10

100 5 0
                                    

Ian Wade Vicedo ⬆️

Chapter 10: Awit!

Nang sumunod na araw, normal naman halos ang lahat. Gano'n pa rin. Mas nakilala ko si Carren. Natutunan ko ang ang bagay at pangyayaring minsan na rin naming pinagsaluhan. Awow! Grabeng lalim naman no'n.

Nakakatuwa lang. Nakakatuwang malaman na nagkaroon ako ng kaibigan bago ako mawalan ng memorya.

Ang sarap sa pakiramdam.

Ang saya namin ngayon sa loob ng silid. Hindi ko rin inaasahan na may dalang portable karaoke si Ian nang bumisita ngayon.

Tinanong ko pa nga kung saan niya iyon nakuha pero ngiti lang ang sinagot niya sabay punas ng pawis sa mukha.

Ang saya ng mga kinanta namin. Mga bagong OPM. Ang saya nila panoorin. Lalo na ngayong si Xiu at Ian naman ang kumanta. Nagpagandahan pa sila ng boses. Ang cute nilang panoorin.

Para silang mga drag queen sa RuPaul's na gagawin ang lahat sa pag-lilipsync para hindi sila matanggal.

"Nako, baka akala niyo 1 milyon ang premyo pagkatapos niyo kumanta." Natawa ako sa biro ni Carren. Hinawi pa nito ang buhay at nagdalagang-Filipina pose.

Natawa ako sa ginawa niya.

Magiliw din si mama na pinapanood sila.

Ang saya ng pamilya na 'to. I am glad to find out that I grew up together with a mother that is so strong and independent.

And as for these friends, I cannot wish for more.

I smiled and it seemed to catch the attention of Ian who later sat beside me after their intermission number.

"You okay?" He asked.

Tumango ako. Malamlam ang mga mata ko.

"If something is bothering you, you can always count on me." And then he rubbed his hand against my hair.

Tumingin lang ako sa kaniya at ngumiti.

But sometimes I got curious kung bakit ang touchy ni Ian sa akin.

Inabutan ako bigla ni Xiu ng tubig at tumabi namain sa aking kanan.

Si mama naman ang nakanta ngayon.

At kasalukuyan akong pinaggigitnaan nila Xiu at Ian.

Eto rin si Xiu, medyo nagtataka ako sa sobrang caring. "Thanks." Sabi ko sa kaniya.

"Jared, kapag nakalabas ka na rito, dadalhin kita sa chinese resto namin. Kakain tayo ng malala." Si Xiu.

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, talaga? May Chinese resto kayo?"

"Oo! Actually sa'y-" bigla siyang pinalo ni Carren kaya hindi niya natapos ang sasabihin.

"Ouch!" Ang tangi na lang nasabi ni Xiu.

Sumimangot ito at nag-astang bata. Ngumuso pa ito at humalukipkip.

"Hala, parang tanga!" Ang nasabi ko na lang dahil ang cute niyang tingnan. "Ang laki ng katawan mo tapos nagpapacute ka ha!" Lumapit ako at pinisil ang pisngi niya.

Bigla siyang nanigas sa posisyon na ikinatakot ko. Shocks! May nagawa ba akong hindi tama? Namumula ang pisngi niya at ang mata ay nakapako ng tingin sa sahig.

"Huy, okay ka lang ba?" Tanong ko. Umiling-iling si Xiu nang marinig ang tanong ko. Tumingin siya sa akin na bumitaw agad at sumagot, "O-oo. Okay lang. Hehe." Napakamot pa siya ng ulo.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon