2

195 7 1
                                    

Chapter 2: A Not-So-Happy Chinese New Year

"Temporary memory loss."

Nagulat si Peony, Carren, lalo na si Xiu sa balitang inihatid sa kanila ng doktor.

Halos matumba si Peony na agad naman sinalo ni Carren. "Tubig, tita." Alok nito sa babae. Si Xiu naman ay agad kinuha ang pitsel at pinuno ang isang baso, inabot kay Carren at pinainom naman ni Carren kay Peony.

"His head was severely affected causing this memory loss. Fortunately, he should be fully recovered within the span of 8-12 months."

Nakahinga naman si Peony nang marinig iyon.

Ang mahalaga ngayon ay buhay ang kaniyang anak, nakahiga ngayon sa kamang kumportable sa ospital at hindi sa kabaong, pinaglalamayan.

"Xiu, maybe you should go home." Suhestiyon ni Peony nang makaalis na ang doktor. "And you too, Carren."

"But I want to watch for Jared." Sinubukan pa nga ni Xiu na pilitin si Peony.

"Huwag nang matigas ang ulo. It's not cool, okay?" Tinalikuran sila ni Peony at nagsimula nang mag-asikaso.

"Tara na, Xiu." Yaya ni Carren na hinihila pa ang suot na denim jacket ni Xiu.

Napabuntong-hininga na lang si Xiu. Wala na kasi siyang magawa. Nararamdaman niya ang guilt sa puso. At ang nais na lang niyang pambawi sa pagkakasala niya ay ang bantayan at alagaan si Jared. But even that, hindi siya binigyang tsansa para gawin.

Kasalanan niya 'tong lahat. Kung hindi sana siya laging nagpapadalos-dalos, edi hindi sana nangyari lahat ng ito.

Ang laki ng pagsisisi niya. Sobrang bigat ng puso. Hindi niya alam kung bakit niya nagawa ito sa kaniyang kasintahan. Hindi naman kasi ito ang pinlano niya. Everything gets out of control.

"Huy, kaya mo pa bang mag-drive?" Tanong ni Carren na nasa passenger's seat ng kotse ni Xiu. Pauwi na sila at tinatahak ang madilim na daan pabalik sa kabilang bayan, sa kanilang tirahan.

Napapansin kasi ni Carren na medyo nawawala sa kaniyang sarili si Xiu. At hindi ito maganda. Baka mauna pa sila kay Jared kung sakali.

Nagpatuloy lang si Xiu sa pagdadarive hanggang sa makarating sila sa entrada ng Summer Town. May malaking tanda kasi sa pagitan ng Mataas na Kahoy at Summer Town tanda na kung nasaang bayan ka na.

"I don't know where you live. Saan kita ibababa?"

"Sa bus stop na lang."

"Bus stop?"

"Oo."

"No, it's okay. Masyadong malalim na ang gabi. It's already 11 PM, wala nang bumibyaheng bus."

"I have been in this town for how many years, Xiu. Believe me, meron 'yan."

Kumunot ang noo ni Xiu. "Really? Well, I don't know. I don't stay outside that late in night."

"Masaya kaya! Try mo minsan."

Ngumiti si Carren kay Xiu na hindi siya tinatapunan ng tingin. Nakatuon ito sa pagdadrive. Basang-basa niya ang body movements ni Xiu. Isa kasi siyang Psychology student. Mag-second year na.

They are already in the half of the first month of summer vacation.

Hindi nagtagal ay naramdaman na lang ni Carren na tumigil ang kotse. Andito na pala sila.

"Bye!" Ang tangi na lang nasabi ni Carren kay Xiu.

Tinaasan lang ng kilay ni Xiu si Carren bilang tugon. Saka ay napabuntong-hininga nang magdrive muli.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon