26

180 14 2
                                    

vivien

"yung sapatos mo? yung bra mo? yung buong bag mo? kaluluwa mo?" napairap naman ako sa mga tanong ni raymund

"nandito na eto na bitbit ko na oh" pagturo ko sa isang higanteng bag na nakasukbit sakin

sembreak na at uuwi kami ngayon ni raymund sakanila

"sure kayo di kayo makiki-sembreak ha?" tanong ni raymund sa tatlong 'heads na pinapanood kami ngayon

"hindi nga" sambit ni marcus habang nagsisindi ng yosi

maiiwan kasi silang tatlo sa dorm dahil wala silang balak umuwi ngayong sembreak

ewan ko ba sa mga to, lakas ng mga toyo.

"sigurado?" tanong ulit ni raymund habang sinusuot yung backpack niya

"100%" pag-ok sign pa ni buddy

"final decision?" taas kilay na tanong ni rayms

"oo nga umalis kana" binato ni buendia si raymund ng maduming damit

"o sige na. yung utang ko kay baltazar kayo muna magbayad ha? bye" puro reklamo yung narinig namin habang sinasara namin yung pinto kaya napatawa lang kami

madaling araw palang kaya madilim pa ng nagplano kaming bumyahe ni raymund pauwi sakanila. mahaba pa kasi ang byahe mula sa dorm hanggang candelaria

"almusal muna tayo?" aya sakin ni rayms ng napadaan kami kila aling nena na naghahanda na ng opening nila para sa araw

"gesi" sagot ko naman

"goodmorning nay! dalawang tapsilog po saka sabaw" order ni raymund at naupo na kami sa isa sa mga lamesa

"uy aga niyong magpinsan ah" pagbati samin ni kim yung kambal ni joy na anak ni aling nena

binitawan niya yung masahan na pinampupunas niya ng lamesa at lumapit sa ina niya na naghahain ng order namin "ako na po nay" saad niya

napansin ko naman na napakamot si raymund ng batok niya sabay awkward na tawa "ah eh, uuwi kasi kami ngayon sa amin sa quezon" sagot naman niya ng medyo namumula kaya napataas ako ng kilay

aba hijo anong meron sa iyo

"ay ganun ba? tama lang na maaga kayo at traffic ngayon dahil may ginagawang bagong highway" pinatong ni kim yung order namin sa lamesa namin at ngumiti ng pagkatamis tamis bago umalis

feeling ko natunaw yung pinsan ko sa ngiting yun

"ganun po ba?" salita ni raymund sabay lapit sakin "wag na kaya tayo tumuloy tinamad na ako bigla dito nalang tayo samahan natin sila buddy" bulong niya sakin kaya nahampas ko siya

"gaga ka lagot ka sa nanay mo nagpaalam kana" nagsimula na akong kumain dahil baka ano pa magawa ko sakaniya

sus gusto lang nito sulitin sembreak niya dahil nandito si kim

palibhasa minsan lang din umuwi si kim dito dahil sa ibang university nag aaral

si joy naman iskolar sa karatig-school kaya madalas nandito sa karinderya nila katuwang si aling nena

paano ko alam?

malamang kachismisan ko si aling nena pag nakatambay ako dito

"saka sabi ni tita maghahanda siya ng pagkain diba?" dagdag ko pa habang ngumunguya ng tapsilog, ang matchmade from heaven

napatango naman siya "oo nga pala. baka sa susunod na umuwi ako dun bakanteng lote nalang ilipat niya yung buong bahay"

nasamid naman ako sa sinabi niya

deputa to tinatak pa sa utak ko itsura ng nanay niya na may buhat ng isang katamtamang dalawang palapag na bahay

pagkakain namin ay nagbayad na si raymund at nagpunta na kami sa sakayan ng jeep

syempre sagot niya siya nag aya eh

pagkasakay namin sa jeep ay bumaba kami sa terminal ng bus at mula doon nagsimula ang journey to stress naming dalawa

nilipat na pala yung bus na may ruta ng karaniwang sinasakyan namin pauwi kaya ngayon, inabot kami ng dalawang oras sa terminal

deputa di manlang sinabi ng kundoktor samin

hinanap pa namin yung isang terminal which is dalawang sakay pa ng jeep

putangina di na ako uuwi tuwing sembreak

pagkarating namin dun ay buti nalang maikli ang pila kaya agad kaming nakasakay

pagkaupong pagkaupo namin ni raymund ay nilabas ko ang magic pamaypay ko dahil apat na oras ang byahe papuntang quezon

goodluck samin

--------

"we're house!" sigaw ni raymund ng makauwi kami

"raymund anak kayo na ba yan?" lumabas si tita mula sa kusina

"hello hi!" bati niya samin with yakap

"namiss kita babyboy kooo" kinurot pa ni tita yung pisngi ni rayms kaya napatawa pa ako

"at ikaw naman vivien my girl..." nilapitan ako ni tita at niyakap ng pagkahigpit higpit

"sooobrang namiss ko kayo! pero magsiligo muna kayo at amoy usok kayo" inamoy ko naman yung sarili ko

pakshet oo nga

"sige pooooo" paalam naming dalawa at nag unahan papanik sa taas

"pagkatapos magsi-baba kayo at naghanda ako ng pagkain!" sigaw niya habang nagpapaunahan kami ni raymund sa cr

"ako muna depungol ka!" agaw ko sa twalya nya

"bahay ko toooo" tulak niya sakin

"mas mahal ako ni tita!!!" pagpupumilit ko

"aba wala kang pruweba!" aba hinahamon ako

"tita si raymund pinalo ako! ouch!" sigaw ko with arte pa

"hoy hindi-" bago pa siya makapagsalita ay pumasok na ako sa banyo at nilock na yung pinto

"raymund emmanuel!" rinig kong pagalit ni tita sa kanya kaya napatawa ako

patay ka na!

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon