35

175 14 3
                                    

vivien

mainit na ang sinag ng araw ng naalimpungatan ako dahil dumadagundong sa labas

tang ina may natutulog pa!

"makakapatay ako ng tao ngayon" hinila ko yung sarili ko para maka abot sa pinto ko at binuksan yon

"hi vivs!" bumungad sakin ang mukha si marcus na may kulay puti kaya napakunot ako ng noo. gago ano yon pintura?

"ano ba yan ang ingay niyo?!" napakamot ako ng ulo at sumandal sa pintuan ko

"ah yun ba? tinatapos na na nila yung pop u sa garahe" pagkibit balikat niya at hinawakan yung mukha niya. "ok fifteen minutes na"

babalik na sana ako sa loob ng kwarto ng napahinto ako at napalingon ulit

"putang ina mo marcus face mask ko yan!"

-----

"guys may fiesta sa plaza mamaya" pinausog ako ni raymund at sumiksik sa sofa na inuupuan namin

umusog naman ako papalapit kay buendia at inirapan si raymund. kung san masikip dun sisiksik

"oh? tapos?" tanong ni buddy na may dina-dial sa telepono

"may perya. punta tayo" aya niya at pilit na kinuha yung throw pillow na naipit sa likod niya

"aya ka ng aya. may pera ka?" tanong ni marcus na pinaglalaruan yung hawak niyang brochure ng avon

"syempre. wala" napairap naman ako at sumandal nalang ako at pumikit dahil antok na antok pa ako. maliwanag na ng nakatulog ako at maaga pa akong nagising dahil nga tinatapos na daw nila yun album nila

"hmm? bakit?" mahinang tanong sakin ni buendia

umiling lang ako "antok lang." tumango lang siya at nakipag kwentuhan na rin kila raymund.

"hello? shirley? ayy tita nandiyan po ba si shirley?" ay kaya naman pala. kinokontak ang bebe gurl niya.

naghintay saglit si buddy bago ulit nagsalita "ah opo. kaibigan po ako ni shirley, si buddy po" napataas ako ng kilay

"kaibigan lang ba?" mahinang pang asar namin kay buddy kaya pinanlakihan niya kami ng mata at pinatahimik kami

hehehehe bawal pa nga pala mag syota si shirlengtot

"shirley" napangisi naman ako at maya maya pa, si marcus ginagawa na yung tres sa isang kamay at ilulusot ss butas yung hintuturo, si raymund naman yung 'nagtotoothbrush', si buendia nagmamacho dancing

"oy buds shot mo na" pagpaparinig pa ni marcus

"buddy tawag ka na ni joan" sigaw din ni buendia kaya nabato siya ng pocketbook ni buddy

"iba yung kausap mo kanina ah yung babaeng maikli buhok na maputi" panggatong pa ni raymund

napasabunot na sa buhok si buddy sa gigil samantalang kami tawa lang ng tawa ng walang tunog

"gago! ay hindi ikaw shirley sila ano kasi-" pinagtatawan ko lang sila habang si buddy stress na stress na kung pano papatigilin yung tatlo. gago talaga tong mga to!

"oh sige babye" ng binaba na ni buddy ang tawag ay hinampas niya ng unan si raymund na tawa ng tawa at si buendia na halos matanggalan na ng litid

"tang ina ng mukha mo gago mukha kang kamatis!" halos lampasuhin na ni marcus yung sahig dahil sa kakatawa niya

"gago dun na daw ako sa joan tang ina niyo" napasimangot naman si buddy kaya lalo kaming napatawa. nako nagtampo ang baby boy!

"aww, wag kang ngumuso mukha kang biik" pinakyuhan lang ni buddy si marcus na nagbabago na kulay ng mukha dahil di na makahinga kakatawa

"tanginaniyo trip niyo ko no" ismid ni buddy kaya ng nahimasmasan na si marcus ay hinawakan niya to sa balikat

"wag kang mag alala, lahat tayo dito makakaranas ng pambubully" napatawa nalang ako sakanila

mga gago amputa

"tuloy tayo sa perya ah? alas singko sharp ge bye" tumayo na si raymund at patalon talon na pumunta sa kusina.

luh saya nun

tumayo na rin ako para bumalik sa kwarto tutal 3:35 pa lang naman.

iidlip muna ako

pumanik na ako at di ko napansin na may nakasunod pala sa aking anino

"san punta mo?"

"ay kalabaw!" napatalon ako at nakita si buendia na nakasunod

"iidlip bakit sama ka?" inis na tanong ko ng naka recover na ako sa pagkagulat

maaga akong mamamatay sa lalaking to

"oo" puta-

ok heart kalma. kahit gusto natin yung deal na yon di pwede. di tayo pokpok

"gago chupi magbeauty rest ako" pagtaboy ko sakaniya

"mag aaya aya ka tas pag pumayag baback out ka"

luh.

ineemote non?

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon