vivien
nakangisi ako ngayong naupo sa terrace at pinagmasdan ang nakasimangot na mukha ni raymund
napagalitan siya ni tita. pinayagan ako uminom
sabi na ako ang tunay na marasigan eh
"wala ka pala sa pinsan mo rayms eh. malakas pa kapit sa ina mo kesa sayo" pang aasar pa ni marcus habang nagsisindi ng yosi
"parang minumura mo ko dun sa 'ina mo'ng part ah" takang sabi ni raymund
"oo nga. napansin mo pa yun?" pinakyuhan nalang siya ni raymund kaya napatawa siya
hinihintay namin ngayon si buddy at buendia dahil sila ang bumili ng alak at pangchibog. kami namang tatlo yung naatasan na maglabas ng pitsel at ayusin yung terrace
nilutuan din kami ni tita ng sisig saka ininit niya yung tirang bopis kagabi
what a supportive tita.
"vienna-bear painom nga tubig. antagal nila" sinalinan ko si marcus ng isang baso at iniabot sa kaniya
maya maya pa ay dumating na ang dalawa
"gago raymund tarantado yung tindera ng manok dun sa kanto niyo ah" seryosong bungad samin ni buendia kaya napakunot ako ng noo
"bakit ano ginawa?" agad na tanong ni rayms
"i-kiss ko daw siya kapalit ng isang buong manok" napatayo naman si raymund
"saan?"
"dun oh" tumuro si buendia sa malayo at napatingin kaming tatlo sa tinuro niya
"nga pala dagdag sa pulutan namin" naglapag siya ng plastik na may lamang fried chicken kaya naman napanganga si raymund
narinig ko namang nabilaukan si marcus sa iniinom niya
"putangina ka" nakatanggap ng isang matinding sapok sa ulo si buendia mula kay raymund. si buddy tawa lang ng tawa
napatawa rin ako. medyo tarantado siya sa part na yun ah
ipinatong nila sa lamesa yung binili nila at dahil expert na si marcus, siya ang nagtimpla ng unang pitsel
pagtapos nun ay sinimulan na nila yung ikot ng alak
nung ako na ay ininom ko ng isang lagukan yung nasa baso
napansin kong nakatingin sila sakin lalo na si raymund na nanlaki ang mga mata
ay shit "aww shet ang pait ang init sa lalamunan ehem ehem" pag arte ko
napangisi lang si buendia at nagsindi ng yosi
"wala ka talaga sa pinsan mo rayms walang chaser chaser" pang iinis ulit ni marcus
sinamaan lang ako ng tingin ni raymund "susumbong kita kay tita" i inirapan ko lang siya. edi wow di nga sila close
"tangina mo buddy wala pa tayong isang ikot tinable mo na yung sisig" reklamo ni buendia
"tanga ang aga natin naghapunan bitin pa" sagot naman pabalik ni buddy at sumubo pa ng isang kutsara ng sisig
kulang nalang sakaniya kanin at softdrinks.
nagpatuloy parin ang ikot ng alak pati ang asaran at inisan
ng maubos na yung laman pitsel ay tumayo muna ako para mag yosi break
alam kong magtetempla pa ng isa yan. apat na bote yung binili eh
"cr lang ako" paalam ko at nagpunta sa likod ng bahay, sinigurado kong out of sight ni tita. ayos nang nakita niya kami ni buendia kesa makita niya akong naninigarilyo. yari ako dun
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional