Chapter 27: Nadine Lustre na va?
Ipinagpaliban muna ni Jared ang pagsubok sa pagpasok sa restricted room. But he never removed it to his priority. Ito ang kailangan niyang pasukin dahil malakas ang kutob niyang may nakatago roon na ayaw ng kaniyang ina na malaman niya.
Dumating ang umaga, masakit ang ulo ni Jared. Tila ito binibiyak nang magising siya. Tumayo siya mula sa kama niya at nakita si Carren na tulug na tulog pa sa carpet. Hinayaan na niya ito roon. Nagpalit lang siya ng damit kagabi at hindi na rin nilinis ang carpet. Baka ngayon na lang niya ito lilinisin.
Saktong may nag-alarm na cellphone. Sigurado si Jared na hindi iyon sa kaniya dahil 1 PM pa ang kaniyang klase. May dalawang tig-one hour lang siyang subject ngayon at maaga rin makakauwi.
Ngunit para kay Carren na kailangan pang bumiyahe ng halos dalawang oras patungo sa university niya, sigurado si Jared na hindi nito mapapasukan ang unang subject. Napaka-legend talaga nitong si Carren. Walang katakot-takot sa mga professor.
"Carren! Carren!" Panggigising niya kay Carren. Napatakip pa siya ng ilong ng masinghot niya ang amoy ng suka nitong nangamoy na sa carpet. Kaya ginamit na niya ang kaniyang paa para alug-alugin ito.
Bigla namang napabalikwas ng bangon si Carren, namimilog ang mga mata, at inikot sa lahat ng direksyon ang kaniyang ulo.
"Jared, bakit hindi mo ako agad ginising?" Pagrereklamo ni Carren na agad tumayo at saka kinuha ang tuwalya. Hindi nito nililingon si Jared. Papasok na sana ito ng banyo nang may maalala, "Tangina! Wala akong dalang uniform."
Natawa si Jared sa nangyayari kay Carren. Aligagang-aligaga ito.
Hindi na alam ni Carren ang gagawin hanggang sa natulala na lang ito. Tumayo si Jared mula sa kama at nilapitan si Carren. Tinapik pa niya ang balikat nito at binulong, "Wash Day niyo ngayon."
Bumaba si Jared para tingnan kung may almusal na. Sakto namang naabutan niya ang kaniyang ina na naroon. Patapos na ito sa kaniyang gawain nang makita si Jared na papunta sa kusina.
"Good morning, ma!" Bati ni Jared nang mapansin ng kaniyang ina ang presensya niya.
"Kain na, 'nak. Nagtimpla na rin ako ng gatas kasi sigurado akong matagal-tagal ka nang hindi nakakatikim niyan." Nanlaki ang mga mata ni Jared sa tinuran ng ina. The subtle shade his mom threw-
Ngunit agad niya itong sinagot, "Di mo sure." Na ikinagulat din naman ni Peony.
Natawa si Jared sa reaksyon ng ina dahil napatakip pa ito ng bibig at saka tumawa. He loves his mother so much na sa sobra niyang malapit ay nagagawa nilang magbiruan ng mga bagay tulad noon.
"Niluto niyo pala ang chicken wings kagabi! Nakatabi 'yon para-" naputol ang sinasabi ni Peony nang sumabat si Jared.
"Alangan namang pinakuluang tubig ulam namin kagabi. Puro tubig ba naman ang laman ng ref." Pambabara sa ina.
Hindi nakaimik si Peony. "Sige na nga, kumain ka na. Dami mong dada. Hindi ko alam bakit ganiyan ka lumaki."
At hanggang sa huli, hindi pinalampas ni Jared ang sarkastikong sagutin ang ina, "Sa'yo lang naman ako nagmana."
Habang nasa kalagitnaan ng pagkain, nakarinig ng nagmamadaling mabibigat na yabag ang dalawa sa hagdan. Hindi nagtagal ay nakita nila kung sino ang may salarin-
"Carren, mag-almusal ka na." Ang paanyaya ni Peony.
Hindi maipinta ang itsura ni Carren sa mga buhok na dumikit na sa pawis nito sa pagmamadali. "Sorry, tita. But I have to go to school na. Kakain na lang siguro ako mamaya."
BINABASA MO ANG
how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)
RomanceWARNING: The following story contains homosexual romance and sex. If that's not your cup of tea, then better get out. ❗THIS IS A SEQUEL. READ "HOW TO HAVE SEX WITH AN ALPHA MALE" FIRST ❗ After Jared found out that Ian is his half brother, he left t...