29

183 17 7
                                    

vivien

"ok lez g!" sigaw ni raymund at nagsimula na kaming maglakad patungo sa ilog

may mga kanya kanya kaming bitbit at ang naatas sakin, yung mga twalya

nagplano kami na sa pag uwi nalang magbanlaw dahil nga walking distance lang naman

"lakad na" nauna maglakad sila marcus at buddy dahil may bitbit sila na isang basket ng kutkutin. sumunod naman kami ni rayms na may dalang twalya at nasa dulo si buendia na feeling prinsesa. Natashades pa ang puta.

nagsimula na kami dumaan sa mga malalawak na palayan at muntik pang makatapak ng tae ng kalabaw si marcus dahil sa kabaliwan niya

"hoy tangina mo buddy may lamang adobo ng nanay ko yan!" tumakbo si raymund ng nakita niyang inalog alog ni buddy yung lalagyan ng pagkain

napahagikgik naman ako ng nakatikim ng batok si buddy kay raymund

ayan harot pa

"hi miss" napatalon naman ako sa gulat at nakitang nasa tabi ko na ang kamahalan na may nakasabit na yosi sa labi

"yosi?" inoffer niya sakin yung yosi niya

napalingon naman ako kay raymund na busy sa pagsesermon kay buddy dahil natapon yung sabaw ng adobo ni tita

"dali habang di nakatingin si rayms o" kinuha ko naman yung yosi niya at humithit ng isa saka sinoli ng mabilisan sa kaniya

nakita ko naman na ngumisi siya at humithit din

"naniniwala ka ba sa indirect kiss, hermosa?" nasamid naman ako sa sarili kong laway sa sinabi niya

"tangina mo!" hampas ko sakaniya pero napatawa lang siya at humithit uli ng isa pa

umakbay lang siya sakin at ngumiti lang "alam mo hermosa, wiling wili ka na sa kakamura mo sakin. tandaan mo, the more you hate the more chances of winning" puta ano daw?

inalis ko yung pagkakaakbay niya at kinurot siya sa tagiliran niya kaya napa-aray siya

"ah puta!" pagreact niya

"kumakapal apog mo boy." inis na ngiti ko sakaniya at nauna sa paglalakad

sakto namang may matalas na bato sa daan at dahil shunga ang ate mo, natalisod

napapikit nalang ako para damahin yung impact pero napadilat ulit ako ng di ko naramdaman yung pagbagsak ko

pagdilat ko, unang bumungad sakin ang nakangising mukha ni buendia

napaubo ako ng tinayo niya ulit ako ng maayos at pinagpagan yung damit ko

"nubayan hermosa. mahuhulog ka nalang sakin pa" mapang asar na ngisi niya kaya naman pinakyuhan ko lang siya at umirap

ang bilis na naman ng tibok ng puso ko

tang ina, feeling ko talaga may lahing mangkukulam tong si buendia tapos pinakulam ako sa mga kamag-anak niya e

akmang mauuna na ako sa paglalakad ng hinila niya yung kamay ko pabalik

"dito ka lang" tang ina kalma puso

"bakit di ka ba marunong maglakad mag isa?" inis na kamot ko sa ulo ko gamit ang kaliwang kamay ko dahil di parin niya binibitawan yung kanang kamay ko

kalma ka lang vivien. dala lang ng araw kaya nag iinit yang mga pisngi mo

oo, yun nga. dahil lang sa init yan

tang ina sinong niloloko mo

"baka ikaw yun. kita mo kanina muntik ka nang mahulog sakin" ngising sagot niya

di naman ako nakasagot kaya nagngiting tagumpay nalang ang gago at nagpatuloy kami sa paglalakad

lord god pigilan niyo ko sa kung anong magagawa ko sa lalaking to

napakagat nalang ako ng labi dahil sa pilit kumakawala ng ngiti ko

tang ina lolokohin ko pa ba sarili ko?

oo kinikilig ako.

vivien (eraserheads fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon