vivien
"nak may tawag para sayo" tawag sakin ni tita.
napakunot naman ako ng noo at ibinaba ang binabasa kong comics. at sinong tatawag sakin ngayon?
nagpunta ako sa sala at inabot yung telepono
"hello?" bati ko habang tinataboy si raymund na gustong maki chismis
"vivien, anak?" napairap naman ako ng narinig ko yung boses na yun. great
"ma bakit napatawag ka?" tanong ko at binato ng tsinelas si raymund na balak pakinggan yung usapan namin mula sa telepono sa kusina
"ano kasi, gusto lang kitang kamustahin. sembreak niyo na pala, di ka manlang nagsabi"
"hindi naman ako diyan tumutuloy pag sembreak diba?" maya maya pa dumaan sa tapat ko si marcus na naka bathrobe at may suot pang twalya sa ulo kaya napangiti ako.
"ayaw mo pa rin ba?" bumuntong hininga lang ako at pinaglaruan ang kurdon ng telepono
"masaya ako ngayon dito. tatanggapin ko lahat kapag matatanggap ko na" nilapitan ako ni buddy at nakipag-charades pa sakin kung gusto ko daw ba ng bananacue dahil bibili siya ng meryenda. tumango lang ako sa kagaguhan niya kahit di ko gets
akala ko gusto niya mag-aral ng astrophysics at maging space engineer, kung may ganon man
"para kang papa mo talaga, matigas ang ulo-" nag igting naman ang mga panga ko.
ayoko sa lahat yung kinukumpara ako sa taong yon
"hindi ko siya katulad" binaba ko ng pabalang ang telepono at bumalik sa kwarto ko at sinara ang pinto
tang ina!
lahat binago ko, apelyido ko, pagkatao ko, tang ina pati ang mga ayaw ni papa noon ginawa ko!
i never wanted to be like him, ayokong tumanda ako at sasabihin ng mga tao na para akong si papa
dahil ayokong tumandang tarantado, ayokong tumandang gago, ayokong tumanda kagaya niya na isang malaking- argh!!! i hate him!
isinubsob ko ang mukha ko sa unan at pinilit kong ipitin ang mga hikbi ko
kasi no matter how much i deny it, nasa dugo ko ang lahi niya.
pero kahit ganun, papa ko parin siya
at ang sakit sa puso na kahit anong galit o poot pa ang nararamdaman ko hindi ko maitatangging minahal ko siya bilang isang ama
putang ina vivien bakit kasi di ka nalang ipinutok sa labas?!
nakarinig ako ng katok kaya naupo ako at pinunasan yung luha ko at uhog ko
tang ina ang dugyot kong mag emote
"pasok!" bumungad naman ang mukha ni raymund na halatang nag aalala
"ok ka lang ba insan?" tanong niya at naupo sa kama ko
ngumiti namab ako ng peke
"oo naman! bat naman hindi?" sagot ko ng pa-piyok, pinipigilan ang hikbing nagbabadyang lumabas kapag nagsalita pa ako
tinignan niya lang ako at niyakap, tinanggap ko naman ang yakap na yon
"tandaan mo vivien, masaya kaming nandito ka." napatawa naman ako sa sinabi niya at napasinghot. gago tong si raymund papaiyakin na naman ako
hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha na tumulo na pala sa mga mata ko
"strong gerl ka diba? wag na iiyak" napatawa ulit ako at pinunasan ang sariling mga luha ko
"minsan kailangan rin ng mga strong gerls na umiyak" ngumiti lang siya at niyakap ulit ako
maybe a hug is what i need right now
"oh sige na shoo maliligo pa ako" pagtaboy ko sakaniya palabas ng kwarto ko
naglakad naman siya palabas ngunit bago niya isara ang pinto, ay humarap ulit siya. "vivien"
tinignan ko siya at tinaasan ng kilay
"baho mo"
"pakyu"

BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional