17

70 3 1
                                    

Chapter 17: The Gift

JARED'S POV

Nagising ako na medyo gumaan ang loob ko. I am about to reach my phone nang masanggi ko ito dahilan para mahulog ito sa sahig.

"Shet!" Mura ko.

Hindi ko nagawang saluhin ito.

Agad akong bumaba ng kama para kunin ito. At nang tatayo na ako, bigla na lang.....

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!"

Hindi ko inaasahan na madatnan sila mama at si Xiu na may hawak na cake. May isang maliit na kandilang nakatusok sa gitna noob.

Nangiti ako nang makatingin na sa kanila.

"Make a wish!" Ang sabi ni mama. Excited na excited siya akong pinapanood.

Ngumiti ako. Hihipan ko na sana ang apoy nang bigla kong naalala si Ian.

Naalala ko ang mahabang panaginip ko habang nasa coma.

"Bilis na, 'nak. Matutunaw ang kandila." Bumalik ako sa ulirat sa sinabi ni mama.

Pumikit ako at buong pusong humiling, "Sana maging okay na ang lahat."

Nasa ganoong kaming kalagayan nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Sa sobrang lakas ng pagtama ng pinto sa pader dahil sa biglang pagbukas, nakuha noon ang atensyon naming lahat.

Iniluwa noon si Carren. Hapong-hapo.

Nakapako kami sa kinatatayuan namin. Naguguluhan.

"Jared! Tita! Si Aiken nasa ICU!"

Toot. Toot. Toot.

Iyon ang tunog na nililikha ng mga makinang nakakabit sa kaniya.

Wala akong magawa kundi ang pagmasdan lamang sila sa likod ng salaming ito na naghihiwalay sa amin.

Nakahiga siya sa loob ng silid na iyon.

Mag-isa.

"Hindi na namin alam ang gagawin namin sa kaniya." Nagsalita ang sa palagay ko ay ate ni Aiken.

Tumingin ako sa kaniya. Sandali kong sinuri ang mukha niya.

Hindi sila magkamukha.

"May leukemia si Aiken."

Nang bitawan niya ang mga salitang iyon, tila ako pinagsakluban ng langit at lupa. Nanginig ang mga labi ko sa takot ng posibleng mangyari sa kaniya.

"Ilang buwan na rin niyang pinaglalabanan ang sakit niya. Halos walang gabing lumilipas na hindi siya umiiyak sa sakit ng mga nararamdaman niya. Sa mga nagiging kumplikasyon."

Bumalik ako sa pagtingin kay Aiken. At ngayon... maigi kong pinagmasdan ang mukha niya.

"Kaya salamat."

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng kamay ng ate ni Aiken sa kamay ko.

"Alam kong ikaw ang dahilan ng pagiging masaya ni Aiken netong mga nakaraan. Mas naging masigla niya. Nagkaroon ng pag-asa na gagaling siya. Mas naging positibo na ang tingin niya sa buhay. Hanggang sa ngayong linggo lang, hindi na gumagana ang dialysis."

Wala akong nagawa kundi mapangiti ng mapait habang pinagmamasdan ka, Aiken.


"Sa tingin mo ba tatalon ako rito?"


Narinig ko muli ang mga salitang iyon sa tainga ko ngayon. Bumalik muli sa akin. Sa ala-ala ko. Sobrang linaw na tila ba kahapon lang naganap.

Iyong araw na balak mo sanang tumalon mula sa rooftop ng ospital na ito.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon