vivien
“earth to vivien po!” napabalikwas ako sa gulat ng biglang pumalakpak si shirley sa harap ko
nag aayos kami ngayon para sa event na gaganapin next week at dahil masipag akong estudyante, nagpa-excuse ako
“girl limang minuto ka nang nakatunganga inutusan lang kitang mangulimbat ng electrical tape sa kabila!” napanguso lang ako at di siya pinansin
panong hindi ako maa-out of focus? may isang lalaking itago natin sa pangalang eleandre buendia na naka sleeveless at tumatagaktak ang pawis na nagseset up ng makeshift stage nila
minsan pinangarap ko nalang maging bimpo
“aray ko!” napatigil ulit ako ng may binato sakin si shirley. pagtingin ko isang roll ng tissue
“baka maglaway ka pa. iabot mo sakanila alam ko namang hayok na hayok ka nang magtransform bilang pamunas e” napairap lang ako at tumayo na saka naglakad papalapit sa heads
kaso napahinto ako. syet nakakahiya baka sabihin patay na patay ako
eh? nagmamabuting loob lang naman kasi pinagpapawisan e
sinong niloloko mo vivien
tatalikod na sana ako ng bigla kong narinig si marcus
“o ayan na pala si vienna sausage oh!” napairap nalang ako. nayswan marcus.
“uy nandiyan pala kayo! di ko kayo napamsin hehehe” pagkukunyari ko at lumapit sa kanila
“sige. kunyari nalang di kita nakita don pinagnanasa—” sinupalpal ko sa mukha niya yung hawak ko “tissue?”
umirap lang siya at nagrolyo ng sandamukal sa kamay niya
“ano sa tingin mo mas bagay viv, etong sticker na to o eto?” napangiwi ako ng inakbayan ako ni buendia
“yuckkkk!!!!” inalis ko yung naglalagkit niyang braso at nanginig ang buong kalamnan ko sa pandidiri
“aba! arte mo ah!” ngumisi siya at inangat niya yung damit niya at sinuot ako sa loob
“yuck ewww what the fuck ely!!!!” napatili ako sa ginawa niya at pilit na tinulak siya sa kaniyang matipunong chest
yes, matipuno. turns out nakakapag exercise ka narin pala kapag nagbubuhat ka ng kelalaking amplifier
napahawak ako sa tiyan niya ng pinilit kong kumawala sa nakakadiring kulungan niya at shet
parang monay
ang fluffy ng tiyan niya uwu
tumalikod ako sakaniya para di niya makita yung mukha ko na namumula
parang mochi kasi yung tiyan niya nakakagigil
“vivien nilalagnat kaba?” nanlaki naman ang mga mata ko ng sinipat ni buddy yung noo ko.
“ah wala! sa init lang yan leche kasi tong diyablong to eh” turo ko kay buendia na tumatawa lang sa likod ko
“buendia favor!” napalingon kami lahat sa tumawag kay buendia, yung isa sa organizer ng event
“wait lang ha wag niyo ko mamimiss” napasinamangot ulit ako ng ginulo niya yung buhok ko at tumakbo papunta sa tumatawag sa kaniya
“leche....” umirap lang ako binalik sa dating ayos yung buhok ko
paglingon ko ay napa atras ako ng konti sa gulat
ang creepy ng ngiti ni buddy at marcus, mukha silang mangkukulam
“......hi?” ang tanging nasabi ko lang
“vivien...?” panimula ni marcus habang dahan dahan na naglalakad papalapit sa akin
dahan dahan naman din akong umaatras
“...bakit??” medyo kinakabahan kong tanong
“.....crush mo ba si buendia?” pagduduktong ni buddy
“pfft! crush! haha anong crush? ano yun? ano to sahig?”
“nung sembreak ko pa napapansin yan...” pagtutuloy ni marcus habang palapit parin ng papalit sakin
“sembreak? ako nung nalock sila sa kwarto” ngisi din ni buddy
napalunok naman ako sa kaba
mga nangwawarshock tong mga to ah
“pft! hindi ko siya crush! sa itsura niyang yan na may mala-usang mata kapag walang muang tapos yung maliit niyang ngiti kapag kumakain siya ng isaw? yung habit niya na mapapakamot siya ng leeg kapag nahihiya? yung katawan niyang hindi maskulado pero masarap kapag kayakap at kayapos? hindi no!” napapikit nalang ako. tang inang dulas yan!
tanga.
buti nalang wala siya
“grabe, vivien. bago mo ko pagnasaan yayain mo atleast muna ako ng date” pagdilat ko ay napansin kong hindi sila sakin nakatingin
kundi sa likod ko
napa-sapo ako sa ulo ko at dahan dahang tumalikod
“..hi ely”
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional