Chapter 13: A Wise Philosopher once said.
"Ian!"
Nagtinginan ang tatlo nang makita si Ian na pumasok na sa loob ng silid. Nakabalot na ang mga pinamili nito na magsisilbing regalo para kay Jared.
"Bumili ka ng regalo!?" Namimilog ang mata sa pagkatuwa na tanong ni Carren. Lumapit siya at kinuha ang parang paper bag na pakete ng regalo.
Kinalog-kalog iyon ni Carren at sinubukang hulaan ang laman. Kinapa-kapa niya pa ngunit wala siyang maisip kung ano ang laman noon.
Kumunot ang noo niya at tumingin kay Ian, "Ano 'tong regalo mo?"
Tiningnan lamang siya ni Ian at kinuha na ang regalo niya.
"One minute." Nagpaalam muli siya at lumabas.
"Tingnan niyo!? Pikon na pikon na ako riyan e. Kung ayaw niyang tumulong sa pagdedecorate, I'll be more than glad to see him leave." Si Xiu na puno pa rin ng panggagalaiti ang tono.
"That's enough." Saway ni Peony.
Naikom ang bibig noon ni Xiu. Wala pa rin siyang laban sa ina ng kaniyang kasintahan.
Bumalik na lang sila sa pagdedecorate.
"6 pm na!" Anunsyo ni Carren sa loob ng silid.
Nagtaka naman sila kung bakit wala pa si Jared. "Bakit wala pa si Jared?" Tanong ni Xiu na tumingin pa sa relo niya.
"He must be on his way." Si Ian.
Galit namang sumagot si Xiu, "On his way? E kanina pa 'yun nandoon kasama 'yung lalaki na 'yun e!" Tinutukoy niya ay si Aiken.
Nag-aalala na rin tuloy si Ian.
"He must have lost his way back." Kaya naglakad si Ian patungo sa pinto nang bigla na lamang itong bumukas.
Malakas ang tunog na nilikha nito kaya lahat sila ay nagitla sa kani-kanilang kinalalagyan- "si Jared!!!"
Oo, maging si Ian na hahawak pa lang sa door knob.
"Surprise!" Kaniya-kaniyang sumigaw ang tatlo.
May nagpaputok ng party poppers, may nag-torotot, at siyempre sumigaw.
Alam nilang hindi inaasahan ni Jared ang surprise party dahil kahit mismong si Jared ay hindi matandaan ang kaniyang sariling kaarawan, ngunit imbes na mabigla si Jared sa kanilang surpresa ay sila ang nabigla sa naging reaksyon nito.
Pumatak ang isang luha sa mata ni Jared hanggang sa sumunod ang isa pa hanggang sa humagulgol ito sa pag-iyak. Dinig na dinig ang tunog ng pag-iyak nito dahil ba parang pinagilatan itong bata.
Natigalgalan silang lahat.
Bumagsak ang lahat ng saya at excitement sa loob ng silid. Hindi nila maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Jared. Maging kay Ian, hindi niya maunawaan ang nangyayari kay Jared ngayon.
BINABASA MO ANG
how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)
RomanceWARNING: The following story contains homosexual romance and sex. If that's not your cup of tea, then better get out. ❗THIS IS A SEQUEL. READ "HOW TO HAVE SEX WITH AN ALPHA MALE" FIRST ❗ After Jared found out that Ian is his half brother, he left t...