vivien
"the actual measurements of pi is 3.14, kaya inassasinate si abraham lincoln." napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni marcus. anudaw?
dahan dahan ko namang inabot yung shotglass na may alak pero nahuli ako ni raymund kaya hinampas niya yung kamay ko
"aray!" ang nasabi ko lang at kumuha nalang ng chicharon
"alas syete na pala shit" tingin ni shirley sa orasan niya at akmang tatayo na para mag ayos
"mamaya ka na umuwiiiiiii hahatid kita pramis" hila sakanya pababa ng isang tipsy na hector
wala namang nagawa si shirley at naupo ulit
rupok. hays
"vien hingi ka nga yelo sa baba kila baltazar" inabutan ako ni raymund ng pitsel. sa ground floor kasi nandun yung tropa ni rayms na may ref sa dorm kaya chibog sila sa yelo
"to naman gabi na uutusan pa yung pinsan" reklamo ni buendia sabay kuha ng mani at binato kay raymund
"akin na" kinuha ko yung pitsel at tumayo saka kinuha yung bag ko. sisindi narin ako ng isa bago bumalik
lumabas ako ng dorm at bumaba na para manghingi ng yelo kila baltazar
buti nalang kilala na ako nun dahil naging kaklase ko siya sa isang subject ko
pagdating ko dun ay agad akong kumatok sa pinto nila
"baltazaaaaar" tawag ko sakaniya
"yes sino sila?" sumilip sipa bago niya binuksan yung pinto
"uy ikaw pala vivs. bakit naparito ka?" biglang ngiti niya nung nakita niya ako
"manghihingi lang sana yelo" pinakita ko yung hawak kong pitsel
"ay sige wait kalang dito" kinuha niya yung pitsel na hawak ko at pumasok. maya maya pa ay lumabas ulit siya at may yelo na yung pitsel
"thank you balts" bago ko pumanik ay lumabas ako para pumuslit ng isa sa smoking area
para akong tanga dito. nagyoyosi habang may hawak ng isang pitsel ng yelo
"tama ba yan nak" muntik ko ng mabitawan yung hawak kong pitsel sa gulat
"deputa ka buendia!" gulat na hampas ko sa braso niya
"bat andito ka?" tanong ko at niyakap yung pitsel ko gamit yung kaliwang braso ko.
oo pitsel ko na siya at walang makaka aagaw sa pitsel ko
"sasamahan ko sana si buds na ihatid si shirley. eh nawala edi iisa muna ako" pinakita niya yung hawak niyang yosi at sumandal sa tabi ko
"umuwi na si shirley? sabi ko sabay kami e" ngumuso naman ako
napansin ko namang ngumiwi siya at umiwas ng tingin
"wag ka ngang gumanyan" pagsaway niya sakin
"umano?" takang tanong ko with matching kunot ng noo
"ngumuso. tsk para kang baby" irap niya. aba umiiral na naman ang pagiging prinsesa niya
"ang cute ko namang baby" ininis ko pa siya bago humithit ng isa. may binulong siya na di ko narinig kaya tinanong ko ulit siya
"mas cute ka kapag naging baby ko"
"may sinasabi ka?" tanong ko
"wala sabi ko ang ganda mo" sarkastikong reply niya. napatahimik naman ako sa sagot niya
bakit ganun? kahit alam kong sarkastiko yun bakit parang tumalon yung puso ko?
hays buendia anong ginagawa mo sakin
"kaibigan mo oh" turo niya sa babaeng humahagikhik sa malayo
"oo nga no" pinaningkitan ko ng mata si shirley at nanlaki ang mata ko ng nakita ko yung katabi niya
"puta puta puta" hinampas hampas ko pa si buendia at tinuro yung nakikita ko
narinig siguro kami kaya lumingon si shirley. buti nalang hinila ako ni buendia at tumalikod sakanila, para hindi kami makilala
napatingin lang ako kay buendia. anlapit ng mukha niya sakin, dahil yung pwesto namin magkaharap kami at nakatalikod siya kila shirley
shit ang ganda pala ng mga mata niya
"ok na ba?" bulong niya kaya napabalik ako sa wisyo
ano ba yang mga iniisip mo vivien?!
sumilip ako mula sa balikat ni buendia at nakitang wala na samin yung atensyon nila
nung nakita ko yun ay bumitaw na ako at lumayo kay buendia
naiipit yung pitsel ko
"tang ina pano ko siya haharapin bukas" wala sa ulirat na tanong ko kaya napatawa yung katabi ko
"kahit ako di ko alam kung pano ko haharapin si buddy ang maiisip ko lang yung imahe ng nag-eespadahan sila ng dila ng kaibigan mo" sagot niya at bumuga ng usok
"buti pa yung kaibigan ko may sex life" nasamid naman si buendia at tinignan lang ako
"shit" mali yung pagkakalabas ng mga salitang yun mula sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional