong kapa" pagkatapos kong balatan yung itlog ay inilubog ko yun sa lugaw ko

"bakit kasi ayaw mo? akala ko ba ok na kayo ni tita?" takang tanong niya

"ok kami pero di ibig sabihin non tanggap ko na" sagot ko nalang at tinaktakan ng paminta yung pagkain ko

napansin ko naman na hindi nagsalita si shirley at nakatingin lang siya sa likod ko

akmang lilingon na ako pero pinigilan niya ako

"wag kang lilingon si ely nasa pinto" umirap naman ako

"ano naman kung nandiyan siya? pake ko sakaniya"

weh vivien

nalaman mo pa nga lang na nandiyan bigla ng bumilis yang tibok ng puso mo eh

"kasama niya si vicky" napakunot ako ng noo. sinong vicky?

lumingon naman ako at nakita si buendia sa pinto, kasama si toyang, naghihintay siguro ng bakanteng upuan

nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib ng nakita kong yung kamay nila na magkalingkis, tapos yung isang kamay pa ni toyang nasa braso ni buendia

ang lalandi.

napaiwas naman ako ng tingin ng nakita kong tinuro ako ni toyang

"ayan sabing wag lilingunin e" bulong ni shirley ng naglakad sila papalapit samin

hindi ako sumagot at tinignan ko lang silang dalawa hanggang sa makalapit sila sa lamesa namin.

"hi! vivien right?" kaway sakin ng babae

sakit sa tenga ng boses mo

"ah, oo." sagot ko sabay ngiti sakanilang dalawa

sakaniya lang pala. pinapatay ko na sa isip ko yung lalaking katabi niya

"and you are?" lingon ni toyang kay shirley.

"shirley" pagpapakilala niya at nakipag kamay pa

aba shirley akala mo naman talaga

"nandito rin pala kayo, lagi namin kayo naaabutan ni pangga ah?" ngiti niya ng napakatamis sabay haplos sa dibdib ng syota niya

pangga?

what the fuck

narinig ko naman na nabulunan si shirley sa sopas niya

"sorry" napaubo nalang din ako para takpan rin yung tawa ko

tang inang tawagan yan

"ayos lang. pangga maki-table nalang tayo sakanila para maaga tayong makapunta sa dredd" dredd? anong gagawin nila dun, e wala namang event yung 'heads dun ngayon

"excuse me lang ha, wait lang. kayo ba?" napa-facepalm naman ako sa tanong ni shirley

pero may parte sa akin na naka cross fingers na sana bffs lang sila, or itatanggi ni toyang na sila

"pft. kami ba? 4th monthsarry na nga namin ngayon ehm diba 'ga?" hinawakan naman ni toyang yung mukha ni buendia

kanina pa di nagsasalita ang gago ah

napangisi naman ako. ahh, four months

ano ulit sabi mo nung tinanong ko kayo? ahh friends.

tumayo naman ako at tinignan silang dalawa saka ningitian.

"di na, kayo nalang dito. may aasikasuhin pa pala ako" kumuha ako ng pambayad sa wallet ko para iaabot ko nalang kay aling nena para sa walk out ko

"hala talaga? sayang naman gusto ko pa naman kayo makakwentuhan" nguso pa niya

"love" narinig kong pigil ni buendia sa syota niya

ahh, love.

napangisi ako lalo

naririnig niyo yun?

yun yung tunog pusong nadudurog

hindi ko alam kung bakit, pero yun yung nararamdaman ko ngayon. parang unti-unting winawasak yung puso ko.

ang korni mo, vivien.

tandaan mo gago yang lalaking yan, galit ka diyan diba?

"una na kami. happy monthsarry sa inyo" ningitian ko sila bago hilahin si shirley at inabot ko kay joy, anak ni aling nena, yung bayad naming dalawa

nalibre ko pa ng di oras si shirley. duya nun ah

habang naglalakad ay minumura ko na si buendia

"tang inang napaka sinungaling mong hayop ka" binubulong ko sa sarili ko habang hinihila ko si shirley

ng nakalayo layo kami sa karinderia ay binitawan ko na si shirley at huminga ng malalim

"te yung sopas ko- luh vivien umiiyak ka ba?" sa sobrang pagkahalo-halo na ng nararamdaman ko, galit, inis, disappointment, di ko na alam na nahulog na pala yung mga luha na kanina pa nagbabadya

pinunasan ko ang mga pisngi ko at tinignan ko si shirley

"bakit nakaramdam ako ng sakit?" tanong ko sakaniya

bumuntong hininga lang siya at hinawakan ako sa balikat bago nagsalita: "vivien may gusto ka ba kay ely?"

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon