vivien
“nako!”napalingon naman ako kay marcus na nasa likod ko. binalik ko yung queen of spades ko at akmang kukunin yung ace of clubs ng nagreact na naman siya
“ayy!” napairap ako
“tanginamo marcus ikaw nalang kaya humawak?” nagpustahan kami kay raymund at buddy ng tong its dahil tinatamad kami pare parehas gumawa ng mga requirements namin
“sure ka?” inabot ko sakaniya yung baraha at agad niyang isinapaw yung king of diamonds kay raymund kaya napangiti siya at napa facepalm naman ako
“tangina mo marcus, biniyak mo yung royal flush natin king ina ka ayan lang hinihintay niyan” ibinaba ni raymund ang pares niyang king at ibinaba ang buong baraha na naka arrange na
“straight at isang full house” binigwasan ko si marcus sa inis dahil tigbente ang nalagas samin
“king ina ka”
ngumuso lang siya at nilikom lahat ng baraha para balasahin
“buti nalang tungkol sa probability assignment ko ngayon. natututo ako dito” salita pa ni buddy at nakipag apir kay raymund
nagkkwentuhan lang kami ng biglang padabog na bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang nakasimangot na ely buendia kaya napakunot ako ng noo
dere deretso lang siya sa kwarto at isinara ang pinto kaya nagkatinginan lang kami at napakibit balikat.
maya maya pa, lumabas ulit siya at napatayo kaming lahat ng bigla niyang sinugod si marcus at kinwelyuhan
“tang ina mo sabing wag mong gagalawin yung gamit ko sa kahon ko!” nanggagalaiting sagot ni buendia at kulang nalang ay magkulay pula ang mga mata niya
“hoy bitaw na” sinubukang paghiwalayin ni raymund at buddy si marcus at buendia pero hinawi lang sila ni buendia at itinulak si marcus
“putang ina mo di ka talaga mapagsabihan eh no? pag ba may nawala dun kaya mong palitan?!” bakit ba galit na galit tong lalaking to??
“tanginamo rin puro ka sisi!” akmang susugurin na rin siya ni marcus pero inawat na ni raymund si mark
“lagi kang ganyan nakaka asar na!” lumapit ako at hinawakan si buendia sa braso para awatin na rin dahil hindi niya na ata naririnig mga saway ng dalawa
“ely halika na.” hinila ko siya palabas at sinenyasan sila rayms na papalamigin ko lang ang ulo ng dyablo. tumango lang sila at pagkalabas sa dorm ay binitawan ko si buendia at humarap sa kaniya
“ano bang problema mo?” medyo inis na giit ko sakaniya dahil nga sa ginawa niyang pambibintang kay marcus
napahilamos lang siya ng mukha gamit ang kamay niya at bumuntong hininga “pati ikaw galit na? sige magalit na kayong lahat sakin tutal kasalanan ko naman lahat!” nagtinginan ang mga ibang estudyante dahil sa paglakas ng boses niya pero di niya ito pinansin
napangiwi ako sa sinabi niya at napa iling. taas ng pride ng gagong to talaga. “anong pinagsasabi mo ely? ikaw tong uuwi ng nakabusangot tapos pagbibintangan mo pa yung kaibigan mo” pagsesermon ko sakaniya pero nagtengang kawali pa ata ang gago
“edi kumampi ka sa kaniya! saka siya lang naman gumagalaw ng kahon ko eh!” napairap nalang ako. ilang taon na ba to five years old?
“alam mo kung may galit ka sa mundo, wag mong ibaling sa mga inosenteng ha? nananahimik yung tao idadamay mo sa topak mo” medyo galit na sermon ko na at naramdaman niya rin siguro yung inis ko kaya napayuko lang siya.
tinalikuran ko siya at akmang aalis na ng pinigilan niya ako.
hinila niya ako pabalik at ikinulong sa mga bisig niya at ipinatong ang bibig niya sa ulo ko.
“sorry na” bulong niya sa buhok ko
napairap lang ako
“wag ka sakin mag sorry dahil di naman ako yung kinwelyuhan mo” mataray parin na saad ko kahit natutunaw na ako sa yakap niya
“ayoko pa pumasok baka galit sakin yun” malakas ang kutob ko na nakanguso siya ngayon kaya tumingala ako para silipin
and my suspicions are right
mukha siyang bibe
my bibe boy
char
“hindi marunong magtanim ng sama ng loob si marcus dahil di siya marunong. ngayon, magsosorry ka o kakaladkarin kita papasok?” huminga lang siya ng malalim at nagsimula na kaming maglakad ulit pabalik sa kwarto nila.
walang nagsasalita ni isa samin pero hindi makapal ang hangin sa paligid namin
sa sobrang komportable namin ay di na namin namalayan ang kamay namin na magkalingkis habang naglalakad kami pabalik sa mga kaibigan niya
pagkarating namin ay binuksan na niya ang pinto at nakita niya si marcus na kumakain ng isaw sa loob
“oy pre, sorry. badtrip lang ako ngayong araw” tinanguan lang siya ni marcus at ngumiti
“gusto mo isaw?”
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional