vivien
"bakit ba ang init ng ulo mo?!" inis na tanong ng pinsan ko sakin na mas lalong nagpakulo ng dugo ko
"ako pa mainit ang ulo? eh nagpapasuyo lang ako sa kabilang kanto!" nakakainis! ngayon pa siya mag iinarte ng ganyan
"bat di ikaw pumunta?" sagot niya pabalik
"di nga ako makakilos raymund ansakit ng puson ko" reklamo/palusot ko sakaniya
bakit ba kasi sa lahat ng kamalasang mangyayari abutan pa ako dito sa dorm nila?
alam kong meron na ako bago pa ako pumunta dito kaya nagsuot na ako ng pasador
pero di ko inexpect na sasakit yung puson ko to the point na di na ako makabangon
cons of being irreg. ugh samahan mo pa ng pinsan mong feeling prinsesa. umuulan baka daw mabasa yung buhok niya
sasampalin ko to ng payong e
"ewan ko sayo vivien inaatake ka na naman ng kamalditahan mo" wow ako pa!
iniwan niya ako sa kwarto niya at narinig ko nalang na nadabog yung pinto
siya ata yung meron sa aming dalawa!
"urgh! kainis!" sinuntok suntok ko yung unan at isinubsob yung mukha ko dun
nasaan ba kasi sila buddy? sila ni marcus nagpapunta sakin dito dahil daw maglalaro kami tapos wala sila
maya maya narinig ko ulit na bumukas yung pinto
"ano nagbago na ba isip mo ibibili mo na ako?" inis na tanong ko habang nakangudngod parin yung mukha ko sa unan
baka masapak ko pa siya pag tinignan ko siya
"bibili ng alin?" napatingin naman ako sa nagsalita ng hindi boses ni raymund yung narinig ko
naningkit ang mga mata ko ng nakita ko si buendia na nakasandal sa pinto at may nakasabit na lollipop sa bibig niya
inirapan ko lang siya
mas lalong nasisira araw ko
"wala" tinalikuran ko siya at nagtalukbong ng kumot
napapikit naman ako ng mariin ng naramdaman ko na naman yung sakit sa puson ko kaya inipit ko yun. nagmukha tuloy akong hipon sa pwesto ko
"anong ginagawa mo dito?" narinig kong tanong niya pero di ko pinansin yun at dumapa naman
"mamamatay na ako" nanghihinang sambit ko at halos mangiyak ngiyak na ako sa sakit ng puson ko
bakit ang hirap maging babae?!
"tagal naman" aba deputa talaga tong lalaking to
"alam mo buendia wala akong time para makipagbungangaan sayo ngayon" pinilit ko yung sarili kong maupo kahit nangangasim na ang mukha ko
ayoko na lord babawiin ko na yung sinabi kong biyaya ang pagkakaroon ng mens
tanggalin niyo nalang yung puson ko tutal para narin namang nilalagari yung kalahati ng katawan ko ngayon
nakita kong tinaasan ako ng kilay ni buendia
"nyare sayo?" tanong niya sakin habang nilalaro yung lollipop sa bunganga niya
bumuntong hininga nalang ako at bumagsak ulit sa kama
"ayoko na maging babae" bulong ko sa kawalan
napatango naman yung ulupong
"ah. red days"
tinignan ko siya at inipon lahat ng kapal ko ng mukha at pati narin ang pride ko
umupo ulit ako at tinignan siya sa mga magagandang mata niya
"buendia mahal mo ba ang mama mo?" napakunot naman siya ng kilay sa pagtataka
"bakit?" tanong niya at lumipat ng pwesto mula sa pagkakasandal niya sa pader
"mas mamahalin ka daw ng mama mo kapag binili moko ng ano" mahinang sambit ko
"ha?" ay bingi
"sabi ko mas mamahalin ka ng mama mo kapag binilhan mo ko ng ano" ulit ko sa sinabi ko
nararamdaman ko nang unti unti nang umiinit yung pisngi ko mula sa hiya
grabe napaka kapal pala ng mukha ko
pero lubusin ko na
"ng ano?" takang tanong niya
"ng ano!" naghand signals ako na pwede maging gesture sa pinapabili ko
ayoko nga sabihin di kaya ng powers ko
ng naintindihan naman niya ay nangasim ang mukha niya
"nako hermosa tigilan mo ko" inis na sambit niya at lumabas ng kwarto
urgh! bakit ba iniiwan nila ako dito sa dorm nila!
bumalik ako sa pwesto ko kanina na isang cocoon at inipit ulit yung puson ko
para akong kinakatay sa bandang tiyan sa sakit
nakakamatay maging babae
--------
nakaidlip ata ako dahil maya maya narinig ko ulit na bumukas yung pinto
syet sana isa sa dalawang heads na nawawala o kahit si raymund pa man yan
"oh" napatingin ako sa nagsalita
sumilip ako mula sa makeshift balot ko at nakita si buendia na may hawak na plastik
napakunot naman ako ng noo
"ano yan?" tanong ko sakaniya
napakamot naman siya ng ulo sa irita "kukunin mo ba o hindi nangangalay na ako" inis na tanong niya
dahan dahan kong inilabas ang kamay ko mula sa cocoon ko at kinuha yung inaabot niya
binuksan ko iyon at nakita yung isang balot ng pinapabili ko
may freebie pang siyam na piraso ng chocnut
naramdaman ko na naman na nag init ang mga pisngi ko
"thank you" pagtingin ko sa tinatayuan niya kanina ay wala na siya dun
napanguso naman ako
salamat, buendia
BINABASA MO ANG
vivien (eraserheads fanfiction)
Fanfiction+. lowercase intended this is a different timeline of eraserheads, everything is purely fictional